Chapter 9 - Ang kanin, bow!

951 35 1
                                    

CHAPTER 9

Ang kanin, bow.

NANG lumabas siya ng kuwarto ay nakita niya si Kim sa kusina.  “Ano pa ang ginagawa mo rito?” tanong niya.

            “Nagluluto,” sagot nito. Ni hindi man lang siya nilingon. “Ako na kasi ang katulong mo rito. Nakakahiya naman kasi sa 'yo.”

            “Sorry. Nakatulog kasi ako.”

            “'Yon nga nga. Nahihiya ako sa 'yo.”

            “Sorry na. Sorry na, sir. Kasalanan ko na dahil nakatulog ako. Ito naman kasing mga baby fats ko, hinihila ako sa higaan.”

            Hindi ito sumagot. Nagpatuloy lang ito sa pagpi-prito.

            “Ako na lang ang kukuha ng pinggan.”

            “'Wag ka nang mag-abala.”

            “Eh, di 'wag. Tumutulong na nga, eh. Ayaw mo pa.” Binirahan na niya ito ng talikod. Maliligo na lang siya. nang matapos siya ay nakita niya itong nakaupo lang sa harap ng mesa. Nagti-text. Parang hindi man lang nito ginagalaw ang pagkain. May dalawang pinggan doon.

            Umingos siya. Saka kinuha ang suklay sa kuwarto. Naglalakad na siya habang nagsusuklay ng buhok. Nang nilingon siya nito ay nakakunot-noo ito. “'Wag kang lalapit dito sa mesa. Hindi ako kumakain ng buhok.”

            “Ang arte nito!”

            “Hindi 'yan noodles.”

            Umupo na siya. Nilapag niya ang suklay sa mesa. “Ba’t hindi ka pa kumakain?”

            “Hindi naman ako katulad mo. Gusto kong sabayan ako ng amo kong kumain. Pagsasaluhan namin ang niluto ko. Especialty.”

            “Siguraduhin mo lang na masarap 'to.”

            “Masarap 'yan sa luto mo.”

            Nagbikit-balikat siya. Kinuha niya ang sandok. Tinampal nito ang kamay niya. “Aray! Bakit ba?”

            “Hindi ka man lang ba magpi-pray?”

            “Sorry.”

            Pumikit siya. Lord, gutom na gutom na po ako. pakainin niyo na ako, please. At world peace. I love you, Lord.

            Nang iminulat niya ang mga mata ay nahuli niyang nakatitig lang ito sa kanya. “Ano ang pray mo?” tanong nito.

            “World peace.”

            “At?”

            “Peace and order. Good Samaritan ako, 'no. Hindi tulad mo.” Kinuha na niya ulit ang sandok. Tinampal na naman nito ang kamay niya. “Ano na naman?”

            “Hindi pa ako nagpi-pray.” Saka ito pumikit.

            Ibinagsak niya ang mga kamay niya. Hinintay niya itong matapos. Nakaisip siya ng kapilyahan. Dahan-dahang niyang inabot ang sandok ng kanin.

            “'Hindi pa ako tapos!” sabi nito.

            “Nakikita mo 'ko?”

            “Pinanganak akong tao. Ang tao, may dalawang mata at may ilong na dalawa ang butas. Ang mata naming mga normal, puwede naming buksan na parang kahit sa iba ay nakakipit. Iyon ang tao.”

            “Tao rin ako.”

            “Na masiba.”

            Nasaling nito ang ego niya. “Aray!”

            “I didn’t mean to hurt your ego.” Nakadilat na ito. Mabilis nitong kinuha ang sandok at mabilis na nagsalin ng kanin sa pinggan. “Ako ang nagluto kaya ako dapat ang maunang kumain,” natatawang sabi nito habang nagsasalin ng kanin.

            Umirap siya. Naalala niya ang nakita niya kanina. Naramdaman niyang namula ang pisngi niya. Erase, erase, erase.

            “What can you say—”

            “Sa nakita ko—?”

            “Ha?”

            “Ah. W-wala. Ano’ng sinasabi mo?”

            “Ano ang masasabi mo sa niluto kong hotdog? Hindi ba sunog?”

            Umiling siya. “Hindi naman,” sagot niya.

            Ngumiti lang ito. Kumain na sila.

            Patapos na sila nang mabukas siya ng usapan. “Aalis pala ako mamaya. Maghahanap ako ng nagbibenta ng ticket.”

            “Ticket saan?”

            “Sa concert ni Kim Hyun Jong.”

            “Sold-out na, 'di ba?”

            “Sigurado akong mayro’n pa. maghahanap ako.”

            “Hindi ka puwedeng lumabas.”

            “Bakit na naman?”

            “Hindi mo off ngayon.”

            Tama ito. Hindi nga niya off ngayon. “Sa internet na lang ako maghahanap para hindi na ako lumabas ng bahay.”

            “You stay here.”

            “Sabi ko nga. I will stay here.”

            “Good.”

MY CHINITO HEART by Rill Mendoza (TBP_PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon