Dinala niya ako sa isang bahay. Malaki, maganda, bongga at pangmayaman. Malaki nga rin ang bahay namin at pangmayaman pero iba to parang palasyo.
"Bahay niyo to?" tanong ko pagpasok namin.
"Oo" sagot niya.
Sa sobrang paghanga ko sa bahay nakalimutan ko na, na kinidnap pala ako ng mokong 'to.
"Hooy! anong gagawin mo sakin? Virgin pa ako! mahal ko pa buhay ko." pasigaw na sabi ko.
"Nakakadiri ka. Tumahimik ka nga!"
"Eh ano nga kasi ang ginagawa ko dito? sabihin mo na para tumahimik na ako at hindi kita ipapakulong"
"Sige, sasabihin ko. Dyan ka lang muna sa sofa, may kukunin lang ako sa taas" seryuso na ang mukha niya.
Umupo narin ako, sa tingin ko naman wala siyang gagawing masama sakin.
Huminga ako ng malalim para kumalma.
------
After 30 seconds bumalik siya.
Na may dalang damit?! o___O
"O!" binigay niya sakin ang uniform na suot niya kanina.
"Anong gagawin ko dito?" pagtataka ko.
"Edi ano pa? labhan mo yan. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nalagyan yan ng chocolate. Mahirap tanggalin ang mantsa niyan. Kaya dapat ikaw maglaba ng uniform ko."
Inoutusan ba ako nito?!!
"Sa katulong mo nalang iyan ipalaba. Hindi kasi ako sanay maglaba na may mantsa."
"Wala ang mga katulong dito. They are all in vacation."
"Edi ikaw nalang maglaba niyan. Tutal uniform mo naman yan" binalik ko sa kanya ang uniform.
"Hindi pwede! Pareho lang tayo na hindi gusto maglaba ng damit na may mantsa. So dapat ikaw ang gumawa, ikaw naman ang may kasalanan" binalik niya sakin ang uniform.
Papalag pa sana ako kung di lang siya nagsalita.
"Look!" pinakita niya sakin ang dibdib niya. Hot! Aaw! xD.
"Miss! nakikita mo ba?!" doon lang ako natauhan.
"H-Haah?! uuhhmm, ano! Oo" isang paso.
"Ang pasong ito ay dahilan ng katangahan mo 'don sa coffee shop. I don't mind naman talaga eh kundi lang nagkaganito. Kaya dapat pagbayaran mo ang mga kasalanan mo."
Magsasalita pa sana ako.
"Ssshhhh!! wag ka ng kumontra. Doon ka nalang maglaba sa lavatory. Pagtapos mong maglaba, magluto ka for dinner"
Umalis na ito agad.
"Hoooy! Di mo'ko maid! kung makapagutos ang pangit nato. Suuss! pasalamat ka at may kasalanan ako sayo"
Dinampot ko na ang uniform niya.
Sinimulan ko na ang paglalaba.
"Kainis naman toh! di pa matanggal ang chocolate." Sabi kasi ni Don Sungit hindi raw ako pwedeng gumamit ng kahit na ano except powder para hindi masira ang uniform niya. :[
Tinodo ko na ang pagkuso para matapos na.
Sa wakas natanggal narin ang mantsa. Malinis na.
Nakakapagod kahit isa lang ang nilabhan ko.
Pagkatapos kong isampay, nagluto na ako for dinner. I'm not that expert when it comes in cooking. Bahala na basta makapagluto ah! Problema na niya kung sunog na ulam ang kakainin niya. Kasalanan niya, ako ang pinaluto niya.
I decided to cook adobo, eh wala nga kasi akong gaanong alam sa pagluluto.
"Arraayyyyy!" Nang ilunod ko na ang manok napaso ang kamay ko.
"Sakit huh!" pagtataray ko sa kaserola.
After a minutes, luto na ang niluluto ko.
"Tapos ka na?" Hindi ko namalayan na nakatayo na pala doon si Mac habang hinahanda ko ang hapag-kainan.
"Ah, oo. Tapos na." Gusto ko ng matapos agad sa ginagawa ko dahil gabi na at pagod na ako. Gusto ko ng magpahinga.
"Ready na po lahat Sir. Pwede ka ng kumain" sabi ko. "Uuwi na po pala ako. Kailangan kasi nasa bahay na ako bago makauwi sina daddy para hindi magtaka."
Kalmado lang ang boses ko, pagod na kasi ako at wala na akong panahon para sa pagtataray.
"Sige ipapahatid na kita sa driver ko" sabi niya.
"Naku! wag na po" in fairness magalang parin ako pagkatapos niya akong utos-utusan.
"No! Ako ang nagdala sayo rito. Dapat ako rin ang maguuwi sayo. Mahirap na, maraming masasamang tao sa daan"
"Wow! bait mo pala."
"Ayoko lang na sisihin ako dahil may nangyaring masama sayo" patuloy niya.
"Aayy?! Akala ko pa naman concerned ka sakin."
"Cge na nga" pumayag na rin ako. Baka kasi may mangyari pa sakin sa daan. Di ko pa naman alam ang daan pauwi.
Sinamahan niya ako hanggang sa kotse.
"Sige po, uwi na ako." paalam ko nang buksan ng driver ang pinto ng kotse.
"Just call me Mac" sabi niya.
"I know"
"Pano mo nalaman pangalan ko?" pagtataka niya.
"Ah. Wala, alam ko lang. Sige bye" narinig ko 'don sa library shugee!
"Wait" sabi niya.
"Yes?"
"What's your name again?"
Tinatanong niya name ko o___o
"Uhhm. Carrah. Carrah Alvarez"
"Mackenzie Andrada."
"Ah, cge bye Mac." sosyal ng pangalan ah!
Tumango lang siya. Pumasok na ako sa kotse.
"Hindi ko talaga mabasa ang ugali niya! Weird -___-"
BINABASA MO ANG
Destined To Meet, Destined To Fight, And Fated To Love
Dla nastolatków"Mas humigpit pa ang pagkakahawak namin sa isat-isa. Parang may dalang kuryente iyon sanhi ng kakaibang kaba sa puso ko. ~~Gusto ko na kaya siya?" Mackenzie and Carrah met each other dahil sa katangahan ni Carrah. Because of that their lives became...