13

28 1 0
                                    

Hannah's POV:

"I'm getting married." I said out of blue.

Narinig ko ang pagbagsak ng bote ng beer na kanina lang ay hawak ni Jessie.

"Wtf? Are.. you... serious?!?" Mahinahong tanong niya.

"Kailan pa ba ako natutong magbiro?" I sarcastically asked.

Nataranta naman ako nung bigla siyang napasigaw kaya ang ending yung tatlo ay nagmamadaling pumunta sa gawi namin.

"Hey babe what happened?" Tanong ni Paulo kay Jessie habang aligagang tinitignan yung katawan ni Jessie kung may sugat ba.

"Ay nadulas!"

"Magb-break din kayo!"

"Ay wow, babe pala ang tawagan."

Nakita naman namin na pinanlakihan ng mata ni Jessie si Paulo na napahawak lang sa batok.

"Jusko! Hindi niyo naman sinabing may label na pala kayo, pero yung dalawa dyan wala pa rin." Nagpaparinig kong sabi.

Naka-kuha naman agad ako ng batok kay Mary.

"Aray ha! Tinamaan ka ba sa sinabi ko?" Tawang tawa kong tanong.

Akmang babatukan niya ulit ako ng tumakbo ako papunta sa likuran ni Bellamy.

"Hoy Bellamy! Awatin mo nga 'yang jowa mo este 'yang bruha na 'yan." Kunwaring nadulas kong sabi pero aminin man nila o hindi, halatang may label na rin sila katulad nila Jessie at Paulo.

Tinawanan naman namin yung namumulang mukha ni Mary.

"Ako na naman trip niyo ha!" Inis niyang sabi saka pumuntang ref at kumaha ng beer.

Nilahad ko naman ang kamay ko sa kanya na na tinignan niya pa ng nagtataka.

"Ano 'yan?" Takang tanong niya.

"Bayad mo." Maikling sabi ko.

Narinig ko na naman ang hagikgikan nila.

"What?! Magbabayad pa ako?!" Inis na tanong niya.

Tinanguan ko naman siya. "Ofcourse. Wala ng libre sa panahon ngayon kaya akin na 100 ko." Sabi ko sa kanya at nakalahad pa rin.

Inis naman siyang dumukot ng pera sa bulsa niya at ibinigay sakin.

Tawanan pa rin ang maririnig sa likuran namin.

"Teka nga, bakit ka pala sumigaw kanina Jessie?" Bellamy asked.

Kaya si Mary at Paulo ay nakatingin na rin sa kanya.

Tumingin naman sakin si Jessie kaya pinandilatan ko siya ng mata.

Subukan mong sabihin malalagot ka talaga sakin..

Nakita ko yung mala-demonyo niyang ngiti.

Tang'na dapat talaga hindi ko na sinabi sa kanya eh! Kahit kailan talaga ang daldal.

"Guess what.." Pabiting sabi niya.

"What?" Paulo asked.

Nakatingin pa rin ako sa kanya ng masama.

"Hannah's getting married!!!" Sigaw niya na naman.

Ito na nga bang sinasabi ko eh. Kahit kailan apaka Marites.

Nanlalaking mata naman akong tinignan nung tatlo na wari mo'y kinukumpirma nila yung sinabi ni Jessie.

Napa-face palm na lang ako saka tumango.

"Really?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Mary.

"Hala grabe! Ang tahimik mo lang tapos ikakasal ka na pala." Sabi ni Bellamy na inirapan ko lang.

The Mafia Lord Is Obsessed With The Famous Ballerina (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon