Kabanata 1

17 2 0
                                    

Isang umaaga naman ang dumating sa buhay ni Catherine, walang pinagbago katulad parin ng pang araw-araw niyang buhay. Gigising sa umaaga para pumasok sa trabaho at buong maghapon na magtatrabaho.

"Catherine." Napatigil siya sa paghuhugas ng mga plato. Isa siyang dish washer ako sa isang fast food chain. Nilingon niya ang taong tumawag.

"Bakit?" tanong niya.

"Pinapatawag ka ni manager mamayang lunch break," saad ng taong 'yon at binigyan siya nito ng 'good luck' look kaya tumango na lang si Catherine at bumalik sa paghuhugas ng sandamakmak ng hugasin.

Lumipas ang ilang oras at lunch break kaya naman bago siya mananghalian ay sinadya ni Catherine ang opisina ng manager nila. Kumatok siya ng tatlong beses saka pumasok sa loob. Hindi naman ganun kalaki ang opisina ng manager nila 'yong istilo na pagpasok mo ay ilang hakbang lang at lamesa na mayroong dalawang upuan sa harap para sa mga bisita.

"Good afternoon po, Sir," bati ni Catherine.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, nais kong itanong sayo na baka gusto mong mag-aral ng kolehiyo dahil nagbibjgay ngayon ng scholarship ang may ari fast food chain na 'to, nalaman ko kasi na hindi ka nag-aaral." Gusto sanang tanggapin ni Catherine at maging masaya dahil naalala siya nito sa mga ganitong pagpapala kaso lang.. Matagal na niyang ng nilimot ang mga ganyan bagay kaya naman pilit na ngumiti si Catherine.

"Nagpapasalamat po ako naaalala niyo ko sa mga ganitong bagay pero wala na po akong interes sa mga ganyan, Sir," saad ni Catherine.

"Bakit?" Nangunot ang noo ng manager nila

"Mahabang istorya po, Sir," maiksing saogt ni Catherine

"Kung gano'n ay hindi na kita pipilitin, ngunit sadyang nakahihinayang lang naman." Halata sa tono ng boses ng manager ang panghihinayang para dalaga.

Ngumiti at tumango muna si Catherine bago tuluyang lumabas ng opisina niya. pagsara pa lamang ng pinto ay kumqwala ang ilang patak ng  luha mula sa kaniyang dahil naalala  na naman ni Catherine ang pait ng nakaraan na pilit nitong tinatakasan at tinatakbuhan. Agad ding pinahid ni Catherine ang tatlong butil ng luha na lumandas sa  kaniyang pisngi.

Tahimik lang si Catherine na kumakain habang ang mga kasama niya naman ay sobrang ingay at nakakatuwaan pa. Kung hindi lang nito naalala 'yon baka nakikisabay din si Catherine sa kanila ngayon dahil isa rin siya sa makulit at madaldal sa samahang nabuo nila.

"Tahimik ka ata ngayon," puna ni Rosa ang isa din sa makulit sa kanila. Maganda, medyo chubby, at maputi siya at may gusto ito kay Jack.

"Oo nga, bakit pinagalitan ka ba ni Sir kanina?" Si jack ang nagsalita ang lalaki na tumawag kay Catherine kanina, agad na napatingin uli si Catherine kay Rosa na ngayon ay  namumula ang magkabilang pisngi ng dahil sa mapanuksong tingin na binato sa kaniya ni Catherine.

"Hindi, ang totoo nga n'yan ay nag-alok siya sa'kin ng scholarship para makapag-aral ako uli pero tinanggihan ko lang." saad ni Catherine.

"Ano? Bakit?" Halos sabay-sabay nilang tanong at makikita sa mga mata ng mga kaibigan niya ang pagtataka at panghihinayang. Hindi kasi nila alam, walang sinabihan si Catherine na kahit isa sa kanila at kahit pa matagal niyang kasama mga ito at komportbale na sa kanila ay walang balak si Catherine na sabihin  sa mga kaibigan ang lahat tungkol sa kaniyang pagkato.

"Wala na akong interes sa mga gano'ng bagay," wika ni Catherine saka muli sumubo ng pagkain. Nakita niya sa mga reaksyon ng mga kaibigan ang pagkadismaya, sabagay kung siya rin naman ang nasa kalagayan nila ay gano'n din mararamdaman niya.

"Bakit nawala ang interes mo sa bagay na 'yon?" pang-uusisa pa ni Dale. Matangkad siya, moreno, mabait, masipag, at gwapo. hindi nga alam ni Catherine ang dahilan kung bakit nagtatabaho ang binata sa ganitong trabaho kung pwede naman  magmodelo si Dale dahil sa taglay nitong kagwapuha. Anim silang magkakaibigan sa samahan nila tatlong lalaki at tatlo rin mga babae.

"Basta," munting sagot ni Catherine.

