Camille's POV:
"G-Group date?!" Pagulat kong tanong sa kanya. "Isasali mo ako sa group date??"
Tinapik ako ni Melan sa balikat habang nakangiti. "Oo naman noh. Magandang opportunity kaya ito kaya dapat kang sumama. Isa pa, baka pagsisihan mo kung hindi ka sumama.. marami tayong makikilala na sobrang mga gwapo na college students." Excited niyang kinuwento sakin. "At.. malay mo.. makahanap ka ng boyfriend dito."
Boyfriend, huh.. kahit kailan di pa pumasok sa utak ko yun ah. Tsaka kahit popular sa school namin yung makipag-group date, kahit isang beses hindi ko pa nasusubukan sumama sa ganun. Si Melan, bihasa na dun kaya kung makaasta siya, normal na normal na lang. Siguro naman hindi masama na sumama kahit paminsan minsan lang.
"Oo nga pala, dun ka na sa bahay ko magayos ah. Magdala ka ng damit. Something that will make you so pretty! Ako na rin bahala sa make-up mo at sigurado.. gaganda ka!"
Medyo nababahala ako sa mangyayari. Syempre dahil first time ko, medyo kinakabahan ako. At the same time, nae-excite din ako sa kung ano mangyayari. Sana maging okay lahat.
"Oy.. Melan!" Pareho kaming napatingin sa tumawag sa kanya. "Pahiram naman ako ng notebook mo! Nakalimutan ko isulat yung notes natin sa math."
"Panira ka naman eh. Sige.. susunod nalang ako sayo!" Tumayo si Melan at naglakad palayo sakin. "Mauna ka na sa classroom, Camille.. iaabot ko lang itong notebook sa kanya."
Ngumiti ako at kumaway sa kanya. "Sige."
Dumeretso na akong bumalik sa classroom na iniisip pa din yung tungkol sa group date. Sa totoo lang.. medyo naiinggit ako sa characteristic ni Melan. Napakadali niya kasing samahan at sobrang mapala-kaibigan. Kaya hindi imposible na walang magkakagusto sa kanya. Sana ganun din ako kagaya niya. May confidence sa sarili.
Sam's POV:
Tsk. Kanina pa ako nagaantay dito sa corridor. Sa pagkakaalam ko, dito siya palagi dumadaan since dito papunta yung classroom niya. Pero bakit ang tagal niya? Hindi pa ba nila break time?
"Hayy.. Kung meron lang akong ganun.. hindi ako siguro mahihirapan sa saturday."
Tumingin ako sa kaliwa ng marinig ko yung pamilyar na boses na yun. Si Camille nga yun. Sinundan ko siya sa paglalakad. "At ano naman meron sa saturday?"
Nakita kong nagulat siya sa sakin. Mukha ba akong multo para matakot siya sakin? "Bakit mukhang gulat na gulat ka? You look so suspicious."
"A-Anong sinasabi mo dyan? Eh ikaw nga itong biglang sumusulpot kung saan saan eh. Tsaka isa pa, diba nagusap na tayo na walang pansinan dito sa school?" Sagot niya sakin na parang may halong pagka-kaba pa. "At yung sa saturday? Wala yun.. gagala lang kami ng kaibigan ko sa mall."
As if naman na maniwala ako sa sinasabi niya. Hindi ko pa nga siya nakitang lumabas ng bahay para gumala eh.
"Oh.. kunin mo na!" Inabot ko sa kanya yung bag na binigay niya sakin kaninang umaga.
"T-Teka.. nilagay ko diyan yung pagkain mo para sa lunch, diba? Tsaka magta-time na. Hindi mo ba kakainin yan? Gumising pa naman ako ng maaga para gawin yan."
Nagulat ako nung biglang lumungkot yung mukha niya. "B-Bakit ko pa kailangan antayin yung lunch time para mag-lunch?!" Pasigaw kong sinagot sa kanya. "Kinain ko na yan kanina pa nung second period pa lang. Tsaka kailangan ko ng umalis dahil may shooting pa ako. Hindi ko naman siguro kailangan dalhin yan, diba?!"
Napalitan naman agad yung mukha niya ng ngiti. Ngiti na sa tuwing nakikita ko.. parang kakaiba yung pakiramdam ko. Hindi ko alam kung naiinis ako na parang ewan.
BINABASA MO ANG
It's Love
FanfictionStoryline: Ulila si Camille sa isang orphanage ng di inaasahang inampon siya ng isang babae na may tatlong anak na lalake. Si Jake, Carlo at Sam. Dahil sa sabik niya na magkaroon ng pamilya.. agad naman siyang pumayag na magpaampon sa pamilya nila...