Chapter 4

84 5 1
                                    

Stephanie's POV

Nagising ako sa sikat ng araw mula sa bintana ko.

Next month na ang alis ko pauwi ng Pilipinas at hinanda ko na ang sarili ko sa pwedeng datnan ko doon. Alam kong galit siya sakin. Sino ba naman ang hindi magagalit kung iniwan ka ng taong mahal mo, diba?

(-____-)

Nagpasya akong mamamasyal ako ngayon pero may disguise ako syempre, para hindi nila ako ma-istorbo sa pamamasyal. Ngayon lang kasi ulit ako naging ordinaryong tao, yung mamamasyal pwedeng pumunta kahit saan. Yung hindi ka huhusgahan.

Si Ree nga pala next week na ang dating dito. Sa mall nalang ako kakain ng breakfast ko. Nagpunta na ako ng banyo para maligo.

Pagkatapos ko ay sinuot ko na ang mga napili kong damit. Simple lang naman, hindi ko naman kailangan ng bongga wala namang camera na nakatutok sakin ngayon. Isang blue shirt. ripped jeans with 4 inch heels lang. Sanay na naman akong naka- high heels at sinuot ko na ang disguise ko. Hindi ko na kailangan mag- make up, kasi sabi sakin ni Alexander dati na mas maganda daw ako kapag walang make-up. 

~~~~~Mall~~~~~

Para siguro akong tanga na naka-shades dito sa mall. Pero thank god kasi hindi nila ako nakikilala.

Naglalakad ako ngayon papuntang restaurant. Kakain akong breakfast, bakit ba?

Habang kumakain akong mag-isa may nakita akong couples na sobrang sweet ay akala mo lalanggamin na sila.

Ganyan siguro tayo ngayon Alexander, kung hindi kita iniwan

Nang matapos akong kumain ay nagpunta akong jewelry shop para bumili ng kuwintas.

Eto nalang simple lang syang pa- heart pero makinang. Hindi ko naman kailangan ng sobrang laki para mapansin ng ibang tao, baka mamaya ma- hold up pa ako.

(_ _")

At finally, nagshopping na ako ng mga dress ko.

~~~~Bahay~~~~~

Hay, napagod ako dun ha! Pero okay lang kasi nadagdagan yung damit ko, alam nyo naman bilang model ay dapat minsan ka lang mag-ulit ng damit mo.

Nagulat ako nang biglang pumasok ng bahay ang kulugo. HAHAHA.

"Surprise!" Hala si Ree, muntangang nakangiti at nakatayo sa harap ko.

"Akala ko ba next week pa ang dating mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kaya nga surprise eh, sinabi ko lang na next week ang dating ko hehe" Umupo siya sa tabi ko at humalik sa pisngi ko, sanay na ako sa mga ganyan niya pero bawal sa lips.

"Sa guest room ka nalang matulog" Sabi ko sa kanya.

"Tabi nalang tayo please??" Tanong niya sakin habang naka puppy eyes. Pa- cute tong isang to.

(-___-)

Kinuha ko yung mini pillow sa sofa at binato sa kanya.

"Aray!"

"Mag-isa ka!" Pagsusungit ko sa kanya, Jusko si Alexander nga hindi pa nakakatulog sa tabi ko e.

"Halika na nga, kain tayo may inuwi akong pagkain" Yaya ko sa kanya. Alam ko namang pagod siya.

Habang inaayos niya yung mga plato ay hindi ko maiwasan ang pagtitig sa kanya. Masasabi kong gwapo siya, mabait at sweet. Parehas sila ni Alexander pero siya ang mahal ko, si Alexander.

"Stop staring, baka mainlove ka" Sabi niya sabay kindat.

"Kapal lang please" Sarcastic pa ang boses na gamit ko don sa pagsabi sa kanya.

"Tama na nga ang daldal, let's eat." Sabi niya at nagsimula na kaming kumain.

Paakyat na ako sa kwarto ko kasabay ang kulugo na 'to. HAHAHAH

Nang makarating na ako sa tapat ng kwarto ko ay humarap na ako sa kanya.

"Goodnight Ree" Sabi ko sakanya.

"Goodnight din, sweetdreams" Aniya, napapikit ako nang halikan niya ang noo ko.

Pumasok na ako sa kwarto. Nga pala pagdating ko sa pilipinas ay magaaral ulit ako 3rd year. Napaayos ko na ang mga importanteng bagay na kailangang ayusin. Excited na akong makita ka Alexander.

Zzzzzzzzzz.......

~~~~~~~~~

Alexander's POV

Tapos na ang bakasyon at nagda- drive ako papunta sa school. 3rd year college na ako. Binuksan ko ang radyo sa kotse para hindi boring ang pagda- drive. Ano ba yan paboritong kanta pa nya ang pinatugtog.

Andito na ako sa school. Bumaba na ako ng kotse ko at naglakad papuntang room, sa hindi inaasahan ay may nabangga akong babae nahulog ang mga gamit niya kaya tinulungan ko siya halos ma- badtrip ako sa nakita ko sa notebook niya. Picture ni Suho bias ni Stephanie sa Exo. 

Pagpasok ko sa room ay kasunod kong pumasok ang prof. Nagsimula na siyang magpakilala at halos malaglag ang panga ko nang marinig ko ang pangalan ng prof.

"I'm Stephanie Reyes, just call me Ms. Reyes" 

OH MAN! ANONG GINAWA KONG KASALANAN??

Together Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon