Hi, I'm Maries, 27 years old. Nagtatrabaho ako as financial consultant sa ******** Corporation. Sobrang workaholic kong tao. lagi akong overtime. Minsan parang ako na nga mag lolock ng gate ng building namin eh.
"Maries, di ka pa uuwi?" tanong sakin ni Jonah, isa sa officemate ko.
"Maya maya pa, may meeting kasi bukas ang department need ko matapos report ko"
"Sige una na ako ah" - Jonah
Sa sobrang focus ko di ko na napansin na sobrang dilim na pala sa labas. Tumingin ako sa wall clock at mag 8 na pala ng gabi.
Nagunat ako ng leeg after ko mag save. One more file at makakauwi na ako. Kinuha ko ang tumbler ko at naglakad ako papuntang pantry. Habang naglalakad napapalingon ako sa likod ko. Although madami na daw ang nakaranas ng multo dito wala pa naman akong naeexperience.
Pagdating sa pantry, kumuha ako ng tubig sa dispenser. Sa sobrang ngalay ng kamay ko kakatype natapon ko ung tubig. Nice...
"Tatawag na lang ako sa maintenance mamaya" bumalik na ako sa office ko at umupo. Nagbabasa ako ng files ng marinig kong may naglakad sa harap ng office ko. Agad agad naman akong lumingon...
"Di ka pa uuwi?" tanong ni Greg, pinsan ko na sa ibang Department nagwowork.
"Bastos ka kala ko kung sino" inirapan ko siya at tinuloy ang pagtytype sa PC ko.
"Una na ako ah, kaya mo naman magisa dito di ba?" nag sign language lang ako na parang tinataboy siya.
"Natapos din" ituturn off ko na sana ung aircon ng mapansin kong baha na pala ng tubig sa tapat nito since tumutulo mula sa aircon mismo.
Lumapit ako sa phone at tumawag sa quarter ng maintenance department. Si Kuya Reg at Kuya Ronald lagi ang naka-assign sa building pag gantong oras eh..
Ring...
Ringg...
"Hello?" sabi sa kabilang linya.
"Hello, sino to?" tanong ko sa kausap. Di kasi sila nakikilala sa boses nila.
"Ay Ma'am, si Reg po."
"Ayun! Kuya, pasuyo nga ung aircon ko kasi naglalabas ng tubig. Baha na sa tapat niya. Tapos sa may pantry, natapon ko kasi ung tubig kanina although konti lang naman"
"Ay sige po akyat ako"
So dumaan ang madaming oras. Nagstart na ako mag prep para umuwi wala pa ding taga maintenance ang dumating.
Kinabukasan ganun pa din itsura sa office ko kaya nagsabi ako kay Layla, HR ng company.
"Layla, asan si Kuya Reg? kahapon tumawag ako kasi ung sa aircon ko tumutulo ung tubig kaya nakisuyo ako. Sabi aakyat na daw jusko umuwi na ako at lahat ganun pa din itsura ng office ko. Si Mico pa ang naglinis na naabutan ko" galit na kwento ko sa kanya.
"Ay Miss, naka leave kahapon si Kuya Reg, ung asawa niya kasi nanganak" kinilabutan ako sa sinabi niya.
"Eh si Ronald?" malay ko kung prank lang ung kagabi
"Nautusan po ni Sir Lanz mag delivery ng files sa labas"
Pinacheck ko ung CCTV sa tapat ng maintenance at ugn recording ng phonecall.
Pinareplay ko pa ng ilang beses at dalawa kami ni Layla na nakikinig...
Ring....
Riiinggg.....
"Hello?"
"Hello, sino to?"
"Ay Ma'am, si Reg po"
.........................................
A/N
So ayun. may nagkwento lang sakin nan na nangyari sa company nila. iniba ko ung mga names at posisyon nila sa company baka isumbong niyo ako eh..
(may mga di tayo nakikita na katabi na pala natin)
ChoiRaeAh
BINABASA MO ANG
3RD EYE SERIES (SHORT HORROR STORIES)
رعبBABALA: Lahat po ng mga karakter at pangyayari sa storya na ito ay pawang kathang isip po lamang.. Totoo po ang lugar pero hindi po talaga naganap ang storya sa lugar na iyon. Ginamit lamang po ng manunulat ang kanyang imahinasyon para gumawa ng pan...