Habang lumilipas ang araw parang lalo akong naiistress, dahil magpapasko na at ito ako nilalamig.
At lalong nakakastress ee". Walang interesting na nangyari sa christmas break ko. Ayon at ayon pa rin ang theme song ng pasko ko. Dagdag mo pa wala ang aking mga beloved friends nagsipag punta ng probinsya nila..
Bakit ganun??sigaw ko..
Napakasakit kuya eddie!! dugtong ko.
Napapano ka na namang bata ka?
Ke aga aga nababaliw ka na naman ba.? Pasigaw na turan ni mudra..
Wala naman inang tunay,nagpapraktis lang ako ng drama dahil next year my acting kami sa literature..pag aalibi ko.. hehehe
Nasearch ko yan sa palusot.com!
Oh siya dalian mo dyan at magasikaso ka na rito sa loob ng bahay at mamayang gabi umpisa na ng simbang gabi..sabi ni mudra
Good mood ata si inang tunay.. :)
Pero di ba bukas pa ng madaling araw un?? Bakit mamayang gabi ang umpisa ng unang simbang gabi?? Tanong ko kay mudra
Ayy parang tanga lang tong bata na toh!! ke tagal tagal na nating nagsisimbang gabi hindi mo pa rin alam ang dahilan..hala gisingin mo na ang mga kapatid mo ng matapos kayo ng maaga..utos ni mudra
tsssk!! Nagtatanong lang tanga kagad?? Bulong ko
Arrraaayyy!! Daing ko dahil pingot pingot ni inang tunay ang aking tenga.
narinig pala!!anlakas talaga ng pandinig ni nanay..saloob loob ko..
Kayo talagang mga bata ngayon mga wala na kayong ginagalang hindi ninyo dapat sinasabi yan sa mga mas nakakatanda sa inyo kahit sa pabirong paraan..nuong panahon namin hindi kami nagsasalita sa mga lolo at lola niyo ng ganyan..kung nabubuhay man ang mga un ngayon malamang nakakain na kayo ng sili..
Panimulang sermon ni mudra.
Ano hindi ka pa kikilos?? Tanong ni mudra.
Ung tenga ko po!! Sabi ko
Sabay bitaw ni mudra..
Anhirap magsalita kaya minsab talaga mas pinipili ko na lang magsawalang kibo na lang kahit alam kong mali na..di bale susundin ko muna ung inutos ni nanay baka madagdagan pa ung pingot ko..
Gigisingin ko na dapat sila kuya kaso biglang umilaw ang aking mga mata ng may makita akong isang bagay..
Hahahaha ;D tawa ko sa sarili ko.
lumipas ang ilang minuto.
Sumigaw na muli si inang tunay..kaya dali dali ko na silang pinagyugyog yugyog..hindi nakuha sa yugyog!!
AHA!!
Nay ayaw pa rin nilang tumayo..
Sabay takbo sa kwarto ko..
Lintek talaga tong mga lalaki na ito wala na kayong ginagawa tanghali pa rin kayong magising aba ang gagaling niyo naman..ano hindi pa kayo magsisipagtayo o pagtatambuin ko kayo..galit na sabi ni mudra
Nayari na malamang sa alamang tuloy tuloy na ang sermon ni mudra..saad ko sa aking sarili
Nang biglang "ang tsismosa naming kapitbahay". tumunog ang cp ko!!
Sa wakas may nakaalala na sa akin..
From: SMART
U want to go hongkong w/ 2 person and free accomodation and a cash prize of 50,000 just type INLOVE and send to 2236..
Letsugas naman!! Akala ko pa naman may nakaalala na sa akin..ee si Smart lang pala sawang sawa na ako maging katxtmate si smart..nauubos lang ang load ko sa peste na yan. Kundi nangangain ng load walang makatext..haisssstt x_x
BINABASA MO ANG
true love waits
Teen Fictionmay mga bagay na dapat talagang hinihintay.subalit may bagay naman na hindi mo na kailangan hintayin kasi kusa naman itong darating. may mga bagay na para sayo talaga. pero may mga bagay na hindi mo pwedeng ipilit na sa iyo. dahil kung talagang par...