#6: Til My Last Breathe (Part 2.2; Last Part)
CLYDE'S P.O.V."B-Buntis?"
Hinang hina akong lumapit sa kinaroroonan ng babaeng mahal ko...
Napahagulgol na lang ako, dahil sa nalaman ko...
Napakatanga mo Clyde... Napakatanga mo...
"B-Babe..." Pumipiyok na ang boses niya. "So-Sorry k-kung nag s-sinungaling ako... Nu-Nung mga p-panahong t-tinanong niyo ko kung a-ayos lang ba ako..." Umiiyak niyang sabi...
Ni hindi ko magawang tingnan siya... Dahil sobrang sakit para sakin na makita siyang ganiyan...
"...dahil ang totoo hindi talaga ako ok." Dugtong niya pa.
Bigla siyang ngumiti, ngunit bakas pa rin ang sakit at lungkot sa mga mata niya...
'Paano mo toh nagawa kay Keira, Clyde?'
Ang sakit sakit, tila ba dinudurog ang puso ko...
"Gusto kong malaman mo na kahit kailan hindi ko nagawang magalit sayo... Dahil mahal na mahal kita Clyde... Mahal na mahal."
"Pero ang sakit dito oh, ang sakit sakit... Sobrang sakit!" Sabi niya habang paulit-ulit itinuturo ang dibdib niyo.
"Gustong-gusto kong isumbat lahat ng sakit nararamdaman ko sayo... Gustong-gusto kong magalit sayo pero hindi ko magawa... Kasi nga mahal kita!" Bawat salitang binibitawan niya ay parang mga kutsilyong tumutusok sa puso ko...
"Ke-Keira..." Sambit ko sa pangalan niya dahilan ng sabay sabay na pagpatak ng mga luha ko.
"I can't imagine, na nagawa mo toh sakin... How can you make me feel like this, Clyde?... How? Paano mong nagawang saktan yung babaeng ni-lamok ayaw mong padapuan..." Sunod sunod niyang sabi, habang nagtutuluan ang kaniyang mga luha...
Kung nandun lang ako ng mga oras na yun hindi ko hahayaan na maramdaman niya lahat ng yun...
'Hindi mo hahayaan? Eh ikaw nga ang nagparamdam sa kanya niyan'
"Pero kahit ganun... Walang nagbago sa nararamdaman ko para sayo Clyde... Mahal na mahal pa rin kita!"
Napapikit na lang siya ng mariin ng para bang May bigla na lang maalala.
"Oo nga pala, Ha-Happy B-Birthday..." Bati niya at doon na siya napa-hagulgol.
"Babe... Can you do me a favor? Ayokong makita kang umiiyak diba alam mo yun?" Tanong niya, napatango na lang ako... At napangiti ng mapait.
Ayaw niya kong makitang umiiyak, pero ako ito ngayon ang dahilan kung bakit siya nasasaktan at umiiyak.
"Please sana kahit ngayong birthday mo gusto kong kahit wala na ako, i-celebrate mo ng masaya..." Sabi niya habang pinipilit ikalma ang sarili.
"Mag magandang regalo sana ako para sayo eh, kaso alam kong masasaktan ka din sa sasabihin ko..."
"Babe... Buntis ako... Nakakalungkot lang kasi hindi ko man lang nasabi sayo ng personal..."
Sandali siyang tumahimik...
Maya maya May iniabot na envelope si Sheena.
"I'm sorry kung pati siya kailangang madamay sa kamalasan ko... Hanggang ngayon tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ganito ang kapalaran ko, kung bakit kailangan kong maranasan 'to... Kung bakit kailangan pang pati ang anak natin madamay... Ang dami kong tanong, pero ang tangi kong alam walang sinuman ang makakasagot ng lahat ng yun....
I'm sorry kung hindi ko man lang maipararanas sa anak natin ang mabuhay..." Sunod-sunod niyang sabi habang umiiyak.
Napayakap na lang ako sa walang buhay niyang katawan, hindi ko ininda ang lamig nito.
Pakiramdam ko pati ako nawalan ng buhay....
Pakiramdam ko wala ng dahilan para mabuhay pa ako...
"No... Keira please... Hindi ko kayang mawala ka!" Sigaw ko.
"Mahal na mahal kita Clyde... I LOVE YOU TIL MY LAST BREATHE..." Huling sambit niya at namatay na ang video... Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan...
.
.
.-------AFTER HOW MANY YEARS-------
.
.
.Nandito ako ngayon sa puntod ng pinakamamahal kong babae at ng aking anak...
Ngayon ang death anniversary nila, ganun din ang aking kaarawan.
Hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari kahit ilang taon na ang nakalipas...
Gulong gulo pa rin ako hanggang ngayon.
Wala akong ibang ginawa kundi ang sisihin ng sisihin ang sarili ko...
But then I realized, kung ititigil ko ang lahat ng yun magiging maayos ang lahat... Dahil siguradong matutuwa si Keira na makita akong maging masaya ulit...
Keira is all that matter now for me, kahit wala na siya... Siya ang laging nasa isip ko.
Ang lagi ko na lang hinihiling ay sana sa susunod niyang buhay ay maging masaya at maayos siya... Kahit hindi ako ang kasama niya...
Gustong-gusto ko na muli siyang makita....
Hihintayin ko ang araw na yun...
.
.
.----------------------THE END--------------------
______________________________________
Plagiarism Is A Crime
Story Written By CN-writes
@Copyright
All Rights Reserved

BINABASA MO ANG
Til My Last Breathe
Roman d'amourIs world really fair or not? For Keira her life was so unfair... Sa lahat ng paghihirap na pinagdaanan niya ay patuloy pa rin siyang nalaban. Ngunit dumating ang panahon na maging ang isang inspirasyon niyang lumaban at ang taong kanyang pinakamamah...