Nandoon na uli si Catherine sa kusina, naghuhugas na uli ng mga plato at kasama niya na rin dito ngayon si Mika ang pinakamagandang sa kanilang tatlo sa samahan. Maganda, morena, may pagkakulot ang buhok at sobrang bait. Ang totoo ay pinsan ni Mika ang manager nila.

"Bakit nga ba hindi mo tinggap ang alok sayo ni manager?" Biglang tanong ni Mika.

Napabuntong hininga muna si Catherine bago sumagot, hindi parin sila titigil sa katatanong kung bakit?.

"Wala nga," simpleng sagot niya sa kaibigan.

Nakita ni Catherine ang pag-iling ni Mika na sa huli ay hindi na muling nagsalita kaya nagpatuloy na lang siya sa paghuhugas ng plato.

Sabay-sabay na lumabas ang magkakaibigan dahil tapos na ang kanilang mga duty at oras na ng uwian, ang tatlong lalaki ay may kaniya-kaniyang motor. Nagprisinta si Jack na ihatid si Catherine pero tumaggi ito at ipinlit na si Rosa na lang ang ihatid niya.

"Cat, hatid na kita," saad ni Jack pero umuling lang si Catherine.

"Huwag na ako, si Rosa na lang ang hinatid mo total naman ay parehas lang ang dadaan niyo," mungkahi ni Catherine, dahil do'n at siniko siya ni Rosa at pinandilatan ng mata na para bang sinasabi ni Rosa sa kaniya na 'ano sa tingin mo ang ginagawa mo'. Pero hindi natinag si Catherine pagkatapos ay mapang-asar ang ngiting binigay ni Catherine sa kaibigan.

"Sige na, Jack ihatid mo na 'to, bago pa mamatay sa kilig." Tinulak pa ni Catherine si Rosa patungo kay Jack. Samantalang ang ibang kasama nila ay binigyan sila ng nakalolokong ngiti na lalong nagpula sa pisngi ni Rosa.

Nang makasakay na si Rosa sa likod ni Jack ay bumulong ito sa hangin na "Humanda ka sa'kin, Cat." Tinawanan lamang ni Catherine ng kaibigan.

"Jack, ingat ka sa pagmamaneho baka lalong mahulog sayo 'yang si Rosa," pang-aasar Mika na ikinatawa naming lahat.

Umalis na sina Jack at Rosa gano'n din si Gab, Mika at Dale, kaya naiwang mag isa si Catherine at nagsimula ng maglakad na papunta sa sakayan ng tricycle at umuwi na.

Handa ng matulog si Catherine ng bilang tumunog ang de-pindot niyang cellphone kaya naman tinignan niya ito para malaman kung sino ang nagtext, si Rosa lang pala.

YARI KA SA'KIN BUKAS CATHERINE ESGUERRA

- Rosa

Hindi niya na lamang ito nireplayan dahil pagod at inaantok na rin si Catherine kung kaya ay pinili nitong mahiga pagkatapos ay natulog na 

Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising si Catherine dahil sa bangungut na pilit siyang hinahabol ang sakit at kalungkutan ng nakaraan na hindi niyang magawang takasan hanggang ngayon. wala na naman tigil ang pag-uunahan ng butil ng tubig mula sa kaniyang mga mata, wala ibang nagawa si Catherine kun'di ang hayaan ang sarili na umiyak ng umiiyak hanggang sa hindi na nito nakayanan ang sakit na nararamdaman niya.

Tumayo si Catherine para kumuha ng tubig dahil ramdam na ramdam niya ang panunuyo ng kaniyang lalamunan dahil sa walang humpay na pagpatak ng mga luha mula mata nito. Ilang hakbang lang naman ang layo ng mini refrigerator mula sa kamang ihinigaan ni Catherine, ngunit nadulas siya at tumama ang ulo niya sa bandang baba ng kama at sa sobrang sakit na parang sinadyang hampasin ng mabigat at matigas na bagay ang kaniyang ulo.

Ang sakit ay unti-unting bumalot sa buong ulo ni Catherine kaya napahawak siya ng mahigpit sa kaniyang ulo na tila ba sinasambutan ang sariling buhok.

"Awwwww!" madiin na daing ni Catherine saka sinubukang na gumapang ngunit mas lalo lang sumasakit ang ulo niya.

Daha-dahan nanlalabo ang paningin ni Catherine kasabay ng iilang luhang pumapatak mula sa kaniyang mga mata ng dahil sa sakit. Biglang pumasok sa isipan ni Catherine na baka ito na ang hinihintay niyang katapusan ng lahat ng sakit na dinadala niya na baka kapag tumigil na ang tibok ng puso niya, kapag nanlalamig na ang kaniyang buong katawan ay tuluyan ng mawawala ang lahat ng sakit at kalungkutan ng matagal ng kinikimkim ng buong pagkatao ni Catherine.

I Was Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon