Dedicated to: Laizadlz JusteMil fuckeduppoet Willing2Wait4you
"Hoy! Alam niyo ba na boring lang rin 'to?" wala sa wisyong sabi ko na lang.
"Ha? Bakit naman, suwerte mo kaya?"
"Yung iba nga na invited 'di ko naman kilala e. Sana kasi 'yung tayo-tayo na lang. Kanino bang bertdey 'to diba akin? Akin diba?!" gigil na sabi ko sa dalawa na napasang-ayon rin naman.
"Tsaka alam nyo ba kanina kasi may nakita akong lalaki doon kagaya rin natin tapos moreno tapo—"
"Wait!""Kilala ko 'yang sinasabi mo ah...parang si ano...tama si Nardo nga iyong napansin mo kanina."
"Don't tell me crush mo siya?" nakangisi na tanong ni Reina.
"Ayieeeeeee!" pang-aasar naman ni Chelsea.
"Bakit ka nagba-blush ha?"
"Hindi." matipid kong sagot na ikinangisi lalo nilang dalawa.
"Curious lang talaga ako noh!" depensa ko sa kanila na ikinabilis ng tibok na pala-pulsuhan ko.
Dugdug. Dugdug. Dugdug.
Nang mga oras na 'yon huling-huli na ko. Hinawakan ko naman ang magkabilaang pisngi ko at napansing mainit-init ito na parang siopao. Maputi pa naman ako kaya siguro matindi nga epekto ng pamumula.
Gusto ko sanang tumakbo kaso baka kung ano namang isipin nila. Iniba ko na lang ang topic para hindi na nila ko tuksuhin pa.
"Kinakabahan rin ako hehehe..."
"Bakit?
"Secret nga."
"Hays...Basta ang hirap mag-rap pala noh..." lutang na banggit ko.
"So kakanta ka nga? E ano pang secret doon? Ayan kasi iniisip mo na naman siya. "
"Hala! Baka mabulol ka pa naman sa s at r.
"Hahahaha...oo nga noh?"
"Di ko kayo bati, bahala kayo d'yan."
"Babye! Huwag kang mag-alala hanapin muna namin si Nardo para sa'yo!" sagot nila na ikinakaba ko uli.
Dugdug. Dugdug. Dugdug.
Malamig sa loob subalit para akong nagbilad ng matagal sa araw sa sobrang nararamdaman kong panginginit. Pinakalma ko na lang ang sarili at tinampal-tampal ang pisngi.
Hays. Wala lang talaga iyon.
Dire-diretso lang ako sa'king paglalakad nang madanggil ko si Auntie na nag-aayos pa rin sa pag-didesenyo.
Nang naramdaman niya ang presensya ko, itinigil niya ang kaniyang ginagawa at yumakap sa'kin ng mahigpit. "Asmin ko...mamaya maligo ka na ha, tapos aayusan ka ng mga kinuha naming magme-make-up para sa'yo.
Tsaka dadating rin mamaya si mommy mo ha..." nakangiting pag-papaalala ni Auntie Jed.
"Opo auntie ko. Salamat po!" hinalikan ko siya sa cheeks niya.
"At bakit ka nga pala pawisan at parang pagod na pagod?" nagtatakang tanong niya .
"Ay wala lang po. Nakipagkuwentuhan lang po."
"Nagkuwentuhan? O eh usap lang naman 'yon ahh..."
"Masyado po kasing magulo ang mga kaibigan ko...Bye po!" nagmamadali kong sabi, para bang gusto nang kumawala ng aking dibdib sa sobrang sikip.
Kanina pa 'to sumisipa sa tuwing iisipin ang nangyari kanina.
Agad akong nagtungo sa wardrobe upang piliin ang ipinamiling kasuotan nina Mommy at Daddy. Kinuha ko ito at sinukat-sukat sa salamin.
Omg! Ang ganda!
Sobrang saya ko ngayon at excited. Mamaya na lang siguro ako kakain kapag dumating na ang mga caterings. Sa ngayon ay maliligo muna ako.
YOU ARE READING
Fate Changer (ON-GOING)
De TodoAhsmin is a nineteen-year-old girl who grew up cold and unperturbed. She later discovered something about her. And it was shocking-her world was divided into four and everything is impossible and mystic. Then, on one fine day there he met Justin, a...