"Bakit ang tagal mo? kanina ka pa namin hinihintay dito" tanong ni Cayla "Tsaka bakit puno ng icing yang mukha mo?"
"Si Mac" sabi ko.
"Sinong Mac?" halos sabay na tanong nilang apat.
"Yung si Sungit doon sa coffee shop."
"Pano mo nalaman pangalan niya?" tanong ni Caitlin
"Kanina kasi nandun rin siya sa library. Muntikan na niya akong mahuli kundi lang siya tinawag nong lalaki. At iyon. Tinawag siyang Mac." paliwanag ko.
"At anong nangyari dyan sa mukha mo?" tanong ulit ni Caitlin
"Sinundan niya ako. Tas nakasalubong ko si Ivan kanina, may dalang cake." paliwanag ko ulit.
"Aah! Let me guess it. Pinaliguan mo ng icing ang mukha mo para di ka niya makilala, right?" natatawang sabi ni Carina.
Tumango lang ako.
"Oo na, nakakatawa na yung ginawa ko. Wala na akong magagawa eh" sabi ko, at pinunasan ang mukha.
"Ayus rin ang naisip mo ah" sabi ni Cheska.
"Mauna nalang kayo." sabi ko
"Hindi ka sasabay samin?" pagtataka ni Cayla.
"Hindi na. Pupunta pa ako sa locker room, para magpalit ng damit." hindi kasi ako comfortable umuwi na madumi ang uniform. Ayoko rin magtanong pa ang parents ko kung ano ang nangyari sakin.
"Sige, ikaw bahala. Bye Carrah" isa-isa na silang nagpaalam sakin.
Wala ng gaanong studyante sa campus. 05:00PM na kasi ng hapon at 3:00PM ang class dimissal namin.
----
Tapos na akong magbihis.
Habang naglalakad sa lobby, inaayos ko ang uniform ko sa bag. Syimpre 'di ako nakatingin sa daan.
May nabangga nanaman ako. Tsk! tanga ko. >__<
Nang tignan ko kung sino iyon, napatingala ako. Matangkad kasi at ang height ko hanggang balikat lang niya.
"Ikaw?" sabi namin ng sabay ni Mac a.k.a Mr. Sungit.
Sa gulat ko, hindi na ako nakatakbo. Kailangan ba talagang magcross ang landas namin?!!
"Miss hindi ka ba nagiingat o talagang tanga ka lang?!. Look what you did." galit na sabi niya.
May dala siyang chocoloate cake at natapon iyon lahat sa uniform niya.
"P-Pasensya na, hindi ko alam na may tao" nanginginig na sabi ko.
"Kasi hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo!" tumingin siya sakin na nakakunot ang noo "Halika!!"
Hinila niya ako papunta sa kung saan.
"Teka! saan tayo pupunta?" pilit kong inalis ang kamay ko na hawak niya.
"Kailangan mo lang naman magbayad!" hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
Palabas sa campus ang direksyon namin.
"Sabihin mo kung saan tayo pupunta kundi, sisigaw ako" banta ko.
"Edi gawin mo!" sabi niya
Sisigaw na sana ako pero ipinasok na niya ako sa isang kotse.
"Hooy! kakasuhan kita ng kidnapping" banta ko. "Palabasin niyo ko dito!"
Hindi ako makalabas dahil nilock yung pinto. Tatawag na sana ako upang humingi ng tulong pero hindi ko mahanap ang bag ko.
"Ito ba ang hinahanap mo?"
Pano ba napunta sa kanya ang bag ko?! Aarrrggggghhhh! Cge, suko na ako.!
"Oras na makatakas ako, ipapakulong talaga kita!" galit na sabi ko.
Tumingin ako sa labas. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Hindi ko naman kabisado ang mga daan dito sa Maynila. Oo, lakwatsera ako pero 'di naman ibig sabihin non na alam ko na lahat ng pasikot-sikot na daan dito.
Looorrrdd ikaw nalang po bahala sakin. T___T
BINABASA MO ANG
Destined To Meet, Destined To Fight, And Fated To Love
Teen Fiction"Mas humigpit pa ang pagkakahawak namin sa isat-isa. Parang may dalang kuryente iyon sanhi ng kakaibang kaba sa puso ko. ~~Gusto ko na kaya siya?" Mackenzie and Carrah met each other dahil sa katangahan ni Carrah. Because of that their lives became...