CHAPTER 1: Accidentally Meeting You

470 2 3
                                    

Going to coffee shop together with my friends: Caitlin, Carina, Cheska and Cayla. Sila na yung mga naging barkada't kasa-kasama ko since first year highschool palang ako. Si Cayla at ako ay magkaklase sa Section 2, Si Caitlin at Carina naman ay magkaklase sa Section 5 at si Cheska ay sa Section 10, 4th year highschool kaming lahat. Nagkakilala kami sa isang sports activity sa school. Destined to meet nga atah kami dahil puro letter 'C', kaya ang tawag namin sa group namin ay 'Queen of C'. 

Most of our time inuubos namin sa paglalakwatsa at pagbo-bonding, hindi rin naman sila nakakasawang kasama dahil sila lang din ang nakakapagpasaya sakin. Magkakampi kami sa lahat at walang taguan ng sekreto. 

Sa school naman dapat sabay kaming magrecess, lunch at umuwi para fair, kaya parang magkakapatid na yung turingan namin sa isa't-isa. Kasama ko rin sila sa lahat ng kalokohan, tsimisan, asaran and more. 

Nasa coffee shop & bakery na kami, dito kami tumatambay o nagpapalipas ng oras. Malapit lang kasi dito ang school at special ang mga tinda.

"Carrah, ano sayo?" tanong sakin ni Cayla.

"Ayoko muna, mamaya nalang siguro" busog pa kasi ako.

Pagkatapos nilang um-order, umupo na kami sa vacant table. 

"So girls. News for today?" tanong ni Carina.

"Wala eh" sagot ni Cayla.

"Ako meron! Siguradong matutuwa kayo nito" sabi ko.

"Okay. Ano yun Carrah?" tanong ulit ni Carina.

"Alam niyo ba na may tagos si Patricia kanina? tapos ang unang nakakita pa ay yung super crush niya sa section 1." Patricia belongs to section 3 at ito ang pinaka-iinisan namin sa lahat. Napakapangit kasi ng ugali, basta nakakadiring babae.

Sa pagkabigla nilang apat muntikan na nilang mailabas ang kanilang ininom at kinain mula sa kanilang bibig sakin.

"Huuuwooww! Totoo ba yan?" paninigurado ni Cheska.

"Yeeh! totoong-totoo. Sayang nga lang di ko nakuhanan ng picture" sabi ko

"Hahahahaha!" tawanan nilang apat. "Then?" tanong ni Cheska

"Ganito yung kilos niya oh" dinemonstrate ko sa kanila yung ginawa ni Patricia kanina. 

Habang ginagaya ko si Patricia.

"Shit! what the! Ooowww! ang init" 

Minalas atah ako. 

"My God! Sorry po!" kinuha ko ang panyo sa pocket ko at pinunasan ang damit ng lalaking natapunan ng kape. Nasagi ko atah! Napakalikot ko kasi. 

Habang pinupunasan ko ang damit niya.

"Enough! Miss! you need to pay for this!" sabi ng lalakng galit.

"S-Sige babayaran ko ang kape. Magkano ba?" tanong ko

"No! You're careless!  Alam mo na dito dumadaan ang mga tao diba? Kaya dapat mo lang pagbayaran ang ginawa mo sakin." nakakatakot ang boses ng lalaki

"Sorry po. Hindi ko sinasadya" paumanhin ko.

"What----" tumunog ang phone nito. "Hindi pa tayo tapos.!" sabi ng lalaki, at galit na umalis.

Nakakahiya!!!!!!

Destined  To Meet, Destined To Fight, And Fated To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon