Trigger Warning: Harassment, physical abuse, strong language, and attempted suicide. Please read at your own risk.
Halos gumuho ang second floor ng science building sa lakas ng pagkanta ng mga kaklase kong parang ngayon lang nakalaya mula sa kanilang kulungan. Vacant kasi namin ngayong hapon kaya heto at nag-ja-jamming na naman kami.
Ako at si Neri ang nag-gi-gitara habang sina Mark at Joey naman ang nag-b-beatbox. Leader naman sa pagkanta sina Shanelle at Haddie.
Nagkakatuwaan ang lahat. Bakas sa mukha ng bawat isa na dinarama nila ang kanta, tagos sa puso kumbaga. Ang iba ay nakapikit pa habang ang iba naman ay pasigaw na kung umawit dahil bumabakat na ang kanilang mga ugat sa leeg at noo. Nagkakatinginan kami ni Neri at sabay na humahagikhik habang abala ang aming mga daliri sa paglilipat ng puwesto nito sa mga strings at fret para sa bawat chords ng linya ng kanta at ang isa naman ay sa pag-strum ng mga strings.Ewan ko lang kung bakit ‘Buloy’ ng Parokya ni Edgar ang naisipan nilang kantahin. Masaya naman itong kantahin pero kung iisipin mo ng maigi ang bawat linya ng kanta, may dala itong kirot sa puso dahil ito ay tungkol kay Buloy na maasahang kaibigan sa mga panahong ang bawat oras at segundo ay mahirap tahakin sa sobrang dilim, pero isang araw nalaman na lang ng mga kaibigan niyang siya pa mismo ang naunang tumapos sa sarili niyang buhay. Si Buloy na akala ng lahat ay marunong magdala ng problema.
“10 STE!”
Napahinto kaming lahat nang marinig ang malakas na sigaw mula sa pintuan. Sabay-sabay kaming napalingon doon.
“Kanina pa kayo, ha! Nag-di-discuss ako sa baba pero halos ’yang ingay ninyo ang naririnig ng mga estudyante ko! Do you really think it’s music? No! You’re just making a noise pollution! Nasaan ang teacher niyo? Wala ba siyang iniwang seatwork niyo?!” nanggagalaiting sigaw ni Mrs. Dela Cruz. Namumula na ang mukha nito at nakataas ang isa niyang drawing na kilay.
Lahat ay nakayuko, ang iba ay nagpipigil ng tawa at ang iba naman ay seryoso lang. Ang kaninang maingay na classroom ngayon ay nagmistulang library sa katahimikan.
“Ms. Pidelia,” tawag ni Ma’am sa class president namin nang wala talagang nangahas na sumagot.
Humugot nang malalim na hininga si Zianne, saka niya ito mabilis na pinakawalan bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na tumayo para masagot ang galit na guro sa harapan. Nilagay niya sa likod niya ang kan’yang nanginginig na mga kamay.
“Vacant po namin ngayon, Ma’am.”
Malakas na napasinghap si Mrs. Dela Cruz. “Kaya naman pala,” usal niya sabay tingin sa suot niyang gintong relo. “All of you, go to the faculty room. Maglinis kayo roon. Subukan ninyong tumakas, hindi lang ’yan ang ipagagawa ko sa susunod.”
Sabay-sabay kaming tumango at humingi ng paumahin sa kaniya dahil mababait pa naman kami bago lumabas sa aming classroom.
“Pucha! Sino ba kasing pasimuno sa jamming-jamming na ’yan?” rinig kong angal ng isa sa mga pa-poging kaklase ko.
Akala mo naman eh hindi siya kasali sa mga pasigaw na kung kumanta kanina. Palibhasa kasi ay siya ang pinakamatangkad sa amin kaya tingin niya sa sarili niya ay kayang-kaya niya kaming lahat. Kaya ko nasabing pa-pogi dahil halos lahat yata ng mga babaeng kaklase namin ay sinubukan niyang ligawan. Hindi pa na-kontento at sinali pa ang mga babae sa ibang section. Wala namang nagkakagusto sa kaniya dahil palagi siyang nanghahamon ng away, mapa-babae man ‘yan o lalaki.
BINABASA MO ANG
A Week Before The Plan
EspiritualVida wants to end her fucked up life that night. But a strange girl suddenly pop up from nowhere. They had a bet and that strange girl won. So she asked Vida to come and travel with her and Vida agreed. Will that travel can change Vida's mindset on...