[Sequel] His P.O.V.

2.6K 115 17
                                    

I found a love story...

But also let it go...

That month of December.

Hindi naman ako dapat  susuko e.

Nagparaya na lang ako.

--

“Good Morning Ma’am! Merry Christmas!” bati ng mga kasama ko sa adviser namin last year.

After 9 months, ngayon lang ulit ako nakabisita rito sa school mula nung graduation namin nung March. Masyado kasing busy sa buhay-kolehiyo. Pinakuha ko lang yung Form 137 ko nung July kaya di rin ako nakabisita. Binalak talaga naming bumawi ngayong Christmas Vacation para mag-reunion at mangaroling kahit college na kaming lahat. Sakto, Christmas Party na ng mga high school dito.

“O, future engineer kong espren, kamusta naman? May girlfriend ka na noh?” tanong ng bestfriend kong si Julianne na umupo sa tabi ko rito sa garden.

“Wala ah. Baka ikaw.”

“Haller! Kulang na nga lang tawaging girls’ school yung school namin e. Bihira lang naman magkaroon ng mga lalakeng education ang course. Buti pa nung high school kahit san ako lumingon may gwapo.” Reklamo nya.

“Oo nga pala. E parang ganun din naman sa’min, wala ring masyadong babae.”

“Ang sabihin mo, di ka pa nakakamove-on.” Asar nya.

“Baka ikaw ang hindi, di ko nga maaalala kung di mo sinabi eh.”

--

Last year, naglakas-loob akong ligawan ang isang babaeng matagal ko nang gusto. Kim ang pangalan nya. Naaalala  ko pa lahat ng effort na ginawa ko simula nung December.

Suot pa kaya nya yung singsing na ibinigay ko? Siguradong hindi na. Tinago ko na rin yung akin.

Nasa kanya pa rin kaya yung marriage contract namin nung nagpakasal kami sa wedding booth? Baka tinapon na nya.

Naka-save pa kaya sa phonebook nya ang number ko? Baka binura nya na at baka nagpalit na rin sya ng number. Nawala na rin naman yung sim kong yun e. Nalaglag yata nung naki-insert sim si Julianne nung Christmas party.

Nasa kanya pa kaya yung flowers? Ay sigurado nalanta na yun.

Kinain nya kaya yung chocolates? Hindi siguro. Nagalit nga sya sa’kin diba. At sinabi pa nyang tigilan ko na sya at hindi nya ko gusto.

Pero kahit ilang dedma at inis pa ang binato nya sa’kin, at kahit sinabi pa nyang hindi nya ko gusto, hindi ko naman binalak na sumuko sa kanya eh. Hindi ako kailanman sumuko kahit pinagtabuyan pa nya ko.

“Uy, binusted ka raw ni Kim?” tanong ni Steven, kaklase ko, kinabukasan matapos sabihin ni Kim na wala syang gusto sa’kin.

“Hmm. Parang ganun na nga siguro....”

“Edi baka ma-busted din pala ako kung ako naman manliligaw sa kanya? Sayang naman.” Malungkot nyang sabi.

“Uy, sorry a, may gusto rin talaga ako kay Kim eh.” Dagdag pa nya.

Papasok na sana sya sa room nung tinawag ko sya.

“Steven. Bakit di mo subukan? Malay mo, baka di naman tayo magiging magkapareho ng kapalaran sa kanya.”

Ngumiti sya.

“Kunsabagay. Sige.” Pumasok na sya sa loob.

Ipapaalam ko pa naman sana kay Kim na hindi pa ko sumusuko. Na itutuloy ko pa rin hanggang magustuhan nya ‘ko.

That month of DECEMBER (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon