Kabanata 3

18 1 0
                                    

Hindi makatulog si Catherine kahit anong pikit ng mga mata niya ay hindi pa rin siya dalawin ng antok, marahil ay hindi pa rin matanggap ng ng kaniyang sistema na nandito siya sa panahon ng pananakop ng mga espanyol sa taong 1894. Bukod do'n ay ramdam pa rin niya ang hapdi sa kaniyang kaliwang pisngi na tila bumakat ang kamay ni Madam Osana.

Kulang na kulang siya sa mga inspormasyon na ibinigay ni Madam Osana kaya tuloy hindi siya makatulog dahil sa kaiisip sa mga sinabi niya at nagpaplano na kung paano matutuloy ang kasal na 'yon at masiguro na may magpapatuloy ng pangalang Soriano. Hayts bakit ba kasi dinadamay pa siya ng mga ito sa problema nila.

Tumayo na lang si Catherine at nagpunta sa bintana ng kwarto. Masarap sa pakiramdam ang lamig ng hangin na dumadampi sa kaniyang balat, pinagmasdan niya ang buong paligid at masasabi niyang payapa ito may ilang mga tao ang nababantay sa labas dala ang kanilang gasera o ilawan upang magbigay liwanag sa paligid bukod do'n ay nakatutulong din ang maliwanag na buwan na siya rin nagbibigay liwanag sa buong paligid.

Tumingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding para malaman kung anong oras na pero hindi niya naman naintindihan masyado dahil nakasulat ito sa roman number. Sa palagay niya ay maaga pa naman kaya na pagpasyahan niya muna ang lumabas at pumunta sa hardin na kaniyang natatanaw, ngunit hindi pala gano'n kadaling lumabas dahil halos sarado na ang bawat silid at wala na rin siyang nakikitang tao sa pasilyo, iilang sulo lang ang naiwang bukas sa pasilyo para magbigay ng liwanag sa paligid. Naging maingat din siya sa bawat paghakbang dahil baka may matakpan siyang kung ano na magiging sanhi para makalikha ng ingay.

Hindi pa rin sanay si Catherine sa suot niyang damit ngayon minsan pa nga ay natatapakan niya pa ang laylayan ng damit dahil masyado itong mahaba, pero salamat naman dahil hindi siya nawawalan ng balanse upang hindi matumba.

Napangiti siya ng tuluyan siyang makalabas sa pintuan na nahirapan siyang hanapin dahil hindi niya naman kabisado ang lugar na 'yon. Agad na pumunta si Catherine sa hardin na nakita niya kanina at gano'n na lang ang kaniyang pagngiti ng masilayan ang napakagandang hardin lalo na ng malapitan niya ang mga bulaklak dito, hinawakan niya ang isa sa mga napakagandang bulaklak rito at hindi napigilan ang sarili na amuyin ito napapikit na lamang siya dahil sa nakahahalina na halimuyak ng bulaklak na 'to. Grabe ngayon lang siya nakaamoy ng ganitong klaseng bulaklak, pwede na nga iyong gawing pabango.

Nang magsawa siya sa kaamoy ay humiga si Catherine sa damo at sinumulang pagmasdan ang buwan at mga bituwing kumikislap sa dilim ng kalangitan, bahagya niya pang itinaas ang laylayan ng kaniyang saya upang ipitin ito sa ilalim ng kaniyang mga binti para kahit humangin ng malakas ay hindi ito liparin. Dahil do'n ay nakalabas na ang kaniyang mga paa.

Kahit papano ay may magandang dulot din sa kaniya ang papunta sa panahong ito dahil nakalalanghap siya ng sariwang hangin na nakatutulong sa kaniya para makapag-isip ng maayos. Nakaukit pa rin ang ngiti sa kaniyang labi habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan, kahit medyo madilim ay hindi siya nakararamdam ng takot.

Agad siyang napabalikwas ng tayo ng may maramdaman siyang balahibo sa paanan niya, kasabay no'n ay napatili siya pero agad niya ring tinakpan ang sariling bibig para walang makarinig sa kaniya. Tinignan niya kung ano 'yon? Anak ng! Kuneho lang pala 'yon, buti na lang at siya lang ang tao dito kun'di hindi ay sigurado siyang tatawanan siya ng taong nakakita ng kaniyang reaksyon.

Pero mukhang mali ata ang konklusyon ni Catalina dahil nakarinig siya ng bungingis mula sa likuran, napatingin siya agad do'n at nakita niya ang isang lalaki na pinipigilan ang kaniyang pagtawa. Kung sapakin niya kaya ngayon ang lalaki maituloy pa kaya nito ang pagtawa.

Naiinis si Catalina dahil nasira ang dapat na tahimik na gabi niya ng dahil sa kunehong 'yon at sa nakaaasar na lalaki 'yon na kung makatawa akala mo kung sino? Aalis na sana siya ng magsalita ang lalaki.

I Was Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon