TMLB II

28 6 0
                                    

SOMEONE'S P.O.V.

Umiiyak akong hawak-hawak ang aking tiyan...

Nakahiga habang pinapakinggan ang nakaririndi't nangingibabaw na tunog ng orasan...

"Ba-Baby... Naririnig mo ba si mommy?" pagkausap ko sa sanggol na nasa aking sinapupunan. "A-Anak pasensya ka na ha... Pasensya na, dahil hindi man lang maipararanas sayo ni mommy na lumaki sa mundong ito..." Humahagulgol nang sabi ko.

Nakakalungkot lang isipin na hindi ko man lang maipararanas sa anak ko na lumaki siya...

Wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang umiyak ng umiyak at sisihin ng sisihin ang sarili ko.

Sa oras na ito... Gusto kong lumabas, puntahan, yakapin ng mahigpit at sabihin sa mga taong mahal ko ang lahat bago man lang ako mawala...

Hindi ko man naabot ang iba sa mga pangarap ko natupad naman ang pangarap kong maging ina, kahit sa huling sandali.

"Gusto ko mang sabihin sa Daddy mo ang tungkol sayo pero hindi ko magawa... I'm so... so... sorry!"

Ilang oras na lang, alam kong kakatukin at gigisingin na ko ni mommy... Pero sa oras na yun alam kong hindi na ko magigising kailanman.

-----------------

TO BE CONTINUE...

______________________________________

Plagiarism Is A Crime

Story Written By CN-writes

@Copyright
All Rights Reserved

Til My Last BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon