Chapter 6

47 5 0
                                    

Stephanie's POV

Nagising ako sa amoy. Parang may niluluto sa baba, huh? wala naman akong chef sa bahay ha?

Bago ako bumangon kinapa ko muna yung kama ko at nakapa ko yung iPhone ko, kinuha ko at tinignan kung anong oras na.

7:30. Hell yeah.

Bumangon na ako at bumaba, dumiretso ako sa kusina at nakita kong nagluluto ng ulam si Ree. Ogawwwd naka- topless tapos naka- apron. Nanlaki ang mata ko nang humarap siya sakin. Naiilang ako sa pagtitig niya sakin kaya nag- iwas ako ng tingin at pumunta sa ref. Kumuha ako ng tubig. Geeez, parang pinagpawisan ako dun ha?

"Hey there miss sleepyhead, matatapos ko na ang niluluto ko, umupo ka nalang." Sabi niya. Hay nako hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako sa harap niya. Dahil ba naka- topless siya?

"Wag ka ngang mag- topless sa harap ko hindi ako sanay" Sabi ko sa kanya. Bakit? totoo naman ha, nakakailang kaya.

"Haha okay, wait bakit ang gulo ng ayos mo lalo na yang buhok mo oh?" Sabi niya habang inaayos ang kakainan namin. Napatingin naman ako sa kanya at parang na- gets na nya ang gusto kong sabihin kaya nag-tshirt sya.

"Tsss. Messy hair don't care." Sabi ko sa kanya. Nabasa ko lang yan sa twitter e.

"Haha, pero bagay sayo promise ang ganda mo parin" Mukhang nambola pa tong isang to.

"I know let's eat I'm hungry." Walang ganang sabi ko sa kanya.

Pagkatapos naming kumain. Napagpasyahan naming manood ng movie. Love story 'to buti nga napilit ko siya e. Ayaw nga niya kanina tapos pinilit ko ng pinilit.

Nagsimula na ang movie at umupo siya sa tabi ko dito. Kumakain ako ng banana chips. Yummmmmmyyyyy ang sarap!!

Nanlaki ang mata ko nang kunin niya ang banana chips ko.

"Yah! What are you doing?" Sinigawan ko siya. Huhuhu! Banana chips ko. Nag-iisa nalang yan sa ref ko eh. Bawal pa ako lumabas ng bahay dahil ang daming tao ngayon sa labas.

"Pahinge, ang damot mo!" Sabi niya sakin.

"Akin yan e. Huhuhu!" Nagkukunwaring iiyak na ako.

"Haha. Ayan na nga, sayo na baka totohanin mo pa yang iyak mo." Sabi niya sakin sabay abot ng banana chips. Kinuha ko naman yun pero pagtingin ko ubos na.

"Damn you, Ree!! Nag-iisa nalang yan!" Nakangusong sabi ko sa kanya.

"Hahahahahahaha" Sobrang lakas ng tawa niya. Nakaka- asar.

"Bahala ka sa buhay mo! Ewan ko sayo!" Pero pagkatayong pagkatayo ko ay hinila niya ako sa braso para mapaharap ako sa kanya konting konti nalang ang distansya ng labi namin. Tinulak ko siya para mapalayo ang labi namin pero sa hindi inaasahan, Na- out of balance siya at napahawak sakin.

(0_____0)

"Ahhhhhhh!" Sigaw ko dahil nasa ibabaw niya ako at napagdikit namin ang labi namin. Sandali lang yun pero ang lakas ng epekto sakin.

Dali dali akong tumakbo paakyat sa kwarto ko. Naririnig ko pang tinatawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Pagpasok ko sa kwarto ko hindi ko alam pero bigla akong napahawak sa dibdib ko at sobrang lakas ng kabog nito. Hala!

~~~~~~~

Alexander's POV

Nandito ako ngayon sa hindi ko alam kung kaninong kwarto. Puti siya at blue yung mga gamit. Takte baka hinalay na ako ng isang bakla.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa non ang isang babaeng maputi sakto lang yung tangkad niya. Takte ang ganda, pero teka nasa bahay niya ako ngayon?

"Hi? Goodmorning I'm Annie Rae Aguilar, you can call me Annie or Rae. Dinala kita dito sa bahay ko dahil mukhang nawalan ka na nang malay. Kung iniisip mo kung pano kita nadala dito, simple lang dahil nagpatulong ako kay kuya. Don't worry wala akong ginawang masama at nasa kwarto ka ng kuya ko. Soooo?" Sunod sunod na sabi niya. Napalunok naman ako nang makita ko syang nakangiti at inextend ang kamay niya. Nakipag shake hands ako sa kanya.

"I'm Alexander, Alexander Evans nice meeting you thank you sa pagdala sakin dito." Nakangiting pakilala ko sa kanya.

"Aalis na ako kasi may pasok pa ako thanks nga pala ha." Sabi ko sa kanya at hinatid niya ako sa labas ng bahay niya.

"No problem. So pano? See you when I see you!" Masiglang bati niya. Napangiti naman ako bigla dahil ang taas ng energy nya. Haha.

"Bye!" Sabi ko sa kanya at umalis na may pasok pa ako.

~~~~~~~~~~

Annie's POV

Hello! First time ko pala. Haha. Well nabasa nyo naman na ang buong pangalan ko so no need na magpakilala pa ako. Ang gwapo niya promise! Buti nalang pumayag si kuya na sa kwarto niya patulugin si Alexander.

Matawagan nga si Bessss! Miss ko na din 'tong babaeng to eh. Alam ko kasi nasa ibang bansa siya e.

Buti naman at isang ring lang ay sinagot na agad niya.

"Hey besss, I miss youuu! You know what ang pogi nang kakameet ko lang kanina" Puno ng energy ang boses ko sa pagsabi ko nyan.

[Haha miss you more bes! Gandang pambungad ha! Gwapo agad?] Sabi niya sakin. Haha tong friend ko talaga.

"Bye na tinawagan lang kita dahil sinabi ko lang sayo na may nameet akong gwapo pangalan niya ay..." Sandali, ano nga palang pangalan niya?? Hala "Si ano... ano ba yunn?? basta A yung umpisa ng pangalan niya ehh" Tumawa naman siya sa kabilang linya.

[Sige na bes bye na! Haha alalahanin mo muna yung pangalan ni pogi!] Tumatawang sabi niya. At pinatayan ako ng phone.

Okaaaaaaaaaaay. Sanay na ako dyan sa babaeng yan. Pero ang gwapo nya talaga sheeeet.

Together Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon