"I thought nasa America ka. Diba hindi pa tapos ang school year?" tanong ko kay Broox nang makapagusap kami.
"Yes. But I convinced dad to stay here at dito na magaaral sa Philippines" sabi niya.
"Aah. Saan ka magaaral?"
"Pwede rin dito sa school niyo"
"There are lots of school, why here pa?"
"Para makasama ka ulit. Bakit, ayaw mo?"
"Hindi naman. Ikaw talaga. Baka kasi hindi mo magustuhan dito"
"Okay naman raw dito sabi ni Tita Lency"
"Hah? nakausap mo si mommy?" Pagtataka ko. Ang alam ko kasi wala na siyang kahit na anong contact pa sa pamilya Ferdoza.
"Yah. I got her number from dad."
"Aah. Ganun ba"
Saglit kaming natahimik.
"Carrah"
"Hhhmm?" tanging sagot ko.
"Tungkol dun sa past----"
"Broox. Diba sabi nila. Past is past and never to discuss." Ayoko na kasing pagusapan pa ang nakaraan.
"Sorry pala"
"Ang kulit mo! forget about it"
"Sorry kung hindi kita pinaglaban"
"Sabi na---"
"Kahit ngayon lang Carrah, marami tayong dapat pagusapan."
Haaay! sige na nga!
"Okay! ipaliwanag mo lahat"
"Gustong-gusto kitang ipaglaban Carrah. Pero may sakit sa puso si daddy. Anytime pwede siyang atakihin. I was afraid kung susuwayin ko ang gusto niya. Kaya mom begged me na gawin ang gusto ni papa. Kaya hindi na ako nagsalita pa noon. Sorry"
"Then?" pinipigilan ko lang ang luha ko.
"It was very painful na hiwalayan ka. Sorry kung mas pinili ko ang parents ko kesa sayo. I love you but I love them more. Kahit nong nasa America na ako, walang nagbago. Kahit pinakilala na sakin yung babaeng pakakasalan ko raw balang araw, ikaw parin ang laman ng puso ko."
"Pinilit kong kalimutan ka Carrah. Pero walang nagbago. I admit na malaki ang kasalanan ko sayo, hindi ko nagawang ipaglaban ka. Hindi ko sinabi sayo na hintayin mo'ko dahil ayokong paasahin ka. Kaya hindi ako nag email o tumawag sayo para makalimutan mo na ako at hindi ka narin masaktan. Kahit mahirap sakin yon, kinaya ko parin para maging masaya ka."
Kinuha niya ang kanang kamay ko at inilagay sa dibdib niya.
"Carrah until now I still love you. Walang nabawas kahit konti"
Binawe ko ang kamay ko.
"Diretsuhin mo na ako Broox."
"I want you back. Dad understands me already. Pareho lang pala kami nong babaeng ipapakasal sakin, may mahal rin siyang iba."
I looked at his eyes.
"2 years passed Broox. Do you think sa dalawang taon hindi kita makakalimutan? Yes, I love you pero noon yon. Kung ipinaliwanag mo lang sakin lahat noon, sana ngayon mahal parin kita. Pero iba ang intindi ko noon, duwag ka kaya hindi mo'ko pinaglaban. Masisisi ko ba ang sarili ko kung yon ang pagkakaintindi ko? Naghintay ako sa paliwanag mo, pero wala"
Tumulo na ang luha ko.
"Kaya wala ka ng babalikan Broox. You broke my heart and you can never fix it, not by you. Hindi ako isang bagay na iiwan at babalikan mo."
"Last chance. Please Carrah. I'll do anything."
Luluhod sana siya.
"No! wag mong gagawin yan. Mapapahiya ka lang dahil hindi ako maaawa sayo. Goodbye"
Wala na akong nararamdaman para sa kanya. Ayoko ring maging bestfriend siya ulit, masyado niya akong sinaktan. Kahit ang friendship namin, nasira niya ('_')
BINABASA MO ANG
Destined To Meet, Destined To Fight, And Fated To Love
Jugendliteratur"Mas humigpit pa ang pagkakahawak namin sa isat-isa. Parang may dalang kuryente iyon sanhi ng kakaibang kaba sa puso ko. ~~Gusto ko na kaya siya?" Mackenzie and Carrah met each other dahil sa katangahan ni Carrah. Because of that their lives became...