Chapter 18

36 3 0
                                    

Stephanie's POV

Ilang araw na ang lumipas magmula ng mawala ang aking memorya. Pero dahil andyan ang bestfriend ko na mabait at maganda (choss), sinabi niya sakin yung mga tungkol sa sarili ko. Kung ilang taon ako, paborito kong kulay, buong pangalan at mga pangalan ng magulang ko. Ang galing nuh? Kabisado niya kahit yung pinakamaliit na detalye sa buhay ko. Im blessed because I have her as my bestfriend.

Balik na ako sa kasalukuyan ha? Ge. So, andito ako ngayon sa mall. Mag-isa lang ako. Nagikot- ikot muna ako sa mall bago ko mapagpasyahang manood ng movie. Hmmm, ito nalang. Fast and Furious 7. Sinubaybayan ko ba to? Hayaan na nga, bumili na ako ng popcorn and drinks tapos pumasok na ako sa sinehan.

Huhuhu, grabe naman yung movie na yun! Nakakaiyak, I wonder kung ano pa yung mga nangyari dun sa 1-6. Pero nakakaiyak yung sa last part kasi parang may kanta kanta pa. Haha, parang napanood yung iba e nuh?

Nandito na pala ako sa parking. Bubuksan ko na dapat yung kotse nang biglang may humila sakin. Hala! Anong gagawin ko?

"Tulong! Tulong! Tulungan nyo ako sa panget na ito!" Sigaw ko. Bigla naman niya akong tinakpan ng panyo sa ilong ko, dahilan upang mawalan ako ng malay.

Nagising ako dahil sa mabangong amoy. Hmmm, amoy gwapo! Haha. Pero, oo nga walang halong biro. Mabango talaga dito. Dinilat ko na ang mga mata ko at ang nakikita ko ay kulay blue na kwarto? Wow! Ang ganda. Lahat ng gamit dito ay kulay blue. Nagagandahan ako kasi halatang panlalaki siya. Hindi naman siya yung dark blue, parang skyblue lang ganun.

But wait. Nasaan ako? Basta ang alam ko ay may nagkidnap sakin. Kidnap talaga? Eh hindi na ako bata e, so adultnap? Chos! Ge, tawa kayo.

Biglang may pumasok na lalake, nakatalikod siya kasi sinarado pa niya yung pinto kaya hindi ko pa makita yung mukha niya. Nang humarap siya ay lumakas nanaman yung tibok ng puso ko? Anong nangyayare? Ito yung lalaki na nakita ko last time. Ano nga palang pangalan nun? Aha! Alex.....ander?

Kung si Alexander to ay hindi pala ako sasaktan nito kasi diba kaibigan namin siya?

"Gising ka na pala!" Masiglang sabi niya sakin.

"Oo nga e. Hindi halata nuh?" Pilosopong sagot ko sa kanya.

"Haha, ang cute mo talaga." Sabi niya sabay kurot sa pisnge ko.

"No I'm not. I'm not cute because I'm maganda!" Sagot ko sakanya na ikinatawa naman niya.

Teka, bakit parang ang gaan sa loob na kausap ko siya? Ah siguro dahil magkaibigan kami.

"Wait lang ha. Alexander pangalan mo, right?" Tanong ko sa kanya dahilan upang kumunot ang kanyang noo.

"Hindi mo ako kilala?" Tanong niya sakin.

"Hindi kita kilala pero sabi ni Hon na kaibigan ka namin. So friends tayo diba?" Tanong ko sa kanya.

"Hon? May boyfriend ka na?" Tanong niya sakin.

Ano ba tong lalaking to! Kaibigan ba talaga namin to?

"Oo hindi mo ba alam? Akala ko ba ikaw ang naging saksi sa pagiibigan namin ni Ree?" Tanong ko dahilan upang lalong kumunot ang kanyang noo.

Ano yan? Pakunutan ng noo?

"Huh? Ano bang nangyayari sayo Stephanie? Bakit ba parang wala kang alam?" Tanong niya upang lalong maguluhan ang isip ko.

"Ano ka ba? Kaibigan ka ba talaga namin? Kung kaibigan ka talaga namin edi sana alam ko yung tungkol sakin. Atsaka nagka- amnesia ako hindi mo ba alam?" Tanong ko sa kanya.

"Shit. Oo nga pala." Mahinang bulong niya pero sapat na yun upang marinig ko.

"Pero, teka? Kayo ni Ree?" Tanong niya.

"Yep. Richard Yu?" Sagot ko sa kanya. Parang dumilin yung awra niya. I dunno.

"How?" Tanong niya sakin.

"Anong how?" Balik tanong ko sa kanya.

"Pano naging kayo?" Tanong niya. Anu ba itong lalaking to, mukhang siya pa yung may amnesia e.

"Sabi ni Ree sakin." Sagot ko sa kanya.

"Damn that bastard" Sabi niya. Galit na galit talaga siya.

"Teka nga, sin--Aaaaahhh!!" Sigaw ko dahil sumakit ang ulo ko.

Sobrang sakit talaga. Kung ipapaliwanag ko sa inyo kung anong klaseng sakit? Yung parang binibiyak siya. Kulang pa ang salitang 'sobrang sakit' para maipaliwanag yung sakit ng ulo ko.

Nagpapanic na din sa Alexander habang ako nakapikit dahil sa sobrang sakit hanggang sa maramdaman ko na lumulutang ako. Binuhat na pala niya ako. Bigla nalang akong nawalan ng malay.

Alexander's POV

Ano ba ang nangyayari kay Stephanie. Andito kami ngayon sa ospital dahil isinugod ko siya. Atsaka sabi niya ay 'boyfriend' siya ni Richard tapos ako 'saksi' sa pagiibigan nila?

What the hell! Kung ano- ano ang pinagsasabi sa kanya ni Richard. Ang sarap niyang patayin.

Lumabas na ang doctor, tumayo na ako at lumapit sa doctor.

"Doc, kamusta po siya?" Tanong ko sa kanya.

"Okay na siya, pero tanong ko lang. Meron ba kayong pilit na ipinapaalala sa kanya?" Tanong niya.

"Nagtatanong lang ako doc. Kung ano-ano na kasi ang sinasabi ng kaibigan niya tungkol sa sarili niya." Paliwanag ko.

"Ah, okay lang naman yun pero dapat dahan dahan lang. Take it slow. Wag nyong bibiglain. Parang one information a day lang. Yun lang ang maipapayo ko sa iyo dahil galing siya sa amnesia right?" Tanong niya.

Gusto ko sanang sagutin yung doctor ng 'no doc, sa bahay ko sa galing' kaso baka magalit.

"Yes doc." Sagot ko.

"Okay, basta sundin mo lang ang pinayo ko sayo." Nakangiting sabi niya at tunango na ako sa kanya bago sa umalis.

Pumasok na ako sa kuwarto niya dito sa ospital.

Tignan ko lang siyang mahimbing na natutulog.

"I love you." Sabi ko at hinalikan ang kanyang kamay.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maagang update xD

Together Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon