" Para makamove-on ka, maghanap ka na nang iba. Palitan mo na 'yang Ex mo. Basic! " Oh loko. Kadugyutan di ba? Hindi mo kinaya! Ganyan ang maririnig mo na effective daw na paraan para madaling makalimot sa naging masalimuot mong lovelife. Madaling sabihin, pero sa totoo lang hindi ito madali. Lalo na kapag bitbit mo pa rin ang bigat, kirot, at pagdurusa diyan sa puso mo. Sagad from head to toe; split ends to dirty ingrown! Alam mo ba na may mga ilang bagay na dapat malaman para mapabilis ang proseso nang iyong paghilom at paglaya, para maging mas higit na matalino, magaling, at mabuti ka pang tao? Deserved mong palakasin muli ang iyong nawasak na puso, nang walang halong shot puno! Nakakainis at nakakapagod kaya maging broken hearted lalo na kung patatagalin mo pa ang ganitong klaseng amats. Tapos nakinig ka pa at gagawin ang mga maling diskarte. Ganda nang tinira mo! Magkano yan? Mas palalalain mo lamang ang sitwasyon at ang iyong nararamdaman, at paniguradong magpapatuloy ka sa ganitong klase ng paghihirap sa loob nang mahabang panahon. Ekis yan. Tantanan mo yan! Oy ha, hindi lang ito basta masakit, magdudulot pa ito ng matinding lungkot. Sasabayan pa ng pag-iisip ng mga imposibleng bagay, na magtuturo sa'yo na mawalan ng pag-asa... tapos mapapasandal ka na lang sa pader talaga, eksenang manghihina pababa. Achieve ang walling. Winner! Kaya naman kung ikaw ay committed o nakikisabit lang sa isang relasyon, maging noon o hanggang ngayon, sa loob man 'yan nang ilang buwan, taon at dekada, alam mo na ang pinakamahirap at masakit na mangyari ay ang pakikipaghiwalay. May mga bagay na maaaring dapat mong gawin upang mapabilis ang pag-aayos dyan sa nawasak mong puso at para mabawasan na din ang kirot nito. Hindi ito madali at hindi rin ito minamadali. Wala ka sa karera oi. Walang scoring ang life. Huwag kang nakikipagtagisan dyan. Magbasa ka!