Dedicated to: AteBae_Bae AyieshaDienla jkaustralia xxANGELRIDIDxx
Wednesday, June 12, 2002
It's too early for me to wake up and to fix myself, kaso I don't have any choice para bumalik uli sa kinahihigaan ko.
Nang mabalitaan kong uuwi na pala si mama galing sa Canada, excited akong bumaba sa hagdanan namin at nagpaka-bossy sa mga katulong namin.
Hindi ko dapat palagpasin ang araw na ito lalong-lalo na dahil magse-celebrate ako ng aking kaarawan.
Lahat sila'y aligaga at palakad-lakad.
Abala ang aming guard sa pag-aasikaso ng mabuti sa mga papasok na aming bisita na aming na-invite noong last week pa.
Sina auntie Jade ay maagang nakapunta rito sa Maynila siguro simula pa seven ay nandito na sila upang tumulong sa dekorasyon at paghahanda.
Napako naman ang aking mata sa isang lalaki ma ka-edad ko rin na tahimik lang na nagmamasid sa mga nangyari.
Ilang beses ko nang tinignan ito subalit hindi ko talaga ito makilala.
Imposibleng pinsan ko ito dahil moreno ang kulay ng balat niya.
Hindi ko talaga mapigilang pagmasdan ang light ash niyang haircut at pananamit.
Grabe ang cool niya, masasabi kong pogi rin.
Kaso sino 'yung babaeng kasa-kasama niya hmp...
Argh. Hindi naman ako nagseselos, medyo curious lang. Hays...
Dahil doon sa nangyari nag-aksaya lang naman ako ng oras, dahil lang sa kan'ya.
Sino ba kasi 'yong batang 'yon.
Hays.
Gusto ko sana siyang makilala at lapitan upang kaibiganin. Landi rin eh noh!
Ngunit dumami lamang ang tao sa'king paligid.
Napabuntong-hininga ko't lumapit kina Rein at Chelsei.
Silang dalawa ang pinaka-close ko na kaibigan sa lahat.
Nakilala ko sila no'ng kinder kami na ngayon ay Grade 2 na. Maaga kasi akong pumasok kasi 3 years old pa lang ako nasa prep na agad ako.
Naalala ko pa noon kung paano nila ako tinulungan dahil kinulbit nila ako, dala-dala pa nila lunch box nila tapos sabay bulong na nakalimutan ko raw magsuot ng panty.
Shocks. Nakakahiyang pangyayari.
Pero...iyon kasi 'yung totoo eh.
Sinamahan nila ko sa titser ko na si Ma'am Rhodes upang sabihin nga na nalimutan kong magsuot ng panty hays. Pinatawag naman ang magulang ko upang pauwiin nila muna ko at pumasok uli. Pasalamat na lang talaga. Kasi ano na lang gagawin ko kung mapagtripan ako ng mga kapwa-kong kaklase na malilikot at patakbo-takbo.
Nang makapagpalit ako dahil nalaman ito ng aming mga katulong sa bahay.
Wala naman akong matawag na magulang dahil nga araw-araw silang busy sa buhay.
Grabe! Hindi ko talaga alam iyon.
Hays!
Nang maihatid muli ako sa school namin, nasa loob na ako ng klasrum sapagkat medyo nahuli na ako sa turo ni titser.
First day pa naman. First day of embarrassments.
"Ok ka na bebe?" tanong ni ma'am.
"Opo ma'am." sagot ko na nahihiya.
"Yan kasi sa susunod mag-double-check kayo, panty na nga lang 'di pa masuot!" pagtataray niya sa'kin, nakakahiya talaga.
Akala ko mabait siya. Iyon pala nangpapahiya rin.
Lunch time na noon at hinahanap ko pa rin 'yung dalawang babaeng tumulong sa'kin. Napaisip ako, ano kayang section ng mga 'yon? Gusto kong lapitan si ma'am para tanungin kung sino 'yung mga yon kaso ano ngang pake nya? Hays...
Half-day lang ngayon. Pasakay na ko sa itim naming van ng makita ko ang pamilyar na mukha.
Sila nga iyon.
Nilapitan ko sila at nakipag-kamay. "Hi pala sa inyo." pagbati ko ng nakangiti.
"Hello rin. Ok ka na ba?" pabulong nilang tanong.
"Naku 'wag na kayong bumulong, alam ng buong klase ang nangyari. Matabel rin bunganga ni ma'am namin." inismiran ko silang dalawa.
"Sorry, hindi na kami kanina nakapagpakilala sa'yo kasi magkaklase na rin kami e, masungit pa naman raw si Binibining Yadi hays."
"I am Chelsei and she's Rein naman. Nice meeting you!" bati nila sa'kin.
"Ahsmin."
"Hala...Section A yata yon ah...oo nga section A kayo..." mahina kong sagot na narinig naman nila.
"Oo, nasa Section A kami. Sa tapat ninyo. Nakita nga kita kanina patakbo sa hallway e baka madapa ka pa no'n hahaha..."
"Libre ko kayo ng sweets ano?" pagyaya ko sa kanila, tumawa lang sila kaya nawirduhan ako.
"Naulit uli..." humalukipkip si Rein ng tawa.
"Yung kapag magbabanggit ka ng s parang bulol hahaha..." nagtinginan muna sila bago bumumghalit ng patigil-tigil na tawa.
YOU ARE READING
Fate Changer (ON-GOING)
РазноеAhsmin is a nineteen-year-old girl who grew up cold and unperturbed. She later discovered something about her. And it was shocking-her world was divided into four and everything is impossible and mystic. Then, on one fine day there he met Justin, a...