Prologue

73 8 8
                                        

Prologue
...

"Guys... look at that." Sabi ni Lorraine, medyo takot pero may halong excitement. "Ayon na ata yung theme park?" Dugtong niya, at naglakad siya papalapit sa dilim ng lugar. Sinundan namin siya, kahit parang may something na hindi tama. Curious din kasi kami.

"Cool and creepy." Sabi ni Casper, habang kumukuha ng pictures. "Hashtag: creepy theme park."

Tumingin sa amin si Tim, halong excitement at kaba yung mukha. "Let’s look around," aniya, at pumasok siya sa gate ng theme park na parang matagal nang hindi napupuntahan ng mga tao.

"Grabe. This place is huge!" Sigaw ni Jake, pero parang unsure kung dapat ba siyang matakot o mag-enjoy.

"Bakit kaya na-abandon ‘to?" Tanong ni Nikki, nagmamasid sa paligid. May mga sirang gamit at mga halaman na namumuti na at yung iba bulok o kulubot na.

"Love, careful. Madulas." Sabi ni Jaime, hawak ang braso ko.

Parang may mangyayaring hindi ko maintindihan, pero pinilit ko na lang hindi mag-isip ng masama.

"Okay lang ako. Hindi naman ako madudulas—ah!" Napa-sigaw ako nang matapakan ko ang madulas na bagay sa sahig. Nahulog ako bigla. Ang sakit, shet!

"Hindi ka nga nadulas." Sarcastic na sabi ni Jaime, tinulungan akong tumayo, pero may concern sa mata niya.

"Yucky! Look at your legs, Love." Sabi ni Irish, itinuro ang legs ko na may mga putik.

"Clumsy as always." Bulong ni Diana, inabot niya sa akin ang wet wipes para pamunas ko sa legs ko.

"I didn’t see it." Sabi ko at pinunasan ang mga legs ko. "Kung nakita ko ‘yan, e 'di sana iniwasan ko, diba?"

"Guys... look at that." Sabi ni Tim, at kami’y napa-tingin sa tinuro niyang direksyon.

"Cool." Sabi ni Casper, nag-pic. "Hashtag: creepy gate, hashtag: creepy rock thing."

"Pwede bang i-cut mo na lang yung ‘hashtag this, hashtag that’ mo? Para kang girl, alam mo ‘yon?" Patanong na sabi ni Nikki kay Casper, pero parang may kaba na sa boses niya. Nikki is the scaredy cat of the group kaya lahat nalang kinakatakutan.

"No thanks." Sabi ni Casper kay Nikki at pinicturan siya.

"Arg! Nakakainis ka!" Inis na sigaw ni Nikki kay Casper, pero may takot na rin sa boses niya.

"I know, bro. I know."

"Tumigil na nga kayong dalawa. You two are always fighting." Sabi ni Jaime. "Tell us, gusto niyo ba ang isa’t isa?" Tanong niya.

"No way, eww!" Sabay na sigaw nilang dalawa. Nagkatinginan pa. "Are you copying me?!"

"Guys... let’s go inside?" Tanong ni Tim, nakangiti, pero may kabuntot na kaba, excitement, at takot sa mga mata niya.

"Ayoko! Nakakatakot!" Sigaw ni Nikki, parang naghahanap ng paraan para makaalis.

"E ‘di kami na lang ang papasok, and you’ll be alone here." Sabi ni Tim, may pang-asar sa tono.

"Tsk! Itaas ang kamay kung sino ang gustong pumasok dyan sa creepy, crapy place na ‘yan." Sabi ni Nikki, at tinaas namin ang kamay namin, pati ako, na hindi ko na alam kung bakit.

I’m curious what's inside. It’s really creepy but it’s abandoned, so why not? Wala namang mawawala kung susubukan namin. It’s just a creepy place that has been abandoned for years. That’s what we know.

"Majority wins. Papasok tayo." Sabi ni Tim, na parang hindi kami pwedeng mag-back out. Nauna na siyang pumasok sa dilim ng loob.

"Diana, ipagtanggol mo ako." Narinig kong sabi ni Jake, yumakap kay Diana.

Survival #1: Win with Me (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon