Rinig ko ang ingay ng mga tao sa paligid pero hindi ko maunawaan kung ano ang sinasabi nila. May malay na ako pero nanatili pa ring nakapikit ang mga mata ko. Nang sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko para mas magising ang aking diwa ay may narinig akong singhapan.
"Vida!" pamilyar sa akin ang boses na iyon. Boses ni Shanelle.
Ginalaw kong muli ang daliri ko. "Tito, si Vidalia!"
May biglang humawak sa kaliwang kamay ko. Mainit ang palad niya pero nanginginig. "Anak . . .Vidalia? Naririnig mo ba ako? Gising na, anak."
Tama ba ang naririnig ko? Si Papa 'yon? Rinig ko rin ang mahinang paghikbi niya. Bakit siya umiiyak? Natutulog lang naman ako. Ano bang nangyayari?
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Puting kisame ang sumalubong sa akin bago ako napatingin kay Papa na nakayuko habang hawak ang kamay ko at humihikbi. Dahan-dahan kong itinaas ang kanang kamay ko at hinaplos ang buhok ni Papa.
Agad siyang nag-angat ng tingin. Bakas ang gulat at tuwa sa mukha niya. "Vidalia!" masayang sigaw niya bago niya ako niyakap nang mahigpit.
Ano bang nangyayari?
Niyakap ko na lang si Papa pabalik at napatingin ako sa kamay kong may dextrose. Nasa ospital ako? Napatingin ako sa gilid at nakita ko roon ang mga kaibigan kong umiiyak sa tuwa.
Bigla ay para akong binuhusan ng napakalamig na tubig nang maalala ko ang nangyari kagabi. Muntik na akong mamatay! Akala ko nga mamamatay na ako sa lakas ng pagkakabangga sa akin, pero . . . Teka, bakit wala akong sakit na maramdaman? Bakit parang okay naman ako?
"Buti na lang at nagising ka na anak. Anim na araw ka nang hindi nagkakamalay," malumanay na saad ni Papa no'ng humiwalay siya sa akin.
Anim na araw?
Gulat akong napatingin kay Papa. "Ano'ng date na po ngayon?" paos kong tanong.
"September 12 na, anak," sagot niya. Napaawang ang labi ko. Papaanong wala akong malay ng anim na araw? Eh, September 12 pa lang ngayon at kahapon ay 11?
"Saglit lang tatawagin ko lang si Doc," pagpapaalam ni Papa bago siya umalis.
"Vida . . ." napatigil ako sa pag-iisip nang bigla akong tinawag ni Shanelle. Napatingin ako sa kan'ya bago kina Neri at Haddie.
"Sorry, Vida. Sorry hindi ka namin naligtas noong sinaktan ka ni Milo. Sorry, Vida." Hinawakan ni Shanelle ang kamay ko. Malamig ito at nanginginig.
"Sorry kasi naabutan ka na lang naming walang malay sa comfort room . . . Akala talaga namin hindi ka na mabubuhay pa." Bakas ang takot at matinding guilt sa boses ni Haddie.
Bahagyang napakunot ang noo ko. Bakit parang may mali?"Sorry talaga, Vida. Pangako namin hindi ka na namin iiwan," dagdag pa ni Neri.
Teka . . . Ako? Nawalan ng malay? Sa pananakit ni Milo? Pero nakatakas ako! Paanong? Ano 'to?
"A-Anong nangyari?" hindi ko mapigilang tanong.
"Naaalala mo ba no'ng nag-jamming tayo sa room no'ng Monday kasi vacant natin?" tanong ni Shanelle. Agad akong tumango.
BINABASA MO ANG
A Week Before The Plan
SpiritualVida wants to end her fucked up life that night. But a strange girl suddenly pop up from nowhere. They had a bet and that strange girl won. So she asked Vida to come and travel with her and Vida agreed. Will that travel can change Vida's mindset on...