My father is a criminal

3 1 0
                                    

Warning: Matured content

(This one shot story contained such an inappropriate scenes including physical and verbal harassment.)





"Wala akong kasalanan paniwalaan nyo ako!" Sigaw ng kawawa kong ama habang pilit na nilalabanan ang mga pulisyang pumuposas sa kaniya

Pilit na pumapagitna ang mama ko sa kanila "Nasasaktan na po ang asawa ko. Maawa naman kayo!"

"Ate.." my sister cried beside me as she tightly hugged my right arm

Nakatulala lamang akong nagmamasid. Alam kong pinagtitinginan na kami ng madla ngunit hindi ko magawang matablan ng kahit anong hiya o lungkot

Wala na akong ibang nararamdaman kundi galit

Hindi ko alam kung kanino ako nagagalit. Kay papa ba? O sa taong namatay. Ang taong naging dahilan sa nangyayaring sitwasyon ngayon

"Sa presinto nalang po kayo magpaliwanag" dinig ko sa pulisya na pumuposas sa kaniya

"Rodel!"

"Papa!"

They cried. And I can see how these people around us, giving and showing their disgust and judgemental looks

Hindi ako nagpatinag at iniisa-isa ko ang pagtitig sa kanilang mapanghusgang mata

"Nagpapakabait-baitan lang pala"

"Lumabas rin ang tunay na kulay"

"Nako! Alam ko na kung saan nagmana ang panganay nya" Nilingon ko ang ale at nakitang nakatingin rin ito sa akin

Akmang lalapit na sana ako at patitikimin ng pinakamatamis at malutong na sampal ay hindi nangyari ng bigla nalang akong hinila ng aking ina, kasabay nito ang aming paglalakad-takbo papalayo sa lugar na iyon

Hindi ko maiwasang mahawang maluha nang makita ko ang nagbabadyang mga luha sa kaniyang malungkot na mata. Ang galit na nararamdaman kanina ay napalitan ng sakit







Kalat na sa buong syudad ang nasabing nangyaring pagpatay ng aking ama sa isang bente-sais anyos na babae doon sa mismong barangay hall.

Paniwalang-paniwala sila sa naturing na balita dahil sa ebidensya na CCTV footage, kung saan kitang-kita kung paano hinila palabas ang babae at dinala sa lugar kung saan ito huling nakita at ang walang buhay na bangkay nito

Ang tanong. Papaniwalaan ko rin ba?

Gustuhin kong ipaglaban si papa. Pero hindi pa sapat at lalo na na wala akong kahit anong ebidensya na nagpapatunay na inosente sya

Sa balita, kahit baliktarin mo man ang lamesa, siya ang nakikitang may kasalanan.

"Ang lakas naman ng loob nyang pumasok"

"Wow the confidence"

"Anak ng kriminal, siguro nasa loob rin ang kulo nito"

Patuloy parin ako sa paglalakad at hindi inintindi ang makabobong bulungan nila sa gilid

Wala naman talaga akong balak na pumasok. Alam ko namang ito na agad ang kakahantungan ko. Ang ibully ako.

Pero pinilit ako ng mama ko na pumasok. Para lang rin naman raw ito sa akin

Sa sitwasyon namin ngayon, kinakailangan ang pagpapakatatag

Kahit nanginginig na ako sa takot at lungkot ay minabuti kong pigilan ang umiyak sa harapan nila

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My home, My heart, Our world..Where stories live. Discover now