"The Patient"
Hay!!,, Nightshift na naman ako.. Hi, I'm Elisa. Nurse ako sa *********** Hospital. Well mahirap maging nurse kasi kailangan mong alagaan ang mga pasyente mo na parang pamilya mo na sila...
Lately, Nakakaramdam ako ng mga kakaibang bagay... Well noong una hindi ko naman iyon pinapansin.. Everytime na nasa nightshift ako lagi syang nagpapakita sa akin... Di ko alam pero para siyang nawa-warning sa akin dahil tuwing magpapakita siya ay may namamatay...
I have this patient named Dante, he's 13 years old.. Naconfine siya because he has brain tumor... Mabait siyang bata at mahilig siyang magbiro... sa lahat ng naging pasyente ko siya ang tinuring kong parang nakakabatang kapatid... Ni halos di niya iniisip na may brain cancer siya...
Until one time, nagkwento siya sa akin na parang may mga bagay daw siyang nakikita... kala ko ay nananakot lang siya and he's just starting to tell jokes, pero hindi... sabi ko sa kanya na wag na lang niya pansinin at sumangayon naman siya sa akin....
Isang gabi nagalarm ung kwarto ni Dante, sa sobrang kaba ko ay tinakbo ko ang room niya from nurse station... nakita ko siyang yakap yakap niya ang unan niya habang nanginginig ang buong katawan niya... He's even crying out loud...
"Ate! May mumu!!" sigaw niya sa akin ng makapasok ako sa room niya...
"Kuya Dante, walang mumu dito" sagot ko sa kanya. Hindi ako umalis sa room niya hanggat hindi siya nakakabalik sa pagtulog niya..
Bumalik na ako sa station. Nakaidlip ako sa kahihintay sa iba kong kasamahan... Nagising ako ng around 1:10 ng madaling araw.. Naisipan ko pang silipin si Dante kung komportable na ba sya sa room niya....Nang nakasigurado na ako ay bumalik na ulit ako sa station...
Binabasa ko ang mga patient's files ng magulat ako na nakatayo na pala sa harapan ko si Dante... Hawak niya ang paborito niyang unan at natatakot na nakatingin sa akin....
"Dante? Okay ka lang ba?" Lumapit ako sa kanya at hinaplos haplos ko ang buhok niya... Tuloy tuloy lang siya sa kanyang pag-iyak habang todo iling sa akin...
"Halika ka nga dito.."
"Sige, dito ka na lang matulog.. Okay? Ililipat na lang kita sa room mo mamaya" Alo ko sa kanya..
"May Mumu" bulong niya sa akin..
"Kuya Dante, walang Mumu promise"
"May Mumu"
"Walang multo Dante, maniwala ka kay Ate.."
"Sinungaling si Ate.."
"Wala talagang Mumu, sige na tulog ka na.... Andito lang si Ate.."
"Ako din ate, andito lang si Dante.."
Nagising ako nang makarinig ako ng nagkakagulo sa paligid...
"Elisa! Patient in Room 616! Emergency!!" Tapik sa akin ni Rica habang nagpe-paging si Annie ng mga doktor..
Tumakbo ako papunta sa Room 616 kung saan room iyon ni Dante....Kasabay ko pa ang ibang doktor pero ang naabutan namin ay ang pagtakip ng mga nurse sa katawan ng bata..
"Hindi na kinaya... Kanina pa siya hindi humuhinga..." sabi ng isang doktor..
"Nasaan ang pamilya?"
"Galing yan sa ampunan ehh.. Pinadala dito para ipagamot.."
"Anong oras po?" tanong ng isang Nurse..
" Time of Death, July **, 20**, 1:10am"
Tinignan ko ang relo ko at 3:10 am palang ...
"Oh, Elisa okay ka lang?" tanong ni Rica ng takot na takot akong umupo sa station...
"Rica, kanina kausap ko lang si Dante.." sabi ko sa kanya...
"Imposible yan Elisa... KAnina pa siya patay.."
"Hindi, 1:10 ng madaling araw nasa harapan ko siya at sinasabi niyang may multo.. Dito ko panga siya pinatulog sa station..." sabi ko pa..
"Imposible talaga bessy... kanina pagakyat namin galing Canteen ay magisa ka lang na nandito.. natutulog ka pa nga at hindi ka na namin ginising dahil kanina ka pa nandito sa Hospital..."
"Pero..--"
"Elisa.. umuwi ka muna at magpahinga.. alam kong hindi mo lang tanggap ang mga nangyayari since parang tunay na kapatid na ang turing mo kay Dante.. Okay?" Alo niya, tinapik pa niya ang balikat ko bago kumuha ng board at nagrounds..
Bago ako umalis ay sinilip ko pa ang mga Files na ginagawa ko kagabi,, at tama siya dahil wala ni isang sulat na ginawa ko ang nandoon... Napansin ko pa ang paglipat ng isang pasyente sa Room 616..
Sinubukan kong wag isipin ang nangyari kanina... Nasa station ako napansin kong parang may nakatayo sa harapan ko.. nanglingunin ko ay si Rico pala habang hawak niya ang teddy bear niya.. mas bata ito kay Dante ng dalawang taon at naadmit naman ito dahil sa Leukemia..
"Oh Rico, may problema ba?" tanong ko sa kanya...
"Ate Elisa may multo sa kwarto ko.." natatakot niyang sagot sa akin...
Walang multo Rico... Sige dito ka na lang matulog at sasamahan ka ni Ate.. Okay?"
"Natatakot ako ate ehh..."
"Wala yan... Matulog ka na, andito lang si Ate.."
"Sige po ate, ako din po... andito lang.............
......si Dante..."
BINABASA MO ANG
3RD EYE SERIES (SHORT HORROR STORIES)
HorrorBABALA: Lahat po ng mga karakter at pangyayari sa storya na ito ay pawang kathang isip po lamang.. Totoo po ang lugar pero hindi po talaga naganap ang storya sa lugar na iyon. Ginamit lamang po ng manunulat ang kanyang imahinasyon para gumawa ng pan...