Naiwan si Cheska sa kanilang bahay. Ang mga magulang niya ay pumuntang probinsya at ang kapatid naman niyang si Chester ay kasama ng mga barkada nito..
Pinili ni Cheska na magbasabasa muna ng mga magazines sa sala nila... Ka chat niya ang kaibigang si Elis habang nagbabasa siya..
Hinihintay niya ang kapatid dahil wala itongdalang susi ng bahay.. Plano niyang i-lock ang pinto pag dating nito.. Hindi pa kasi ito nagrereply kung uuwi ba ito or hindi..
Nangtamarin ay pumanik siya sa kanyang kwarto at kumuha ng isang libro.. "Philippine Ghost Stories" ang napili niyang basahin.. Bumalik ulit siya sa may sala at doon nagbasa..
Sobrang nagulat siya nang magring ang telepono ng kanilang bahay.. Dali dali naman siyang lumapit doon dahil sa iniisip niyang kapatid niya ang tumatawag..
"Hello po"
"Magandang gabi po, Si Inspector Robert po ito.. Kayo po ba ang pamilya ni Chester Salazar?" tanong nang nasa kabilang linya.
"Opo bakit po? Anong nangyari??" Kabang tanong niya sa kausap.
"Naaksidente po kasi ang kapatid niyo, dito sa may Leonard Wood Road... Dito sa Highway papuntang Teachers Camp.."
Di niya alam kung maniniwala ba sya, pero base sa background ng kausap niya sa phone.. MAririnig mo ang serena ng ambulansya at pagpito.. Mga traffic enforcer ata ang mga yun at ang pagbusina ng iba't ibang sasakyan..
"Ahhmm tatawagan ko po muna ang mga magulang namin.. Pupunta na po kami jan" dalidali niyang sagot at nagdial sa phone niya..
"Cheska, asa daan na kami ng papa mo.. Malapit na kami jan" sagot ng Mama niya na tinawagan niya.
"Ma, si kuya po naaksidente sa Highway ng Leonard Wood.." dali dali niyang sagot rito..
"Ano? sige pupunta na kami doon.." sagot nito..
Sumakay siya sa kanyang kotse pagkatapos niyang i-lock ang mga pinto't bintana at pumunta na sa pinangyarihan ng aksidente..
Traffic na sa lugar kaya minabuti niyang i-park na ang kotse niya sa gasolinahan na malapit at tumakbo papunta sa pinangyarihanng aksidente..
Nakasalubong pa niya ang isang rescue na buhat ang stretcher habang may nakaratay dito.. "Sir, pwede ko po bang makita ang taong yan? Kasama po kasi sa naaksidente ang kuya ko" kinakabahan niyang tanong.. Pinayagan siya ng mga ito.. Nakilala niya ang bangkay ngunit hindi ito ang kanyang kuya...
Lumapit siya sa isa sa mga pulis na may hawak na board habang nagsusulat rito.. "Sir, May tumawag po sa akin.. Inspector Robert po?" tanong niya.. Humarap ito ng maayos sa kanya.. "Ako ho iyon.. Ikaw ba ung kausap ko kanina? Sumunod ka sa akin" sumunod naman siya at napunta sila sa isa pang stretcher.. Inabot nito sa kanya ang mga gamit ng kuya niya..
"Nagkalat ang mga yan sa daan.. I-check mop na lang kung kumpleto pa.." Sabi nito pero hindi doon nakatuon ang kanyang atensyon.. Lumapit siya sa bangkay ng kuya niya at doon siya naabutan ng mga magulang niya..
Naiiyak siyang pinag-aalis sa bag ang mga huling gamit na dala ng kanyang kapatid.. Andoon din ang video Cam na iniregalo niya dito noong nakaraang pasko.. Naiiyak siya sa kanyang mga huling alaala kasama ng kapatid..
Ang kotse nito ay pinaayos ng kanyang Ama.. Naalala niya na ito pala ang regalo ng Papa nila sa kanyang kapatid ng grumaduate ito..
Binuksan niya ang video cam at tinipa ang password nito.. Ang laman doon ay puro kalokohan ng kapatid niya kasama ang barkada nito.. Puro tawanan ang makikita doon..
Napansin niya ang huling video na sinave nito mismo ng araw na nangyari ang aksidente.. Dali dali niyang kinuha ang SD CARD ng video cam at nilagay sa kanyang laptop..
