E11: Maoy

14 0 0
                                    

May 3, 2015 (mga 6PM -11PM)

Birthday ni Ate Dema (di niya tunay na pangalan), inaya niya akong Shumat kasama ng mga team-mates ng kapatid niya sa Basket ball, kilala sila sa lugar namin kasi magagaling. Pareho nang pangalan yung team namin (volleyball) at team nila (basketball), dahil iisa kami ng Sponsor.

Halos puro lalaki kainuman ko bukod kay ate dema. Dahil ang lalakas ng trip namin nun, hindi namin napansing naka-tatlong giraffe na emperador lights kami. Yung iba may tama na, maski ako! Ode lalong naging hyper kami, aba't naisipan naming pumuntang court para mag Cheer, SENIOR kasi naglalaro. Pareho din namin ng pangalan (pati Junior at Kids) yayamanin! Sarap i-massacre! Dejk, labyuuuuuboss!

Dahil maoy ako, halata dre kasi namumula ako. Well, mestisa. Dejk morena ako. Ewan ko ba bakit namumula ako pag may tama na ako.

Hala ang ingay ko nun, nangingibabaw boses ko. Isa kasi akong huwarang cheerer, kaya bihasa akong magtitili. Pero sa totoo lang boses lalake ako, ang baba eh. Gusto mo marinig? Tawagan moko hahaha, lol. Im so confidential baby ;)

Kahit lasing na ako, alam ko parin ginagawa ko. Nahiya ako kasi ako lang maingay, puro thunders nanunuod, mga serious mode! Kaya umuwi ulit kami at tinuloy ang shot, pero di din namin kinaya. Any time pwede na kong maglabas ng kinain kong puro banana-ice nung umaga, tanghali, pati nung gabi. Hahaha! Adik lang sa saging, serep eh :p

Hinatid namin yung isang ka-teammate nila, si Maky. Actually, crush ko yun. Hindi siya kagwapuhan-- WALA SA ITSURA YAN, NASA PERFORMANCE YAN! Ilang beses nga kong naka-chansing eh! Nagtatalo pa kami kung may forever o wala. Parang mga tanga diba?

Pagkahatid namin, nakatambay pala magulang ni Maky sa Labas, hindi pa man kami nakakalapit dun, biglang sumigaw mama niya ng "Puro pokpok pa sinamahan mo!" Napatigil kami, hindi dahil sa sinabi ng mama niya. Kundi sa sagot niya sa mama niya, alam niyo kung ano? Sabi niya lang naman, "WALANG FOREVER!"

LAUGHTRIP kami nun na may halong inis dahil sa sinabi ng mama niya. Kami pokpok? Owkamon, kahit kelan hindi ako/kami nagtrabaho sa bar! At saka, puro lalake KAMING naghatid, isang babae (Mics) at isang feeling babae (Raven). Sarap sagutin, pero mabait kasi ako/kami kaya hinayaan nlang namin.

Bakit ang hilig agad manghusga ng magulang sa mga sinasamahan ng anak nila? Punyeta, respeto din! Hindi kami pinutok ng tatay namin sa loob ng nanay namin para lang husgahan! Jusko.

PUTUKAN KITA SA NOO EH!

Punyetang Moments!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon