Chapter 1

125 1 0
                                    

Simula pa nung pinanganak ako, nakatira na ako sa isang bahay ampunan. Maramming bata doon yung mga inabanduna na ng magulang nila.. At isa ako dun. 

"You must be Camille.." sabi nung isang babae na lumapit sakin. "Sinabi na ba sayo ni Father? Simula ngayon, magiging pamilya na tayo. Sobrang natutuwa akong makilala ka. Ako nga pala si Lisa Mendez.. pwede mo rin akong tawagin na Mama Lisa."

Aaminin ko.. napakaganda niya at sobrang elegante. Laking gulat ko nalang nga nung sinabi niya saking aampunin niya ako kahit 8 years old na yung edad ko. Hindi na kasi patok sa mga magulang na walang anak yung magampon ng medyo may edad na na bata. Ng dalhin na niya ako sa bagong bahay na tutuluyan ko, nakita ko na simple lang ito. Hindi ganun kalakihan, hindi rin naman ito ganun kaliitan. Tama lang talaga. May second floor din.

"Tara.. pumasok na tayo sa loob.. ipapakilala kita sa mga magiging kapatid mo."

Nang makapasok na kami.. nagulat ako ng makita kong may sumalubong samin na tatlong batang lalake na ka-edad ko rin siguro. Nakaupo sila sa sofa at mukhang inaantay yung pagdating namin. Mukha silang mga prinsipe.. 

"Boys.. gusto kong ipakilala si Camille sa inyo. Siya yung bago niyong kapatid." Tumingin sakin si mama Lisa. "Camille, sila yung mga magiging kapatid mo. Si Jake, Carlo at yung bunso sa kanila, si Sam."

Sabay sabay silang tumingin sakin. Kaso, kakaiba yung tingin nila. Nakakatakot..

"Ah. Siya ba yung galing sa ampunan?" Sagot ni Jake.. ang panganay sa kanilang tatlo. "Bakit ang payatot naman niyan?"

"Oo nga ma.." Asar naman sakin ni Carlo.. pangalawa sa magkakapatid. "Tsaka tignan mo siyang manginig sa sobrang kaba, Mukha siyang aso. Hahahaha."

Napailing si Sam. "Bakit hindi pumili si mama ng maganda? Wala talaga siyang taste. Gusto ko ng pretty girl."

"Mukha siyang ewan. Ayoko pa man din ng aanga-anga na babae." Dagdag pa ni Jake. "Mas bagay pa kung maging katulong ka nalang namin."

"Oo nga. Tama"

"I agree."

At dyan nagsimula ang ma-telenobela kong buhay. Lumipas na ang maraming taon.. at eto ako ngayon.. highschool na ako. Marami nang nangyari sa buhay ko. Nakasanayan ko na rin yung manirahan kasama ng tatlo ko pang mga kapatid. Si Kuya Jake, nasa first year college na. Habang si Kuya Carlo naman, graduating na ngayong taon at imposibleng hindi siya pumasa dahil sobrang talino niya. Siya ata yung mapipiling valedictorian ng school eh. Sikat nga siya sa buong school kasi matalino na, gwapo pa [sabi nila]. Habang ako.. third year highschool naman. Pareho lang kami ng level ni Sam since kaming dalawa yung magka-edad. Kaso hindi siya ganun ka-active sa school kasi lagi siyang busy sa trabaho niya. Isa kasi siyang famous model sa mga sikat na magazine. Patok din siya sa mga t.v. commercials. Pero kahit nasa iisa lang kami na bahay, walang nakakaalam nun. Kahit pa yung bestfriend ko na si Melan.

Habang nasa loob ako ng classroom namin..

".. kapag nakuha niyo na yung solution.. imumultiply niyo yung nakuha niyong factor sa x.. at ganun din sa value ng y.. then check.."

Hayyy.. pag math talaga nakakaboring. Yung mga classmate ko nga sa likod ko natutulog na eh..

*vibrate* *vibrate*

Nagulat ako nung naramdaman ko yung phone ko na nag-vibrate. Patago ko namang tinignan kung sino yung nagtext sakin.

[From Sam: magkita tayo sa greenhouse. NGAYON NA!"]

At syempre.. wala naman akong magawa kundi sumunod nalang din. Mukhang may importante siyang sasabihin sakin.

"Ah.. s-sir!" Nagtaas ako ng kamay. "Excuse lang po.. pwede po mag-CR? Sumasakit po kasi yung-t-tiyan ko."

It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon