TMLB I

34 6 0
                                    

KEIRA'S P.O.V.

"Don't you love me?" Pabebeng tanong ng malanding babae na yun sa boyfriend ko... I can't believe this... I can't believe na kaya niya akong lokohin.

"Of course I love you..." Sagot niya, what no way... Hindi ako papayag na babaeng katulad niya ang aagaw sa boyfriend ko.

"Bakit hindi mo na hiwalayan yung Keira na yun? kung mahal mo ko yun ang gagawin mo Clyde!" Kunwaring naiiyak na sabi Trina.

"Si-Sige kung yan ang gusto mo hihiwalayan ko na siya just don't leave... Ok!" Sa sinabi niyang yun parang tinusok ng sobrang daming karayom ang puso ko...

Labis akong nanghina sa mga salitang yun na binitawan niya kaya napahawak na lang ako sa hawakan ng pinto ng restaurant kung nasaan sila...

Hindi.... Hindi ako papayag na makuha ng babaeng yun si Clyde.... SA AKIN LANG SI CLYDE SA AKIN LANG!!!
.
.
.
.
-----------AFTER HOW MANY WEEKS---------
.
.
.
.
"Love, may problema ba?" Tanong ko, kunwari wala akong alam sa mangyayari ngayon. Alam kong ngayon niya ko planong hiwalayan.

"Wala naman, May gusto lang akong sabihin." Sagot niya na lihim kong ikinangisi.

"Spill it..." Malamyang sabi ko na ikinatigil niya... Mababasa mo talaga sa mukha niya ang pag-aalala.

"Ayos ka lang ba? namumutla ka Keira!" Nag-aalalang tanong niya. Tsk, magiging rason ba yang pag-aalala mo sa akin para hindi mo na ko hiwalayan?

"O-oo ayos lang ako, so ano na nga yung gusto mong sabihin?" Tanong ko, gusto ko ng matapos ang pagtatagong ginagawa nila, dahil lalo lang akong nasasaktan.

"I'm breaking up with you Keira..." Mahina at nakayukong sabi niya na ikinalingid ng mga luha ko. "I no longer love you, I'm sorry." Dugtong niya pa, napatingala na lang ako para mapigilang tumulo ang mga luha ko.

"Dahil ba kay Trina?" Tanong ko na ikinatigil niya. "Matagal ko na namang alam Clyde, simula nung umuwi ako from states... Hindi na ikaw yung dating boyfriend ko... That day nagsimula na kong magduda, kaya sinundan kita dun ko na lang nalaman na May relasyon kayo... Paano mo nagawa sakin 'to Clyde? You promised me that you won't hurt me... Tama nga sila promises are meant to be broken, pero yung pangako ko hinding hindi ko sisirain at papakuin..." Mahabang litanya ko, sabay tayo.

"Na hindi kita isusuko... I will respect your decision Clyde, but I promise na babawiin kita sa kaniya, hinding hindi ko hahayaang mapunta lang sa wala yung ilang taon nating relasyon.... I will give you two years space, and after that two years magiging sakin ka ulit, wala akong gagawin na kahit na ano... Dahil alam kong after that two years mare-realize mo na ako talaga ang mahal mo Clyde ako lang ang mahal mo!" Dagdag ko pa habang nakatalikod sa kaniya sabay alis.
.
.
.

----------ONE WEEK LATER--------

.
.
.
"Argggggg! Ano ba yan Keira, alalayan mo nga ng maayos yang lola mo hindi marunong tumingin sa dinadaanan... Masisira yung outfit ko ng dahil sa kaniya ano na lang ang sasabihin ng parents ng boyfriend ko kapag nakita akong ganito!" Galit na sabi niya matapos siyang mabangga at matapunan ng wine ni tita Callistra (mommy of Clyde), kaya napangisi na lang ako for sure na hindi siya magugustuhan ni tita Cal dahil sa ugali niya.

"What did you say? Lola?!" Galit na sigaw ni tita.

"Why? Totoo naman di po ba, amoy matanda na din po kasi kayo." Grabe wala talagang galang ang babaeng 'to, nakita kong papalapit na si Clyde sa amin.

"Aba't sumasagot ka pa.... Anong klaseng pagpapalaki ba ang ginagawa sayo ng mga magulang mo?!" Galit na tanong ni tita.

"Nagtatanong po kayo di po ba natural lang po na sagutin ko kayo, hindi lang po pala malabo ang mata niyo, ulyanin na din po kayo!" Napakawalang hiya talaga.

Til My Last BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon