Kabanata 2

15 2 0
                                    

Isang nakasisilaw na liwanag ang bumungad kay Catherine at ang bumabalot sa buong paligid. Dahan dahang tumalo siyang mula sa pagkakaupo saka tumingin sa paligid nagbabakasaling may iba pang tao dito, pero wala siyang natanaw kun'di ang nakasisilaw na liwanag.

Patay na ba ko? Malamang Cat, hindi ba namatay ka na. 'Yan ang katanungan ni Catherine sa kaniyang isip.

"Ito na ba ang sinasabi nilang langit? O baka ito pa lang ang daan papunta do'n." Wala sa sariling sambit ni Catherine

Halos magulangtang si Catherine  ng may narinig siyang tumawag ng pangalan niya.

"Catherine Esguerra." Napalingon siya sa likod, kaliwa't kanan at maging sa kaniyang harapan pero walang nakita si Catherine kun'di puti lang. Ngayon ko lang napansin na kulay puting bestida na pala ang suot ko hanggang sa talampakan ko.

"Cataherine Esguerra." Muli niya na naman narinig ang pagtawag sa kaniyang pangalan, kaya naman nagsimula ng gumapang ang kaba at takot sa katawan ni Catherine. Hindi ba patay na ko? Kaya bakit ganito ang nararamdaman kong kaba at takot. Ang tanong sa kaniyang isipan.

Muling inilibot ni Catherine ang kaniyang paningin sa buong paligid subalit katulad kanina ay wala siyang masilayang Iba kun'di ang nakasisilaw na liwanag sa buong paligid.

"Sino ka? Magpakita?" Hindi mapigilan ni Catherine ang manginig sa takot. Patay na ba talaga ako? Bakit ganito naman? Muling tanong sa kaniyang isipan.

Tumingin si Catherine sa itaas at gano'n na lamang ang gulat niya ng may nakitang babae lumulutang sa itaas. Isang napakagandang babae na mala-diwata ang itsura dahil sa kaniyang puting kasuotan na kumikinang at ang nakasisilaw na liwanan sa bumabalot sa paligid nito.

Dahan-dahang bumababa ang babaeng 'yon hanggang sa maabot nito ang kaputiang tinatapakan ni Catherine. Hindi pa rin siya makagalawa sa gulat at tila hindi nagpoproseso sa kaniyang isip kung ano nga ba talaga ang babae? Hinawakan ng mahiwagang babae ang dalawang kamaym niya na hindi matigil sa panginginig dahil sa takot, naramdam niya naman ang pinaghalong init at lamig sa paghawak nito.

"Huwag ka ng matakot Cathrine, isa akong diwata ng buhay at kahilingan. Ako si diwata Osana." Nakahinga ng maluwag si Catherine dahil sa mga sinabi ng babae. Isa siyang diwata ng buhay at kahilingan, ibig sabihin nandito ang diwata para sunduin siya. Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwag kung takot, kaba at kasiyahan ba ito dahil sa wakas tapos na ang paghihirap niya.

"Nandito po ba kayo para sunduin ako papuntang langit?" Hindi mapigilan  ni Catherine ang mapangiti.

Nawala ang ngiti ni Catherine ng umiling ang diwata. Sa isip niya namuo ang tanong  na kung anong dahilan kung bakit siya naroon kung hindi naman siya nito susunduin papuntang langit.

"Bakit po ako nandito? Bakit kayo nandito? At anong ginagawa natin dito?" Magkakasunod na tanong ni Catherine, subalit wala siyang nabasang kahit anong reaksyon sa mukha ng diwata. Tinangggal niya ang pagkakahawak nito sa kaniyang kamay pero wala pa ring nababasang reaksyon sa mukha nito.

"Bakit po talaga? Anong dahilan?" Hindui na napigilan ni Catherine ang pagtaas ng boses niya dahil wala atang balak na sumagot ang diwata.

"Nandito nga ko para sunduin ka pero hindi patungo langit." Mas lalo naguluhan si Catherine dahil sa sinabi ng diwata at mas lalong tumindi ang kaniyang kuryusidad kung saan nga ba tutungo ang usapan at tagpong ito.

"Nandito ako para singilin ka sa kasalanang ginawa mo, Catherine hindi na lingid sa iyong kaalaman na malaking kasalanan ang hilingin na tapusin ang buhay ng isang tao at upang muling ipakilala ka sa itong sarili." Halos hindi magproseso sa utak ni Catherine ang lahat ng sinabi ng diwata lalo na ang salitang singilin. Ang buong akala niya tapos na ang paghihirap niya datapwat parang may mas malala pang paghihirap ang dadating.

I Was Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon