Chapter 4: I'LL BE A LITTLE PRINCESS
Dedicated to: angelridid kimxxypiiii MsRyuJiyun
"Ahsmin...nandito na ang mga magme-make-up. Bilisan mo na d'yan."
Shocks. Ang bilis huhu.
Nagmadali ako sa pagligo. Nagkudkod mabuti ng libag baka kasi amuyin pa nila ko hays hehehe. Nagshave rin ako ng kilikili tsaka private part. Pinatuyo ko ang buhok at nilakasan ko ang aircon. Patingin-tingin rin ako sa phone baka sakaling nandito na si mommy.
One message.
Baby, nandito na ko sa resto na kinakainan natin lagi.Omg.
Malapit na si mom."Ay pasok po kayo ate..."
"Ate Jess na lang, tsaka yan naman si Nicole." nag-wave ako sa kanila at pinapasok sa loob ng aking kuwarto.
"Pasensya na po kung medyo makalat hehehe pero po mamaya aayusin ko na rin po. Hindi rin po nakapasok yung mga maids kanina dito kasi po super excited ko po."
"Wow...talaga ngang maganda ka ineng. Ang ganda ng pagkatangos ng ilong mo, 'yung tungki ng ilong mo ang cute. Gano'n na rin 'yung mata ang pungay, pungay niya. Tsaka kahit makapal ang labi mo ang ganda ng pagka-plump at pagiging natural mo."
"Grabe nga, ang puti puti mo. Ano bang kinakain mo? Labanos ba?" pagbibiro ni ate Nicole at hinawakan pa ang braso ko para ipagkompara sa balat niyang tanned.
"Kayo rin po maganda."
"Ay hehe...pwede na ba kaming magsimula para pagandahin ka na? Actually wala na nga kaming masyadong gagawin pa sa'yo. Ang natural ng beauty mo hays."
"Bulol ka pala sa r..." nakatawang sabi ni ate Jess, napairap naman ako ng slight tsaka tumawa ng bahagya.
"Umupo ka na rito ganda...simulan na natin!" utos nila sa'kin, ngunit nakailang missed calls na pala."
6 missed calls.
Excited kong kinuha ang phone at nag-dial ng number ni mommy habang nakaupo. "Hi mom." masaya kong bati sa kanya.
"Baby, I don't want you to disappoint you since it's your birthday today pero siguro bukas na ko makakapunta, na-stuck kami rito kasi nagkabarilan hays. I'll promise that I'll be there tomorrow. Tawag na lang uli ako, magpaganda ka na d'yan. I love you!"nawalan bigla ako ng gana, at kusang natikom ang gusto sanang dumaldal na bibig.
"Uhm, it's okay po ma'am." nanghihinang sagot ko.
Only being alright is all I could answer. I faked my emotions again.
Argh! I hate it!
"Simplehan niyo na lang po haha."
"Gano'n ba be?" nakakunot na tanong nila, siguro ngang nakaramdam rin sila ng awa sa'kin, kitang-kita ko ang pagsimpatiya nila sa nararamdaman ko ngayon.
I felt so weak.
I can't really hide emotions today.
And it was just like a biggest nightmare for me.
But still I needed to celebrate it since it's their costs and I should be ashamed of myself if I'll ruined it by not being there in the program.
After 20 minutes.
Natapos na nila kong kilayan, kulotin, make-upan at bihisan ng damit na binili pa nila.
Sayang.
Nagpasalamat ako sa nag-ayos at bumaba na rin sila at nakita ko pang inabutan ni tiyo ang mga nag-make-up sa'kin. Iniintay na lang mag-start ang program para ako'y tawagin sa baba.
Narinig ko naman na pinapatugtog nila ng pagkalakas-lakas ang paborito kong kanta ni Taylor Swift na Love Story, kasunod naman noon ay You Belong with me. Iyon talaga ang pina-request ko sa kanila.
Nasa itaas ako ngayon na kinakabahan at walang puknat ang pagkabusangot ng mukha.
Like, hey? Is it really only me who will be sad when someone can't even attend to her special day?
And...at the same time, kabado habang iniisip yung lalaki kanina hays. Erase. Erase.
Sinipat-sipat ko ang sarili sa salamin at medyo napangiti sapagkat bumagay ang kulay asul na dress sa'kin na mayroong disenyong paikot na gold na bulak-lakin. Hanggang tuhod ko ito at hindi naman mabigat sa inaasahan. Backless ito at kanina tinali nila ito sa likod na parang nagtatali lang ng sapatos.
Lol.
Hahaha!
Naka-kulot naman ako at may pa-messy hair pa sa harap para raw may style. Naka-lip gloss lang ako dahil maganda na raw ang shades ng lips ko.
Wow! Talaga ba? Hahaha!
Nakasuot ako ng glittered doll shoes at nagiistep-step pa ko na parang ballerina, flat kasi ito.
Habang umiikot, bigla kong naalala yung bata kanina. Hays, sino kaya 'yon. Basta ang cute nya.
Muntikan pa kong sumubasob buti na lang konting hilo lang at napahiga uli ako sa kama. Huhu ang lambot.
Hays.
I miss mom.
Pero bukas pa raw.
I wished nandito sana siya.
YOU ARE READING
Fate Changer (ON-GOING)
LosoweAhsmin is a nineteen-year-old girl who grew up cold and unperturbed. She later discovered something about her. And it was shocking-her world was divided into four and everything is impossible and mystic. Then, on one fine day there he met Justin, a...