Chapter 01
Sabi nila pag may gusto kang kalimutang pangyayari, makakalimutan mo. Like if you really want to, your brain will make a way to forget that event. But in my case, kahit anong pilit ko diko talaga malimutan yung nangyari last week. Lalo na ngayong naglalaro na naman sila sa field.
"Nesababes anong sina-sight mo diyan?"
Agad akong napalingon kay Luna. "H-huh? Ang alin?"
"Eseh, kanina pa kita tinatawag dika nakikinig girl. Forda lutang ka diyan sa bintana buti nalang dika nakitang Sir. Ano bang tinitingnan mo diyan?" Sabi niya while nakataas ang kilay, may pagdududa.
Napakurap ako, kanina pa pala ako nakatitig sa bintana? Nasa 1st floor kasi kami ngayon, sa room ng major teacher namin kaya kitang-kita ang field. Tuwing Wednesday kasi whole day major subjects namin kaya kami yung nag-aadjust, kami yung pumupunta sa room ng subject teachers namin. I prefer that way din kasi nakakatamad umakyat sa 3rd floor.
Napatingin ulit ako sa field, 5:00 PM na at meron na namang nag te-training sa field, and guess what? Girls na football players na naman ang naglalaro, kahapon at nung lunes kasi boys yung naglalaro. Napangiwi ako ng may mamukhaan ako, mukhang kakarating niya lang kasi nagmamadali siya. Halata naman kasi tinapon niya lang sa kung saan sa field yung bag at tumbler niya.
I sighed, I would be called liar if diko aamining siya yung kanina ko pa inaabangan. I tried to forget what happened last week but I can't seem to forget her face. Parang sa ilang minutong pagtitig ko sa kaniya na saulo ko na lahat ng katangian niya. From her eyes to her lips, diko makalimutan . . . palagi kong naiisip.
Napaigtad ako ng may pumitik ng daliri sa harap ko. Si Mara, at sina Luna nakatayo sa gilid ko.
Tinaasan ko sila ng kilay. "Bakit anong meron?" Taka kong tanong, para kasi silang timang na nakatingin sa akin.
"Ikaw Nesa sabihin mo nga kung may problema ka. Kanina ka pa tulala. Ay hindi pala, nung lunes ka pa tulala tapos palaging nakatingin sa field. Anyari te?" Takang tanong ni Arriane, yung iba rin parang nag-aalala.
Actually eight kaming magkakaibigan, anim na babae tapos dalawang lalaki.
Napailing ako. "Ano ba kayo, wala naman akong problema talagang nalutang lang."
"Grabeng ka lutangan naman yan, di mo na nga napansing tayo nalang sa room ni Sir. Look around." Ani ni Glaze.
Kaagad naman akong napalingon sa paligid, tahimik na nga. Nagsiuwian na ang mga kaklase namin. I looked at my wrist watch at 5:30 PM na nga, 5:20 kasi uwian namin ngayon.
"Ay." Nasabi ko nalang.
"Oh ano magtitigan nalang ba tayo here? Tara na tambay muna tayo sa field, tinatamad pa akong umuwi." Sabi ni Mara at naunang naglakad palabas ng room.
"Tara-tara, Nesabels tayo ka na diyan." Pagsang-ayon ni Luna at inalalayan akong tumayo, as if may sakit ako or ano ba. Hinayaan ko nalang siya.
Habang naglalakad kami papunta sa field ay diko maiwasang mapatitig sa kaniya. I wonder what's her name, I wanna know.
Umupo kami sa isang bench, kasya naman kaming walo kasi yung style ng bench dito sa field ay may dalawang upuan na magkaharap tapos may lamesa sa gitna. Masarap talagang tumambay dito dahil mahangin tapos dipa mainit dahil sa malaking puno sa tabi.
Napatingin kaming lahat kay Owen ng magbuntong hininga siya. "2nd semester na, intrams na naman. Anong balak niyong salihan?" Aniya sabay sandal kay Glaze, sus.
Halos lahat kami nagkibit balikat, except sa dalawang lalaki. Si Owen kasi member ng basketball team, si Jed naman sa badminton team. Kaming mga babae nganga lang.
BINABASA MO ANG
Lavender Highs and Violet Lows (On-Going)
RomanceNesa Amora is a typical girl na sinusunod ang gusto ng mga magulang niya with no buts and whys. From school to house and house to school, para siyang puppet. Good thing may mga kaibigan siyang nagbibigay ng kaunting kulay sa buhay niya. But things w...