E3: Lapis

25 1 0
                                    

Elementary days.

Masama ako magalit, pramis.

Ewan ko kung anong grade ko nun, basta. Si Maam Bolina teacher ko nun, section six. Wala pang isang linggo bago mag first day of class.

Isa akong mabait na estudyante, gumagawa ng assignment, nagsusulat, pero madalas natutulog sa kalagitnaan ng klase.

May katabi ako, pangalanan nating PUNYETA. Dahil matagal na yon at dko na siya maalala. Bully siya, ang laki niya kasing bata. Alam mo yung, parang pati utensils nila sa bahay kinakain niya? Ganun. Hindi mataba, pero malaki nga! Nyeta.

Dati ang upuan sa room eh yung mahaba kasya ang tatlo, pero kming dalawa lang don. Para lang akong garapata! At ang malala, nasa likod namin desk ni maam. Goodgirl kasi ako kaya ayaw ni maam mawala atensyon niya sakin. Hihihi.

Kasalukuyang may pinasusulat si maam, eh syempre ako, pabibo, nilabas ko yung pencil case kong double deck! (alam kong nagkaron ka nun.) Di sa pagmamayabang pero ipagyayabang ko na, kompleto ako sa lahat magmula sa bagong Uniform, Bag na de-gulong, Note book; Pencil; Eraser; atbp. (national bookstore lahat) Yabang syet.

Napansin kong ganun din ang mga gamit ng katabi ko, pinasikatan niya din ako. Kung sakin puro Pink at Barbie, sakaniya naman ay Blue na puro Transformers. Oo uso na yon. Ang sarap sapakin.

Sa kasarapan kong magtasa ng Monggol #2 kong lapis, inaasar asar niya ako at nagyayabang pa na mas magaganda daw sakaniya, kabadingan dba? Dahil wala naman akong pake, pinabayaan ko lang siya.

Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero ayon sa pheripheral vision ko o ewan ko talaga, nasaksak ko siya ng lapis sa kamay.

Oo, NASAKSAK KO SIYA NG LAPIS SA KAMAY. Wala namang dugo kaya dko siya inamo, putol kaya yung dulo! Kaylangan ko tuloy tasahan yun ulit non, pero dahil siguro nga masakit talaga, nag iiyak siya at dinala sa clinic. Ako? Wala, tuwang tuwa, kaya medyo ilag sakin yung iba noon. Doon na ko naging bully, pero di naman super bully. Duh. Ayoko kasi ng kinakaya ako.

Kinabukasan pinatawag yung magulang ko, syempre. Pinag sorry lang naman, at inilipat siya ng upuan o section? Basta nawala na siya nun sa paningin ko.

Lesson Learn: Wag mong inisin ang taong seryosong nagtatasa ng lapis, kung ayaw mong masaktan ng labis.

Oh kamon. Vote! XD

Punyetang Moments!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon