Sinamahan nga ni Catalina na maglalakad sa hardin ang binata nauuna ito sa kaniya samantalang nakasunod lamang siya rito, kapwa silang tahimik na dalawa habang nagmamasid sa naggagandahang mga bulaklak katulad kanina hindi pa rin niya mapigilan ang mahalina sa halimuyak kaya hindi niya namalayan na tumigil na pala ang kaniyang mga paa sa paghakbang pagkatapos ay bahagyang yumuko upang ilapit ang mukha sa mga bulaklak pagkatapos ay hinayang ang sarili na amuyin ang mga naggagandahang bulaklak.
Hindi malaman ni Catalina kung bakit tila masyado siyang nakakaakit sa mga bulaklak ngayon maharil dahil ito ang hilig at gusto ng tunay na Catalina.
Samantalang tumigil ang lalaki sa paglalakad upang tanungin ang binibin kung bakit ito laging masungit sa kaniya, ngunit hindi niya lamang nakabuka ang kaniyang mga labi dahil hindi niya inaasahan ang tanawing makikita. Kusang gumuhit sa labi niya ang isang maliit na ngiti dahil sa kaniyang paningin ay mas lalong pinaganda ng binibini ang paligid habang abala itong amuyin ang bulaklak ay tuluyan ng napako ang kaniyang paningin sa binibini.
"Bonita." (Pretty). Wala sa sariling sambit ng lalaki.
Nang mga sandaling iyon ay umihip ng marahan ang hangin dahilan upang masayawan ang mga bulaklak ay dahon habang naglalaglagan ang mga patay na dahon mula sa puno, sapat na 'yon upang tumuwid ng pagkakatayo si Catalina at lumingon sa gawi ng lalaki dahil kaniyang naulinigan ang sinabi ng lalaki ngunit hindi lubusan niya ito lubusan maintindihan kung ito ba pangalan o bagay?
"Anong sabi mo?" Kunot noong tanong ni Catalina, saka lang natauhan ang lalaki ay mabilis na inalis ang nakaguhit na ngiti sa labi nito pagkatapos ay inaayos ang kaniyang tinding at tumikhim.
"Wala iyon binibini," magalang na tugon ng lalaki, ngunit hindi naniniwalang si Catalina na wala lang ang sinabi nito pero isinawalang bahala niya na lamang.
"Nga pala anong pangalan mo?" tanong ni Catalina upang may mapag-usapan.
"Ismael Remigio," magalang na wika ng lalaki kabasay no'n ay hinubad nito ang sumbrero saka itinapak sa kaniya dibdib upang magalang na ipakilala ang sarili.
Bakas naman sa mukha ni Catalina ang gulat dahil ang lalaking nasuntok niya kabagi at sinusungitan ay ang lalaking nakatandang ipakasal sa totoong Catalina. Natuptop niya ang bibig dahil do'n lamang niya na pagtanto ang nagawang pagkakamali.
Paano na ito? Hindi malaman ni Catalina ang gagawin kaya mabilis siyang naglakad patungo sa lalaki upang humingi ng paumahin ngunit ng malapit na siya sa pwesto ng lalaki ay naapakan niya ang harapan laylayan ng suot niyang saya dahilan upang masubsob ang mukha ni Catalina sa matipunong dibdib ng lalaki habang ang kaniyang mga kamay ay dumapo sa magkabilaang braso ng lalaki.
Samantalang hindi malaman ni Ismael ang gagawin dahil ngayon lamang siya nalagay sa gano'n sitwasyon at ngayon lang din ito nakaenkwetro ng binibining katulad ni Catalina na parang bang wala sa huwisyo at nakalimutan ang mga pangaral at alintuntunin pagkadatinv sa tamang gawi ng babae.
Habang si Catalina ay ramdam na ramdam ang pag-init ng magkabilaang pisngi nito dahil sa lubos na kahihiyan. Hinihiling niya sa lupa na sana ay bumuka ito at kainin siya upang mabawasan ang hiyang kamiyang nararamdaman.
Handang na si Catalina na umaayos at tumayo ng tuwid upang ilayo ang mukha sa dibdib ni Ismael ng bigla itong humakbang paatras upang ilayo ang sarili dahil nakita niyang paparating na si Madam Osana ngunit huli na rin dahil nahagip ng Madam ang kanilang posisyon, agad na kumunot ang noo nito.
Buti na lamang ay naitukod ni Catalina ang kamay niya upang hibdi tuluyan masubsob sa damuhan. Tumingala siya upang pukulin sana ng masamang tingin ang lakaki ngunit nasilaw lamang siya ng sa liwanag. Nangingit ang kalooban niya sa inis dahil medyo ang kamay at pang-upo, pwede naman siya itayo ng maayos at ilayo ngunit gano'n pa ang ginawa ng lalaki.
BINABASA MO ANG
I Was Your Love
Historical FictionCatherine Esguerra isang babae na nabalot ng sakit at kalungkutan. Na nag-udyok sa kaniya na hilingin na mawalan ng buhay at bilang kabayaran sa ginawa niya ang mapunta sa nakaraan sa taong 1894. Misyon niyang matuloy ang naudlot na kasuduang kasal...