00

77 10 1
                                    

"Ma saan ako mag aaral ng highschool" takang tanong ko Kay mama habang nagtatahi ng mga tela ng kurtina sa makina

"Sa Amethyst Highschool anak.."
Nagulat ako SA sinabi ni mama

"Ano!ma wala tayong sapat Na Pera para mag aral ako dun.Ma! Mga mayaman lang dun ang nag aaral..at mahirap lang tayo." Protesta ko Kay mama

"Si Papa mo..dun ka muna SA kanya.." Sabi ni mama pero nakikita ko SA kanya ang lungkot at pag aalala

"Si Papa?*chuckles* may iba Na syang pamilya..at dagdagan ko PA.Ma!bakit?"

"Gusto Kong mapagtapos ka ng highschool at gusto ko maabot mo ang pangarap mo at kailangan may Pera ka..ayaw Kong pahirapan ka PA maghanap NG Pera para mag aral ka..anak! Di ka ba nag iisip sa kinabukasan mo..kapag mag aral ka dun SA Papa mo maging mabuti ang buhay mo.!" Sabi NG mama ko kita ko Na may tumulong luha SA kanyang Mata

At ako rin ay umiyak...yinakap ko SI mama at naintindihan ko siya SA mga sinabi..tama sya dapat isipin ko ang kinabukasan ko ang pangarap ko..kapag nagtagumpay ako tutulungan ko SI mama gusto ko makita syang masaya Na di naghihirap..mahal Na mahal kita ma..pangako maabot ko ang pangarap ko Na maging nurse....

Tatlong araw nakalipas itong araw Na ito ay aalis Na ako SA puder ni mama..nakakalungkot din at mamimiss ko silang lahat
Nakaempake Na ako NG mga gamit ko SA maleta at bagpack..

"Hu hu hu hu mamiss kita chum" hikbi ni Sofie sakin at yinakap ako
Haysss isip bata talaga ni Sofie..kababata ko siya kahit ganyan sya mahal ko din yan..at mamimiss ko talaga sya..

"Hoy bakla baka malimutan mo kami kapag doon kana SA Papa mo tapos SA school mo huhuhu"
Hay naku chaos wag ako bakla ka baka kalbuhin kita dyan eh!

"Hindi ko kayung malilimutan except Kay Chaos" tiningnan ko siya sumimangot sya

"Grabe ka gurl ang sama mo!"
Tumawa kaming lahat

"Anak!O eto" may binigay sakin si mama Na kwintas Na ang pendant nito ay crescesnt moon
Ang ganda nito kasi kulay silver ito

"Ano to ma?" Takang tanong ko Kay mama habang pinagmamasdan ang kwintas

"Yan..ang bigay sakin NG Lola mo kapag malaki Na ako at kaya ko nang buhayin ang sarili ko binigay nya sakin yan para palantandaan Na nandito lang siya SA tabi ko kahit dumadaan ako SA mga problema ko SA buhay at ganun DIN sayu anak..lagi ako SA tabi mo..wag kang Susuko SA laban mo SA buhay mo...ingatan mo yan ha mahal yan.." Ngumiti ako at tumango

Dahil SA sinabi ni mama napaluha ako..kahit walang kwintas nito..laging Kong iisipin Na lagi si mama SA tabi ko

Sumakay Na ako NG trysikel ni mang kanor papuntan terminal
Nakita ko ang mama ko at iba Kong pinsan na kumakaway at nakangiti ang iba parang namatayan dahil SA grabeng iyak nila

Bumuntong hininga lang ako at ito Na Simula Na ito para SA pangarap ko..At kayang kaya ko toh..

Inihatid ako ni mang kanor SA terminal NG bus papuntang maynila kaya sumakay Na ako at nagpaalam Na Kay mang kanor
Ilang oras Na nag daan nakaabot Na ako NG maynila..

Pagbaba ko SA bus nakita ko SI Papa nakaabang sakin Na kumakaway nakita ko ang suot nya parang businessman Na may dala PA syang case

"Papa?" Tanong ko SA harap nya
Ngumiti sya at yinakap nya ako
Kahit nagtaksil sya Kay mama Di parin nawawala ang pagmamahal ko papa

Yinakap ko rin ang Papa ko pagkatapos nito kinamusta nya ako at kinewentuhan ko siya parte SA buhay ko kila mama

Masaya pero Di parin nawawala ang galit SA puso SA ginawa nyang iwan kami

Looking  At The Sky  (Highschool Series#1)Where stories live. Discover now