Entry 6: Seryosong UD.

14 0 0
                                    


Wag maging tanga, kahit inlab ka.

May event sa pinapasukang kumpanya ni papa, sa Old Sta. Mesa. Lalakad ka lang ng konti at mararating mo na ang PUP.

Dahil nga mabait ang aking ama, nag volunteer siyang tumulong sa pag set up ng venue. At dahil din mahal niya kami ni Katkat, isinama niya kami. Dahil hindi daw siya makakauwi, at alam niyang wala akong kwenta at walang magawang tama tulad ng isang responsableng nakakatandang kapatid. Isinama kami para maki-saya.

Kasagsagang Inlababo ako nun, kay Bikbik. Isang buwan na ata kami non? Basta last year yon, mga October, September naging kami eh. Edi october nga! Nyeta.

Malabo na kami non dahil sa isang pangyayari, na nakaka P.I talaga. Di ko siya masisisi kung bakit siya todong nagalit.

May nalaman din ako nun, pero dahil nga mahal ko, di ko pinaniwalaan. PERO dahil nga curious ako, chineck ko Facebook niya. At P.I! Totoo nga! May other woman siya. Sinabi ko yun, nag deny naman siya. Na-hack daw facebook niya at di na maaccess. Peri dahil nga sa mahal ko siya, di ako naniwala. Medyo lang.

Inadd ko yung lintek na babae, inaccept naman ako agad. Kaya chinat ako, curious din ata siya kung bakit ko siya inadd? Sinabi kong tigilan na niya yung acc. na yum dahil na-hack, hindi daw! At nagitla talaga ako sa mga sinabi niya, na nagkikita silang dalawa.

Gumuho ang mundo ko, de joke. Na mind block lang at naiyak habang kaharap ng PC na samsung ang tatak. Busy naman sina papa at yung katrabaho niya sa pag aayos sa Auditorium, at yung kapatid ko ganun din, busy manuod ng mga EXO MV. KPOP lover siya e, ganun din ako pero di ganun kabaliw tulad niya.

Nawalan ako ng gana sa lahat, dahil literal akong nasaktan. Tulad ng mga korning scene sa mga teleserye, nagtatakbo ako papuntang banyo. Di ko na inalam kung sa MENS ROOM ako pumasok, pero dun nga talaga ako nakarating at simulang mag iiyak at maglabas ng sama ng loob. Oo, na-Jae ako sa kaka emote ko. Oras na din ng lunch nun at wala akong gana, kaya dumeretso ako sa ground floor para pumunta sa dorms na pagtutulugan namin.

Dun ko siya tinawagan, sinagot naman niya. Nung una nag deny pa. Pero dahil mausisa ako, napaamin ko. Totoo nga. Tulad nga sa mga korning palabas, hindi ko pinahalatang umiiyak ako habang kausap ko siya. Napatigil ako sa pag iyak nung may pumasok na dyosa, oo dahil maganda talaga siya. Si Ate Kim. Siya kasama namin sa kwartong yun. Sinabihan akong may MASS daw, ayoko pumunta. Kaya si Papa na ang pumunta don para kaladkarin ako. Yukong yuko ako nun no! Ang KJ ko daw dapat di na niya ako sinama. Hello?! Malay ko bang sa araw na yun may mga rebelasyon?! Duh.

Parang tanga ako nun sa mass, umiiyak. May nagtanong nga sakin sabi, nakakaiyak ba yung sermon ni father? Sarap pakyuhin pero dahil mass, at matanda na siya kesa sakin. Inismidan ko lang siya. Hanggang kinabukasan ganun ako, walang kibo at para lumilipad ang isip. Tinangay na ng hangin sa bus yung isip ko e. Mugto, at parang tangang nkatulala.

End. Ew ang korni.
Ngayon, tinatawanan ko nalang yun. Narealize kong ang pangit nung pinangpalit niya sakin. Malaki lang boobs!

Boys, bakit makakita lang kayo ng malaki yung hinaharap bumibigay na kayo? Nevermind, basta, PAKYU YUNG MGA GANUN!

Punyetang Moments!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon