Kumusta?
Maiksing salita nang pagbati lamang ito kung uusisain, ngunit sa pakiramdam ay para ka na rin nakatanggap ng isang regalo sa hindi mo inaasahang panahon. Simple man ang pagbigay-pansin na ito pero ang payak na uri ng mga pagbati kagaya nito ay labis na nagpapahayag ng pusong-tapat na pag-alala sa kapwa.
Ika nga sa sabi ng mga matatanda, "masamang tumanggi sa grasya," sa halip ay magpasalamat sapagkat ikaw ay naalala. Dahil sa bawat may bukas-palad na nagbibigay raw, ang hangarin ay maghatid nang sigla at ngiti sa nanabik na tatanggap. Ang mga may taos-pusong tumatanggap naman ay simbolo ng paggalang sa naglaan ng oras para sa kanila. Kahit limitado nga naman daw ang pagbabahagi, pareho rin naman na mayroong halaga.
Subalit sa lalim ng sugat sa puso mo ngayon, ikaw ay nasasaktan at nahihirapan na maunawaan ang tunay mong halaga. Paano nga ba ang tamang pagtanggap, kung ang binigay na sorpresang regalo para sa'yo ay isang mapait na pagbati na: "Paalam!"
***
Napapangiti ka na lang sa tuwing binibiro ka ng mga taong malapit sa buhay mo tungkol sa pagkakaroon mo nang di-pangkaraniwang pamamaraan sa pananalita. Ang tawag sa kondisyon na ito ay lateral lisp. Dumidikit ang dulo ng dila sa pagitan ng itaas na bahagi ng iyong ngalangala at likod ng mga ngipin sa harap. Sa tuwing bibigkasin mo ang mga salitang may letrang "S," ito ay nagiging, "z at th," sa pandinig ng iba. Namulat ka na ito ay normal lamang at kailanman ay hindi naging kabawasan sa iyong pagkatao. Bagkus nakadagdag pa nga ito sa iyong malakas na karisma. Sa pusturang tipikal na Pilipino sa modernong panahon na iyong itsura at dating ay mas lalong dumami ang iyong mga taga-hanga at bilang ng mga nahuhumaling. Naks! Angas!
Alas nuebe ng gabi.
Pansin ang katahimikan sa inyong munti at payak na tahanan, maging sa buong kapaligiran na rin. Malayo sa ingay na nakasanayan ng buhay mo kumpara noong wala pang malawakang lockdown sa bansa na dulot ng pandemya. Nasa loob na ng sariling silid nito ang iyong nanay kaya't pakuwari mo ay ito ay natutulog na. Nagsisimula nang pumupungay ang iyong mga mata sa antok sapagkat ikaw ay napagod sa pakikipagbuno sa iyong sangkaterbang labahan mula sa inyong palikuran.
Tumungo ka sa inyong sala na tanging pakundapkundap na ilaw na nag-iiba ang kulay na naglalabas ng mabangong amoy-yerma buwenang- usok galing sa pabilog na difuser. Ito lang naman ang nagsisilbing liwanag sa bahagyang bahagi ng iyong paligid. Humilata ka sa mahabang sofa sa gilid ng inyong pinapasukang pintuan upang magpahinga sandali.
Hawak ang iyong cellphone, binuksan mo ito at pinindot ang AbotTropa application logo sa screen. Isang sikat na social media platform sa makabagong teknolohiya na paraan sa pagkunekta ng bawat tao sa mundo ng internet. Walang paligoy-ligoy ay tumungo ka sa profile account ng ex mo na si Alexis Sinag.
Klik- Skrol- Klik.
Mapapansin na may mga ilang pagbabago sa account nito. Kahit nakakailang ulit mo nang sinisilip at binibisita ito. Tila masaya at mukhang nakamoved-on na sa inyong nakalipas na relasyon.
Mababakas mo na lalong lumakas ang dating at awra ng ex mong ito, base sa pamantayan mo ukol sa pisikal na anyo ng pinapangarap mong tao na iyong mamahalin. Ang magiliw na ngiti nito na syang nagpahumaling sayo at ang mga mapupungay na mata na tila nangungusap at nagsasabing, "sayo lang titingin at wala ng iba." Mas lalong nagpataas ng iyong libido nung bumagay sa mukha nito ang bagong istilo ng buhok nito. Nagpakulay ng tanso na abuhin na s'yang nagpatingkad sa kutis nitong balat-burgis.
Yayamanin, de-aircon! Nakakaluwag-luwag. Angat! Humabol ka kaya?
Mauulit muli ang lungkot na iyong nararamdaman.Klik- Klik- Zoom-in.
BINABASA MO ANG
Timang, Timbang, Timpi
General Fiction" Para makamove-on ka, maghanap ka na nang iba. Palitan mo na 'yang Ex mo. Basic! " Oh loko. Kadugyutan di ba? Hindi mo kinaya! Ganyan ang maririnig mo na effective daw na paraan para madaling makalimot sa naging masalimuot mong lovelife. Madaling s...