Part 1:

25 1 0
                                    

Miss Anon Kim <Coffee Series #1>

A Cup of Memories <Part 1>

•C • O • F • F • E • E • S • E • R • I • E • S•

"Here's your order ma'am. Two cups of hot coffee, take out"

"Thanks" I smiled at the cashier and hand her my pay.

Agad akong sumakay sa kotse ko pagkalabas ko ng shop. Dahan dahan kong nilagay ang dalawang kape sa upuan sa tabi ko. Pagkalapag ko ng mga iyon ay tinitigan ko naman ang litrato sa harap ko, si Mike.

"Don't worry, I'm on my way to see you"

Binuksan ko ang makina at agad pina-andar ang kotse ko. Nang makarating sa destinasyon ko ay agad kong nakita si mang danny na naglilinis. Mang danny is my friend, lagi niya ako sinasamahan papunta kay Mike.

"O Rica, napabisita ka? Antagal nating di nag kita ah" I smiled at him awkwardly. Its been 1 and a half year since the last time I visited here. Antagal na nga rin pala.

"Sorry po, ngayon lang po kasi nakabalik"

"Ganun ba? Ah eh, halika. Samahan na kita sa kanya" sumunod agad ako ng mag simulang mag lakad palayo si Mang Danny.

Napapatingin na lang ako sa dalawang kapeng dala ko habang ang hangin naman ay ginugulo ang mahaba kong buhok.

"Andun lang sya. Osya, alis muna ako't may nililinisan pa ako sa dulo. Mag-ingat ka ahh" yumuko ako bilang tugon. Nang maka-alis na si mang Danny ay agad ko syang nilapitan.

"Hey, sorry kung ngayon lang ako nakabisita..." umupo ako para mapantayan ko sya. "But here, binili ko yung paborito nating kape" nilapag ko agad iyon at binuksan. Naamoy ko agad ang mabangong aroma ng kape, dahilan para mabahing ako bigla.

"Ahhhh, allergies"

Sa totoo lang, allergic ako sa kape. Kaya matagal na rin akong tumigil sa pag inom niyon, pero iba sa araw na ito.

"I know this would look funny to ask why you're so quiet. But hey, you know what? I still remember that day wherein you asked me to buy a cup of coffee."

Patuloy sa pag ihip ang malakas na hangin. Sumasabay pa ata sa emosyong nararamdaman ko. Naiiyak tuloy ako pero pinilit ko ang sarili kong ngumiti. Ayokong umiyak sa harap niya.

"I will never forget how painful it was when you asked me to leave you. It hurts me everytime I remember it, and I hate the fact that I listened on you."

Muli ay umihip ang malakas na hangin. Sumama pa ang masarap na amoy ng kape kaya napapikit ako, at doon ay inalala ko ang nangyari ng gabing iyon.

•C • O • F • F • E • E • S • E • R • I • E • S•

Coffee Series #1: A cup of memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon