Patuloy na tumatama ang patak ng ulan sa bintana na sinasandalan ko ng aking ulo. Sa bawat pagpatak ng mga luha mula sa kalangitan ay gano'n din ang pagdaloy ng mga ito pababa ng bintana. Kailan pa ba titigil ang lintik na ulan na 'to, kanina pa 'to eh. Ang lamig. Naka-dress pa lang naman ako, tsk.
"Ma'am Arganza, malapit na tayo sa venue," sabi ng driver ko.
Agad umarko ang aking mga mata sa rear-view mirror sa harap. Kita kong nakatingin ang driver sa akin habang bahagyang nakangisi.
Nginisian ko rin siya, "sige po. Salamat sa pag-remind sa 'kin, Kuya Rich."
"Walang anuman, Ma'am Arganza."
Siya si Kuya Rich, ang aking personal driver at bodyguard. Siya ang palagi kong kasama 'pag lumalabas at kung may pupuntahan ako. Dahil isa akong sikat na manunulat, marami akong fans... at marami ring haters. Iyan talaga ang pros at cons kapag sikat ka sa kung anumang bagay. May susuporta at may kokontra talaga.
Pagkatapos kong sagutin si Kuya Rich ay ibinaling ko ang tingin sa aking kamay. Huminga ako ng malalim nang basahin ko ulit ang laman ng hawak kong imbitasyon.
Napalunok ako at agad itong tinago sa loob ng aking pitaka, at kinuha ang maliit kong salamin sa loob. Tumingin ako rito at inayos ang sarili. Ayoko namang magmukhang dinaanan ng bagyo ang aking mukha sa kasal niya. Pagkatapos ay binalik ko ang salamin sa loob ng pitaka at sumandal ulit sa bintana.
Nakalipas ang ilang sandali ay unti-unting tumigil ang pagpatak ng ulan. Napatingin ako sa kalangitan at nakita na magkahalo ang mga mapupusyaw na kulay asul, kahel, at rosas. Isang bagay na nagpapangiti sa 'kin ay ang kagandahan ng kalangitan dis oras ng hapon, lalo na ngayon. Kaligayahan ang nararamdaman ko ngayon.
Pero...
Hindi dapat, eh.
Dahil ikakasal ang lalaking ninanais kong pakasalan ako sa ibang babae. Ikakasal ang lalaking buong puso't isipan ko'y siya lang ang laman. Ikakasal ang lalaking halos buong buhay kong kakilala. Ikakasal na ang lalaking plano kong makasama habang buhay...
Nawawala ako sa isipan ko.
Dahan-dahan, huminto ang sasakyan hanggang sa tumigil ito. May tumawag sa akin na boses, pero ba't ang layo ng kanyang boses. Paulit-ulit ito hanggang sa bumalik ako sa realidad. Tumingin ako sa harap ng sasakyan.
"Ma'am Arganza, nandito na tayo," banggit ni Kuya Rich, nakatingin siya sa akin sa rear-view mirror. "May problema ba, Ma'am Arganza?" Tanong niya, halatang nag-aalala siya, sa boses niya pa lang. Agad akong umupo ng maayoa dahil sa kahihiyan. Tsk, napahintay ko pa siya.
Tinapik ko ang noo at umiling. "W-Wala po, Kuya," sabi ko. "N-Nawala lang po sa isipan... pasensya't napahintay po kita," paliwanag ko.
"Walang problema, Ma'am Arganza." Nakangisi niyang sabi at agad naman itong nawala. "Pero ba't kayo umiiyak?"
Nanlaki ang aking mga mata at agad kong kinuha ang salamin sa loob ng aking pitaka, 'saka tinignan ang mukha. Agad bumungad ang isang luha sa salamin mula sa aking mukha. Dahan-dahan itong dumadaloy pababa sa aking pisngi. Pinunasan ko agad ito. Ayan, kung anu-ano kasi ang iniisip.
"W-Wala po ito, Kuya..." paliwanag ko at lumunok ng mabilis, tsaka tumikhim.
Tumango lamang siya at bumaba ng sasakyan.
Bumuntong hininga ako at inayos ulit ang sarili. Ilang minuto 'ata akong nakatingin sa salamin. Nakokonsyos ako sa sarili ko! Tinignan ko nga rin 'yong ngipin ko, baka may natitira pang Carbonara na kinain ko kanina. Buti at wala. Sinisigurado ko talaga na maayos ang hitsura ko. Nang handa na ako't kontento na sa aking hitsura, nagtungo na ako sa kabilang pinto ng sasakyan at binuksan kaagad ito ni Kuya Rich. Inalok niyabang kanyang kamay para tulungan akong makababa.
BINABASA MO ANG
Their Wedding
Storie d'amore[Upcoming] Successful author, Yuri Haze Aganza had a blast from the past when she received a wedding invitation. Not just from anyone's wedding, but her former lover's wedding-- Spencer Lee Augustus, who is also a successful author. She debated with...