Unang pinakita ay nasaloob ang kapatid niya ng sasakyan at pumasok sa passenger seat ang isa sa barkada nito..
"Pre" may inabot ito sa nagvivideo at sa kapatid niya..
Umandar na ang sasakyan at naririnig ang tawanan ng magkakaibigan.. Binuksan pa ng nasa Passenger seat ang radio at sabay sabay silang kumakanta..
Nangbiglang parang may pumapara sa tabi ng daan.. Bumagal ang pagtakbo ng sasakyan..
"Kala taxi ang kotse mo" nagtawanan naman sila
"Gago" batok ng kuya niya.. Tumingin naman ang katabi nito sa kumukuha ng video..
"Tulungan natin.. ang dilim dito ohh" sabi nito..
Pumasok ang dalaga sa kotse ng kanyang kapatid.. nasa likod ito kasama ng nagvivideo na ngayon ay nakaupo na sa kaliwang bahagi ng sasakyan.. Naglikot ang camera at ang view ay nakafocus na sa likuran.. Napagtanto niya na hawak na ng nasa passenger seat ang camera..
"Miss saan ka namin ihahatid?" tanong pa ng kuya niya na pasulyap sulyap sa salamin.. Tinutok sa dalaga ang videocam pero umiiwas ito ng tingin na parang tinatakpan ang mukha nito..
"Doon" nang makalayo sa pinarahan nito kanina ay may tinuturo ito sa gilid ng daan.. Tuwing napapalingon ito sa Videocam ay itinutulak niya ito para maiba ang view o siya ang hindi lumilingon..
"Saan ho ba?" Tanong naman ng kaibigan nila na katabi ng babae.. Masama at may halong pagtataka ang mababasa sa mukha nito habang nakatingin sa videocam..
"Saan ka ba papunta ate?" tanong ng may hawak ng videocam
"Diretso lang" sagot nito at iniiwas ang tingin sa camera
"Ate, anong pangalan mo?" tanong ng kuya niya..
"Samantha" maigsing sagot nito.. Napaisip din siya.. Sinong Samantha? natawa pa siya dahil sa tanong niya sa kanyang sarili at pinagpatuloy ang panonood sa video..
Mayamaya pa ay pumapara ito.. sabay sabay na lumingon ang magkakaibigan sa lugar kung saan itonakaturo.. Kahit ang video ay nakatapat sa daan.. Nagtaka din siya kung bakit sa madilim na part na iyon gustong bumaba ng babae..
Bumalik ang focus ng camera sa kapatid niya na nagtataka din ang mukha.. Kasabay ng paglingon ng kapatid niya sa likuran ang pag focus ng camera sa babae na ngayon ay nakayuko na..
"Miss?" Sabay tingin ng babae sa Videocam na ngayon ay nakakatakot na ang itsura.. Kahit siya ay napaatras ng biglang bumuka ang bibig nito at sumigaw ng pagkatinis tinis.. Biglang umandar ang kotse at nagkagulogulo na ang ibang senaryo na pinapakita sa video..
Ang huling pinakita ay ang paghagis ng video cam sa gitna ng daan at nakatuon ito sa ngayon ay nakabaliktad na na sasakyan ng kuya niya.. Kita doon ang nakalaylay na kamay ng kapatid.. Papatayin na sana niya ang laptop ng biglang may paa na dumaan sa tapat nito..
Unti-unting yumuyuko ang may-ari ng paa at malapit na sumilip ito sa camera.. Nangilabot si Cheska at dali dali niyang sinara ang kanyang laptop at nanginginig na tinitigan ito..
************
A/N
Wait for the part two of the story.. Isipin niyo na lang na katulad ng video sa taas ang nang yari kila Chester at sa barkada niya..
Thanks for reading
VOTE
COMMENT
AND BE A FAN
>ELLE<
BINABASA MO ANG
3RD EYE SERIES (SHORT HORROR STORIES)
HorrorBABALA: Lahat po ng mga karakter at pangyayari sa storya na ito ay pawang kathang isip po lamang.. Totoo po ang lugar pero hindi po talaga naganap ang storya sa lugar na iyon. Ginamit lamang po ng manunulat ang kanyang imahinasyon para gumawa ng pan...