1

199 6 0
                                    

Chapter 1: "Be careful, Darling."

Hannah's POV:

Napamulat ako bigla dahil sa tunog na nang-gagaling sa aking cellphone. Agad ko naman itong kinuha mula sa mini table malapit sa kama ko.

"H-hello?" Sagot ko sa tawag kasabay ng paghikab.

[Hannah! Where are you na ba?! Kanina pa kami nagaantay dito sa Mall.] May inis na sabi sa kabilang linya.

Naguluhan ako sa sinabi pero kalaunay ay natauhan ako agad.

'Patay..' pabulong kong sabi.

"A-ah ano ahm.. Mauna na kayo Mary,  k-kasi may emergency sa bahay. Sunod nalang ako." Sagot ko

Narinig ko pa ang buntong hininga nito. Tingin ko ay alam niyang kagigising ko lang hehehe.

[Tsk! Fine! Just hurry up, girl. Kdrama pa more late ka tuloy hmp!] Panenermon niya sa akin.

"He.he.he, sorry na Mary ang ganda kasi nung pinanood ko eh. Bibilisan ko talaga promise! Bye." Sabi ko at pinatay na ang tawag.

Shet naman kasi eh! Kasalanan 'to nung Kdrama na 'yon!

Pero kasalanan ko bang nakaka-inlove yung pagmumukha ni Park Seojun kaya ako napuyat kagabi? Hindi naman eh, tsk.

Napa-pout nalang ako sa naisip ko at dali-daling tumayo para maligo. Wala pang 20 minutes ay natapos agad ako saka nagmamadaling nag-commute papuntang Mall.

Pumunta ako sa restaurant na sinabi ni Mary.

Hindi naman ako nagkamali at nakita ko sila sa may pinaka-dulo.

Nagmukha tuloy silang mga tanga dahil palinga-linga at mga naka shade's at facemask pa.

Pinuntahan ko naman ang pwesto nila.

"Hoy! Mukha kayong ewan." Panimula kong sabi sa kanila.

"Shit"

"Ay palaka!"

"Tanginamo Paulo!"

"Tanginamo mo din pre." Bawi ni Paulo.

Napahagalpak ako ng tawa dahil sa mga reaction nila, lalo na sa sinabi ni Paulo.

"Si Hannah kasi eh! Bakit ka ba nanggugulat huh?!" Inis na sabi ni Mary.

"S-sorry na HAHAHAHAHA. Mukha kasi kayong ewan na palinga-linga at tagong-tago yung mga mukha." Tugon at tumawa pa ng mahina.

Umirap naman siya sakin kaya inirapan ko din siya. Hmp! Kala niya siya lang marunong umirap ah!

"Upo kana Hannah Montana." Biro ni Jessie sakin.

"Eto na uupo na po Jessie J." Biro ko din sa kanya.

Kala niya magpapatalo ako ha! Neknek nila, hmp!

"Nga pala bakit tago yang mga mukha niyo? Baka gusto niyong tanggalin?" Pagtatanong ko.

Agad naman nilang tinanggal isa-isa ang mga nakalagay at nakaharang sa mga mukha nila.

Oh diba! Perfect. Magaganda at Gwapo ang mga bestfriends ko 'no!

"Ang cute niyo naman." Naka-pout kong sabi.

Napangiti sila sa sinabi ko.

"Pero mas cute ako." Dagdag ko pa.

Nakita ko namang nawala yung ngiti nila kaya hindi ko napigilang tumawa ulit.

Naagaw ko pa ang pansin nung ibang kumakain dito sa restaurant.

The Mafia Lord Is Obsessed With The Famous Ballerina (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon