Chapter 7

18 8 0
                                    

Chapter 7:
• Diary •
"📖"
...

"Let's check what's inside." Sabi ni Tim and binuksan yung bag.

"What's inside?" Tanong ko and lumapit sakanya.

May laman iyon na pens, notebook, charger, phone, clothes and water bottle.

"Diary." Sabi ni Tim and kinuha yung diary.

"Hey. Huwag mong basahin. Bad 'yan." Sabi ni Diana kay Tim.

"Nandito ba yung owner?" Tanong ni Tim.

"Wala." Sabi ni Diana.

"E 'di pwede." Sabi ni Tim and binuksan yung diary na nasa bag nung Stefan Alfonso.

"Let me see." Sabi ni Diana and tumabi kay Tim.

Tumingin ako sa isang bag and kinuha ko rin ito. Pag bukas ko, may pen, clothes and notebook sa loob.

"Theme park Diary." Basa ko sa cover nung notebook.

Curious.. kinuha ko yung notebook and umupo ulit sa pwesto ko kanina and binasa.

...

Page 1: 02/10/1990

Dear diary...

Ngayon na ang araw!  Sa wakas ay pupunta na kami sa theme park! Theme park daw ang tawag doon, diary. Theme park na may pagka sirko. Hindi mo alam kung gaano ako nasasabik. Ngayon lang kami lalabas ng sama sama. Walang kulang, walang sobra! Buong pamilya ay kasama! Napapanood ko lang ang mga ito sa telebisyon dati pero ngayon ay makaka punta na talaga ako doon. Naka ayos na ang aking mga gamit ngunit para saan ba ang mga ito? Mag lalaro lang naman kami pero ang sabi ni ina ay kailangan mag dala ng damit para maka pag palit pag kami ay napawisan. Haaaaay! Sobrang saya ko, Diary! Bagong bukas lang kasi ito at nabalitaan ko ay malaki! May mga pagkain din daw na masasarap doon! Hindi na ako makapaghintay na maka punta roon!

Nag mamahal,
Stefanie.

...

02/10/1990? February 10, 1990? Ang tagal na no'n ah? It's thirty-one years ago. Does that mean.. 90's pa ito nandito? Tumingin ulit ako sa diary at pinag patuloy ang pag babasa.

...

Page 2: 02/10/1990

Dear diary...

Diary! Ang saya doon! May nakita akong mga hayop na malalaki! Alam mo ba, diary? Habang nag lalakad ako kanina ay hindi ako naka tingin sa dinadaanan ko kaya nauntog ako sa puwetan nung elepante! Sa gitna pa ng dalawang malaking hita niya! Ang ibig sabihin ay sa puwet na puwet niya! Ang pangalan nung elepante ay Ele. Ang laki niya at ang ganda! Kaso nagalit siguro saakin dahil sinampal niya ako gamit yung mahabang ilong niya. Sinigawan din niya ako kanina pero sa ilong niya lumabas yung tunog. Ginaya ko siya pero hindi tunog yung lumabas sa ilong ko kundi sipon. Tumalsik pa yung sipon sa kinakain kong kendy.

Nakaka lungkot, diary dahil nagalit ko siya. Hindi ko naman kasi alam na nandoon siya e. Pero masaya parin dahil naka pag laro ako sa mga palaruan doon! Diary, alam mo yung may kabayo at umiikot ikot? Nahilo ako doon! Napagalitan pa nga ako dahil pinapalo ko yung puwet nung kabayo. Akala ko kasi pag pinalo ko yung puwet non ay bibilis yung takbo pero hindi pala totoo iyon. Tapos mayroong naka tusok sakanya na istik ma mahaba at mukhang bakal 'yon kaya inakyat ko iyon. Para akong unggoy kanina doon, diary, tapos nauntog ako sa kisame nung umiikot na bilog na kinalalagyan ng mga kabayo dahil tumataas taas nga yung mga kabayong nandoon. Mayroon pa! Ito ang nakaka iyak sa lahat! Habang nag lalakad kami, napa daan kami sa daan kung saan marami ang ibon. Ang gaganda nila! Iba't ibang kulay ang mayroon doon. Mayroong pula, puti, itim, abo at iba pa.

Survival #1: Win with Me (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon