Prologue

46 2 0
                                    

Prologue

Sabi nila nakakapressure daw maging panganay, well totoo naman pero pano naman kaming mga bunso? They don’t know the struggles and pressure we felt. The comparison everytime may nagawa akong kapalpakan. Ewan ko nalang.

Sabi nga ni Mom. “Gayahin mo Ate mo! She’s now a professional kasi nakinig siya samin ng Daddy mo. Ikaw Nesa, you should strive harder! Huwag kang gumaya sa amin ng Dad mo!”

O diba? But anyway, iba-iba naman tayo ng sitwasyon sa buhay. Iba-iba rin kung paano tayo tratohin ng mga magulang natin. You’re lucky if mga magulang mo pantay ang pagtingin sa inyo ng mga kapatid mo and they’re not expecting something big from you.

Well unfortunately, I came from a family na mataas ang pangarap sa buhay. Mom and Dad didn’t graduated because of financial problems, gumawa lang sila ng business and unfortunately nag fail nung bago palang ito pero kalaunan ay naging successful din. Because of that nakatatak na sa utak nila Mom and Dad na dapat makapagtapos kami ng pag-aaral para hindi kami magaya sa kanila. Mas lumala pa nung maka graduate si Ate at naging Teacher sa isang sikat na Private School.

“Nesa tara na sa field.”

Tinangoan ko lang si Mara tsaka ko niligpit ang mga gamit ko, kakatapos lang kasi ng last subject namin at kahit di pa nga nakakalabas Teacher namin, ito na si Mara atat na pumunta sa field.

“Dalian mo Nesa, bilis.” She exclaimed at tinulongan pa ako sa pagliligpit.

Natawa ako. “Sus nangangati na naman ba Mara? Atat makakita ng donotch ah.”

“Ay Nesabels ano pa ba target natin dun? Taralets!” Sabat naman ni Luna at pakembot na naglakad palabas. He’s gay, yes.

Napailing ako, ano pa nga ba? Buti nalang talaga na kahit halos hindi ako makahinga sa bahay, may mga kaibigan naman ako dito sa school na nakakapagpagaan ng kalooban ko. God is fair talaga kasi hindi lahat nakukuha natin, may iba diyan swerte sa pamilya pero tinitake advantage naman ng mga tao. In my case,  I’m lucky to have my homies right now.

“Ay! Bakit sila yung naglalaro?!” Padabog na saad ni Mara ng makarating kami sa field. Maging si Luna ay parang nalugi ang mukha.

“Akala ko makakakita ako ng big donotch ngayon! Ba’t mga perlas yang naglalaro?” Reklamo niya.

Natawa ako. “Yan kasi, sino bang nag sabi sa inyo na boys ang magte-training ngayon?”

Tuwing hapon kasi may nagte-training dito sa field namin, mga football players. Mga may hitsura at malalaki daw ang donotch kaya inaabangan pareho ni Luna at Mara. Kaso mukhang hindi ata nila araw today, girls kasi ang naglalaro.

“Ano ba yan! Tara lipat us sa court, panoorin nalang natin si Owen maglaro.” Nakabusangot na saad ni Mara. Owen is one of my friends at kasali siya sa basketball team.

“Sige taralets, for sure maraming big donotch doon. Let’s go Nesabels!”

Hinila ako ni Luna pero umiling ako, tinatamad na ako maglakad ang layo pa ng gym dito. Nakakapagod kaya bumaba mula 3rd floor tapos naglakad pa kami ng ilang minuto papunta dito sa field. Ewan ko ba bakit nasa 3rd floor ang room ng mga grade 12 students.

“Dito nalang ako, kapagod na maglakad.” Ani ko at umupo sa malapit na bench.

Tinaasan ako ng kilay ni Mara. “Edi lumipad ka. Sus wala to, di marunong sumupport ng friend.”

Inirapan ko siya. “Wag ako, kung di lang babae ang naglalaro ngayon baka di niyo pa maalalang kaibigan niyo si Owen.”

Peke siyang tumawa. “Chos sabi ko nga, diyan ka na nga.” Aniya saka sila naglakad ni Luna paalis.

“Chat us Nesa ‘pag uuwi ka na.” Pahabol na sigaw ni Luna, tinangoan ko lang siya bilang sagot.

Huminga ako ng malalim at sumandal ako bahagya sa puno ng kahoy katabi ng bench na inuupoan ko. Napatingin ako sa mga naglalaro ng football, they’re like doing drills. Nagpasa-pasahan lang sila ng bola with their coach.

Nagkibit-balikat ako saka tumingala sa langit at napangiti naman ako ng makita ang kulay nito. Ang ganda ng kulay, the sky was a mixture of violet and orange. Ang ganda talaga oh my God!

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko para picturan sana ang sunset but to my surprise wala ito sa bulsa ng pants ko. Kaagad bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pag-iingay ng mga babaeng naglalaro ng football sa field.

Shit saan ko nalagay phone ko?!

Kaagad kong kinalakal ang bag ko, ng sa wakas ay makapa ko na ito ay para namang niyanig ang mundo ko ng may biglang tumama sa ulo ko. Napapikit ako sa sakit. What the fuck?! Ano yun?! Nang buksan ko ang mga mata ko kay bumungad sa akin ang bola na ginagamit ng football players. Kaagad nagtagpo ang kilay ko ng marealized and nangyari.

Tinamaan ako ng bola! Tangina parang lumabas utak ko dun ah shit!

Pinulot ko ang bola at handa na sanang gumanti ng may magsalita sa likod ko.

“Miss I’m sorry, di namin sinasadiya.” Her voice was soft and calming.

Napakurap ako at agad na nilingon ang nagsalita. There I saw a girl standing in front of me, wearing a red jersey na may nakasulat na FC, feeling close ganun? She was one of the football players, obviously.

For I don’t know what reason, napatitig ako sa kaniya. I don’t know but the moment our eyes met, I felt something. Or maybe it’s just because of the beautiful light na tumatama sa mukha niya. Other than that, all I can say is . . . ang ganda niya, from her eyes, nose and lips, God she’s beautiful! Kasing ganda lang ng paglubog ng araw.

“Miss? Are you okay?”

The way she talks, it’s so soothing. I never heard such voice before, para sa akin nakakairita lahat ng boses pero sa kaniya, ang sarap pakinggan.

“Miss?” Aniya sabay kaway sa harap ko, saka lang ako nataohan.

I blinked and processed everything. What the heck am I doing? Kaagad akong nataranta pero diko pinahalata. Tangina! What if iniisip niya na weirdo ako?

She smiled. “I’m sorry —”

Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita, I immediately throw the ball straight to her face saka ko dali-daling kinuha ang bag ko at kumaripas ng takbo. I heard her shouting “Miss!” pero di ko na siya nilingon.

What the hell! God take me now! Maybe staying was a bad idea, sana sumama nalang ako kina Luna!



—————
Nesiya.

Lavender Highs and Violet Lows (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon