Chapter Nineteen
Make Love To Me
Soraia cried when we got into my car. Kung hindi ako nakagalaw kanina sa pagyakap niya ay mas lalong hindi ko iyon nagawa nang nasa sasakyan na kami at hindi niya ako bitiwan. Para siyang lintang lasing na nakakapit sa aking katawan.
"You shouldn't get yourself this drunk. Nabawasan ba ang problema mo sa pag-inom?"
I heard her sniff. Hindi nakasagot. Sinubukan kong galawin ang mga kamay niya paalis sa aking leeg pero mas humigpit lang ang kapit niya sa akin. Napabuntong-hininga ako at wala nang nagawa kung hindi ang hayaan siyang umiyak nang umiyak.
"What the fuck are you doing in that club alone? That was so stupid of you."
"F-fine, I-I'm stupid, alright... kasalanan ko na. Mali na ako pero huwag mo akong sisihin. You don't know what I'm going through." sisinghap-singhap niyang sagot.
"I exactly know what you're going through."
"Pero hindi mo alam ang nararamdaman ko."
That just made me heave another sigh. Ayaw ko nang magalit at mas lalong ayaw ko na lang siyang pagalitan dahil hindi ko forte ang ganito. I let her pour her emotions while hugging me tight, but my patience became thin after almost fifteen minutes of staying still.
"Tumigil ka na at bitiwan mo na ako para maiuwi na kita–"
"No! Huwag mo akong iuwi do'n! Dalhin mo ako kahit saan mo gusto huwag lang sa bahay namin!"
"Are you stupid? Huwag mo na akong idamay sa problemang meron ka–"
"You rescued me there. Ikaw ang dumamay sa sarili mo at hindi ko 'yon hiniling kaya huwag kang magreklamo ngayon."
Is this girl serious?!
Magsasalita na sana ako pero naitikom ko ang aking bibig sa pag-alis niya sa akin. Hinanda ko ang sarili ko sa mga posibleng birada niya pero mas lalong hindi ko napaghandaan ang lahat nang makita na ang namamaga niyang mata.
Her tears continued to fall from her eyes. Bahagyang nangingitim ang palibot ng mata dahil sa make up na nabura. Pilit niyang pinunasan ang kanyang mga luha pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko.
"Alam kong marami na akong utang sa 'yo at masyado na akong malaking abala pero sige na parang awa mo na huwag mo akong iuwi. Huwag mo ring sabihin kay Kuya kung nasaan ako. I just want to escape, Auxerre... Kahit ngayong gabi lang kaya huwag mo naman sanang ipagkait 'yon... Help me... promise huli na 'to. Promise pagkatapos nito hinding-hindi na talaga kita kukulitin."
Napalunok ako sa narinig lalo pa't kasabay no'n ang pagpisil ng mga kamay niya sa aking palad.
"Sige na... I'm begging you. Take me somewhere. Kahit saan. Maybe take me to a hotel. Doon mo na lang ako ihatid at iwan."
Magsasalita na sana ako pero muli iyong naudlot nang agad niyang matutop ang bibig matapos umangat ang mga ininom na alak.
"Fucking shit..." I cursed hard when I felt her puke on my lap!
Pilit kong kinalma ang sarili kahit na gusto ko na lang siyang ipagtulakan palabas ng kotse ko't hayaan siya sa buhay niya! I am pissed alright, but I can't just do that. Totoong lasing na lasing na nga ito dahil matapos akong sukahan ay balewala niyang pinunasan ang bibig at ibinalik ang sarili sa upuan pagkatapos ay agad na pumikit.
"Hey." tinapik ko ang balikat niya pero hindi na ako nito pinansin.
I stopped myself from cursing out loud kahit pa kanina pa ako naiinis sa nangyayari.
BINABASA MO ANG
The Girl Under His Red Sheets [The Rozovsky Heirs 2]
General FictionWARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] #RozovskyHeirsSeries2