Fiona and the Sea

5 1 0
                                    


Napangiti ako nang makita ko si Fiona sa tabing dagat habang kinukuhanan ng litrato ang tanawin, kasabay nito ang unti-unting paglubog ng araw na syang bumibigay ng sining sa kalangitan

Nakatalikod parin ito sa akin at hindi namamalayan ang aking presensya kung kaya't ako na mismo ang lumapit sa kaniyang kinaroroonan

"Kanina pa kita hinahanap shunga ka nandito ka lang pala"

She smiled brightly upon hearing my rants "Sinabi ko naman na babalik rin ako. Nakalimutan kog tanga ka rin pala minsan"

Hindi nalang ako sumagot at tinawa nalang ang pambabara niya sa akin. Naisipan naming umupo at in-enjoy ang tanawin

Kumikiliti ngunit napakasarap sa pakiramdam ang tubig na umalon sa harap namin

Ang hangin na siyang humahaplos sa balat namin

Ang amoy ng dagat na aming nalalanghap

Hindi ko maitanggi kung bakit gustong-gusto ni Fiona ang dalampasigan

Sea reminds me of Fiona

Napakapayapa man kung titingnan sa labas na anyo, hindi mo mawari kung gaano kagulo ang nasa loob nito

Sya yung tipong napakakalmado kahit anong mangyari

Sya yung tipong matapang at hindi ipinapakita ang kahinaan

Sya yung tipong inaako ang lahat

Sya yung tipong mas inuuna pa ang mga tao sa kaniyang paligid

Sya yung tipong hindi humihingi ng tulong

At kahit ako ang pinakamatalik na kaibigan niya ay bilang lamang ang impormasyon na alam ko patungkol sa kaniya

Oo galit ako dahil ano pa ba ang patutunguhan kung hindi naman niya ako kayang pagkatiwalaan? Galit ako. Noon.

Pero nung time na nakita ko sya ulit dito, gabi iyon at napakalamig sa labas pero nakaupo sya at parang hindi naman tinatablan ng lamig

Papalapit na sana ako ngunit narinig ko ang patimpi-timping paghikbi niya

I was at my state of shock. It was my first time to witness her like this, at her vulnerable state

Nung gabing yun ay napagtanto kong wala naman talaga akong dapat ikagalit.

Dahil natatakot lang pala itong mag-open up

I can't blame her. She's been betrayed a lot of times, and doubting me doesn't exclude from that

Fiona is the girl that I really adore the most

"Elle, if the world forgets me. Will you still remember me?"

And I'm afraid that one day will come

That she's tired

And will give up


I rest my head in her shoulder "Fiona"

"Hmm?"

"If everything is in a mess. Don't forget that I am still with you. Okay?"

She did not answer

"Okay?"

"Okay."

I smiled. Perhaps this is enough to feel assured


My home, My heart, Our world..Where stories live. Discover now