Camille's POV:
Nako.. pano na toh? Anong gagawin ko? Nakikipagaway ngayon si kuya Jake? Siguro kailangan ko ng umalis dito. Isipin ko nalang hindi ko nakita. Pero di ko naman siya pwedeng iwanan nalang ng basta basta.
"Bwisit ka! Mamatay ka na!!" sigaw nung isang kaaway ni kuya Jake na patakbong papaluin siya sa ulo ng bote.
"Kuya Jake!! Sa likod mo!!"
Narinig naman yun ni kuya at agad naman siyang nakalingon sa kasuntukan niya. Pero imbis na mapalo siya sa ulo, sinuntok niya ng malakas yung bote kaya naiwasan niya na magkasugat sa ulo. Pero tuloy tuloy naman na nagdudugo na yung kamay niya. Lahat kami nawindang sa ginawa niya. Mas lalo na ako.
"Hindi niyo ako matalo kaya gumagamit na kayo ng pandaraya?!" Sabi ni kuya habang pinupunasan niya yung mga dugo niya sa mukha. "Mga talunan talaga kayo. Sige, sugod pa! Kung hindi kayo lumapit sakin, ako lalapit sa inyo! Humanda kayo sakin, mga ungas kayo!"
Sobra na akong natatakot sa kung anong pwedeng mangyari kay kuya. Masyado na rin ako natatakot para sa mga kasuntukan niya. Kilala ko si kuya, walang makakapigil sa kanya mas lalo na pag-galit na galit na siya. Wala na siyang kinikilala.
"P-PULIS!! DITO! DITO! MAY NAG-AAWAY!" Agad ko namang sinigaw. Hindi ko na kasi alam kung ano pwede kong gawin para mahinto na sila kaya nagsinungaling na lang ako. "BILIS! TULONG!"
Mukha namang natakot na rin sila kaya unti-unti na silang huminto. "Masama na toh. Kailangan na nating umalis." Sabay takbo na silang lahat na iniwan si kuya Jake mag-isa.
Jake's POV:
"Mga walang kwenta.." Napahinga nalang ako ng malalim ng makita ko silang nagkakandarapang tumakbo na paalis sa takot na mahuli ng mga pulis. Pero san naman kaya nanggaling yung pamilyar na boses na yun na sumigaw bigla?
Nung tumingin ako sa may poste, nakita ko na may nakasilip na babae. Nakilala ko agad kung sino yun. Sabi ko na nga ba eh. Kilala ko yung boses na yun. Sino pa nga ba?
"Oyy!" Tawag ko kay Camille. "Anong sinisilip-silip mo dyan?"
Lumabas na siya sa pinagtataguan niya. "Hindi kaya ako sumisilip. Sino namang tao yung gustong silipan ka." sagot naman niya na mukhang may pagka-alala. "atsaka ako kaya yung tumulong... Ayyy!! Kuya Jake. Nagdudugo ka!"
Agad naman siyang lumapit sakin at inalalayan yung kamay kong nagdudugo. "Patay. Anong gagawin natin?! Hindi humihinto sa pagdurugo yung sugat mo. Pumunta tayo ngayon ng ospital!"
Hinila ko yung kamay ko sa kanya. "Tumigil ka nga. Scratch lang yan. Hindi ko na kailangan pumunta ng ospital."
"P-Pero yung kamay mo.."
Imbis na nakipagtalo pa sakin si Camille, hinila nalang niya ako pabalik sa bahay. Agad naman niyang kinuha yung first aid kit at mabilis na ginamot yung mga sugat ko. Dahan dahan niyang pinapahiran ng mga kung ano anong gamot yung mga sugat ko sa mukha at sa braso. Halata sa mukha niya talaga yung pag-aalala.
"Sabihin mo sakin kung masakit ah. Magiging okay na yan siguro kapag na-disinfect ko na tapos ibabandage natin."
Hindi ko maiwasan na titigan siya. Lumalabas sa utak ko lahat ng mga ginagawa ko sa kanya noon hanggang ngayon. Kahit ilang beses ko siyang minamaltrato, bakit kaya ganito parin siya kabait sakin? Hindi lang sakin, pati na rin kay Carlo at Sam. Bakit ba ganyan siya?
"Ayan.. tapos na. Ano sa tingin mo? Okay, di ba?" Masaya niyang pinakita sakin yung ginawa niya. Pero nung tinignan ko ung kamay ko, para akong naka-boxing gloves. Sobrang kapal ng bondage.
BINABASA MO ANG
It's Love
FanfictionStoryline: Ulila si Camille sa isang orphanage ng di inaasahang inampon siya ng isang babae na may tatlong anak na lalake. Si Jake, Carlo at Sam. Dahil sa sabik niya na magkaroon ng pamilya.. agad naman siyang pumayag na magpaampon sa pamilya nila...