Tapos na ako maligo.
Sila kuya inabot na ng hapon dun sa baba, dahil naghaharutan pa. Samantalang ako ngayon heto nakaharap ulit sa bintana tumatanaw kung may mapapadaan na bulalakaw!!
Ano raw??( hapon??bulalakaw??)
Charott lang!!hinihintay kong tumila ang ulan. kasi naman tanging rainbow lang naman ang magandang naiiwan pagkatapos ng ulan.
Pero malupit ang panahon ngayon, tingin mo ba magkakarainbow ba sa oras na to? 5:49 na ng hapon..
kamusta naman di ba??
Ganda!! Ganda!! Ganda!!
Shit naman kelangan ba talaga ipagsigawan na maganda ako.?
Hinanap ko ung tumatawag sa akin.
Silip sa bintana!!
Walang tao.
Lingon sa kanan, kaliwa at sa likod.
Walang tao din..
Bumaba sa first floor!!
Sila kuya lang ang nandun!!
May tumatawag pa rin sa akin.
Ganda!! Ganda!! Ganda!!
Lingon pa rin ako..
Ano ba nakakahiya na kila kuya,
Kanina pa tawag ng tawag, tanong ko lang uso ba ang taguan ngayong tag-ulan, pwede ka magpakita. naibulong ko sa sarili ko.
Pero mukang walang tutule si kuya anton narinig ang sinabi ko..
Anong sinasabi mong may tumatawag sayo? Wala namang tumatawag sayo huh!! Baliw ka na ba?? O baka nagugutom ka na?? Seryosong tanong ni kuya anton.
Hindi naman pangalan ko ang tinatawag ee". Mahinang sabi ko kay kuya habang tumitingin dun sa dalawa kong kuya na busy magbanlaw.
ee wala naman na akong ibang naririnig bukod sa --- naputol na sabi ni kuya anton dahil sumigaw si kuya anthrew.
Kuya anton pakikuha nga yung phone ko sa taas parang may nagtitext ee" baka importante.. utos ng big bro ko sa panganay namin.
Astig di ba??
Kinuya pa uutusan din naman pala..
Hehehe :)
Masunurin ang kuya namin kaya hayun kinuha ang phone at sakto pagtapat niya sa akin may tumawag ulit sa akin..
Ganda!! Ganda!! Ganda!!
O ayan narinig mo ba kuya??
Mukhang nasa loob lang ng bahay natin ung tumatawag sa akin.. tanong ko kay kuya anton.
Seryoso tonee!!
Gutom ka na ba?? O baka maysakit ka lang??hihipuin ang noo ko ni kuya anton..
Nagtataka naman ako sa ginagawa ni kuya anton..
muka ba akong maysakit at gutom kuya huh?? Ito oh anlakas lakas ko..
OA kong pagkakasabi ko kay kuya anton..
Hala Toneee!!
Minamaligno ka na!! Nakakarinig ka ng di ko naririnig!! Brad si Tonee namamaligno na..tawag nito sa iba kong kapatid..
Ano na naman un Tonee huh!! Ano yang naririnig mo?? Putek mayayari kami nito kay inang tunay kapag nalamang nagdedeliryo ka na..
Tanong ni kuya anthony.
Mas OA ka pa sa akin kuya anthony no??deliryo kagad?? Hindi niyo ba talaga naririnig ung tumatawag sa akin huh?? Seryoso kong tanong.
Hindi!! Sabay sabay nila sabi.
(sabay tutunog ang cp ni kuya anthrew)
GANDA!! GANDA!! GANDA!!
Nalintikan ka Tonee.. h'wag mong sabihin na -----.sabay sabay na nagtawanan ang.mga utol ko..
Whuaahahahaha..
Hindi naman pala nagdedeliryo si Tonee ee".. nagbabato na tong bata na to!! Tawa pa rin si kuya anthrew.
Akalain mo siya daw ung maganda na tinatawag...whuahahaha. :D
Wala na baliw na yan.. ani ni kuya anton.
Desperada na!! Alam naming pogi kami,,pero Toneee hindi ikaw ang tinutukoy nun..Babae ka ba??sabi ni kuya anthony ..
Laughtrip p rin sila..
Ako eto hindi makaget over sa napakagandang message nila na pwedeng ikataas ng self confidence ko.
Umakyat na lang ako kasi alam ko na ang susunod na mangyayari at ang ending luhaan na naman ang aba niyong lingkod..
BINABASA MO ANG
true love waits
Teen Fictionmay mga bagay na dapat talagang hinihintay.subalit may bagay naman na hindi mo na kailangan hintayin kasi kusa naman itong darating. may mga bagay na para sayo talaga. pero may mga bagay na hindi mo pwedeng ipilit na sa iyo. dahil kung talagang par...