Gay?! (Part 1)
KAEL'S P. O. V.
"WHAT?!" Gulat na tanong ng mga kaibigan ko.
"Magpapanggap ka talagang bakla, para lang mapansin ni Shein?" Paniniguro ni Leo.
Tsk, bakit ba ang kukulit ng mga ito... Hindi ba malinaw yung sinabi ko, kailangan pa talagang ulit-ulitin.
"Oo nga... Buo na talaga ang desisyon ko, kinuntsaba ko na din lahat ng schoolmate natin..." Sagot ko.
"Eh ano na lang ang sasabihin nina Tito and Tita kapag nalaman nilang ganiyan ang ginagawa mo ng dahil lang sa isang babae?" Mahabang pangaral na naman ni Tyrone. Inggit lang kasi toh tsk... Torpe kasi.
"Pwede ba Tyrone huwag mong ni-lalang si Shein, at tsaka huwag mo akong itulad sayo na torpe... Kaya ka nauunahan eh." Pang-aasar ko sa kaniya.
"Tss... Torpe din naman ang tawag sayo eh, tingnan mo magpapanggap ka pang bakla pwede namang umamin ka na lang kay Shein na in-love ka sa kaniya." Sabi niya pa. Sa bagay may point siya.
Napakamot na lang ako sa batok. "Alam niyo naman yung mga pinag-gagawa ko dito sa school... ISA AKONG BULLY, nahihiya din kasi ako sa kanya." Pag-dadahilan ko.
"Ano hiya? Pare nahihiya? Ang isang Kael Montemayor, nahihiya? Pare ka-torpehan ang tawag diyan hindi hiya... 'TORPE'." Sabi pa ni Shairo, idiniin pa talaga ang salitang TORPE tsk.
"Oo na oo na, pinagkakaisahan niyo na naman ako eh." Pagsuko ko. Wala lang rin namang mangyayari kung nakikipagtalo ako sa kanila, siguradong 'di na naman ako mananalo.
"Torpe na kung torpe... Atleast madiskarte..." Taas noong sabi ko pa. "Aamin din ako, not now but soon... Panoorin niyo munang um-acting ang isang Kael Montemayor." Ngingisi-ngisi ko silang iniwan.
Dumeretso ako ng canteen dahil doon mag-sisimula ang pag-acting ko bilang bakla.
Ang pagiging bakla ko ay palabas lang... Pero ang nararamdaman ko kay Shein ay totoong-totoo.
-----------FAST FORWARD------------
Pagpasok na pagpasok ko pa lang ng canteen pinagbabato na nila agad ako ng kung ano-ano.
Kaniya-kaniya sila ng masasakit na salitang binabato sa akin.
OK LANG YAN HAHAHA MGA KASABWAT KO SILA....
"Hindi pa rin talaga kayo tumitigil sa pang-bubully?" Sabi ni Shein. Sa wakas dumating na din ang pinakahihintay ko.
"Sino na naman yang bik---- KAEL?!" Kung kanina nakakunot noo lang siya, ngayon sobrang dilim na ng aura niya.
SHEIN'S P. O. V.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa canteen sobrang ingay na... Hindi pa rin ba talaga sila tumitigil.
"Hindi pa rin talaga kayo tumitigil sa pang-bubully?" Sabi ko habang kunot-noong nakatingin sa kanila.
WAIT BAKIT PARANG KILALA KO NA KUNG SINO ITO! PERO BAKIT?
"Sino na naman yang bik---- KAEL?!" Kung kanina nakakunot noo lang ako, lalong dumilim ang aura ko ng malamang si crush ang ni-bubully nila.
OMYGULAY KULANG NALANG AY OVEN.... PUNO NA NG HARINA, ITLOG AT KUNG ANO-ANO PA NA INGREDIENTS NG CAKE.
"OMG! KAEL! YOU LOOK SO MESS NA." Sabi ko habang pinapagpagan siya.
"HAHAHAHAHAHAHAHA BAGAY LANG SA KANIYA YAN... SALOT SA LIPUNAN." Hays hindi ba talaga sila titigil.
"ANO PA BANG TINATAWA-TAWA NIYO DIYAN? UMALIS NA NGA KAYO ALIS!" Pagpapaalis ko sa kanila.
"Oh comeon Shein, pati ba naman ang baklang yan ipagtatanggol mo?" Sabi ni Francine.
"WHAT?! BAKLA? Is that true Kael?" Paniniguro ko kay Kael.
"Y-Yes." Utal na sagot niya na may kasamang tango.
OH MY GULAY! BAKIT BA GANITO HUHUHUHU!
LAHAT NA LANG NG MINAMAHAL AT NAGUGUSTUHAN KONG GWAPONG LALAKI EH GWAPO DIN PALA ANG GUSTO!
SUMPA NA BA ITO HA?
TATANDANG DALAGA NA BA AKO?
"THEN... WHETHER IT IS TRUE OR NOT... UMALIS KAYO SA HARAPAN KO NGAYON NA!" Galit na sigaw ko kayna Francine, natakot naman sila kaya umalis na.
Narinig ko ang mahinang pag-hikbi ni Kael... HUHUHUHU my labs 'wag kang umiyak.
"Kael, tumahan ka na... Wala na sila oh." Pagpapatahan ko sa kaniya.
"Hindi mo ba ko pandidirihan tulad nila?" Tanong niya.
"Ha? bakit naman kita pandidirihan? Dahil ba bakla ka? Hindi noh... Hindi naman ako judgemental tulad nila." Nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Alam mo mabuti pa, ayusin mo yang sarili mo... Tapos sabay tayong mag-lunch... Dun ang pwesto ko oh." Turo ko sa kaniya kung saan ako laging pumipwesto tuwing lunch at breaktime. Tumango na lang siya at umalis.
Pumunta na ko sa pwesto ko, pagkatapos kong um-order... Nag-order na rin ako ng para kay Kael.
AHIHHIHIHI LULUBUSLUBUSIN KO NA TOH AYOS LANG NA BAKLA SIYA... GWAPO PA DIN NAMAN.
MAKAKASABAY KO NA MAG-LUNCH SI CRUSH!!!
Buti na lang talaga absent ang bestfriend ko.
Nung dumating siya, nangibabaw ang awkwardness.
"Yung mga kaibigan mo na saan, dapat kasama mo sila diba?" Tanong ko sa kaniya.
"Nung umamin ako sa kanila... Natahimik lang sila, ni hindi ko alam kung tanggap ba nila yung totoong ako." Malungkot na sabi niya.
"Hays basta... I'm here lang for you, 'wag kang mahihiyang magsumbong sa akin kapag ni-bully ka na naman nila ha." Sabi ko sa kaniya, tumango na lang siya bilang sagot.
"Eh sa parents mo, Nakapag-out ka na ba sa kanila?" Tanong ko ulit at umiling lang siya.
"H-Hindi ko k-kasi alam k-kung p-paano ko s-sasabihin sa k-kanila, natatakot din ako." Malungkot na sagot niya.
"Bakit ka naman matatakot, be confident of what and who you are... I'm sure na matatanggap ka nila." Pagpapalakas ko ng loob niya.
Alam niyo kung ako ang tatanungin... Hindi ko feel na bakla siya...
PINAGTITRIPAN NIYA LANG BA AKO?!
[A/N: Sorry kung bitin Guys... But don't you worry may PART 2 pa
Abangan ang PART 2!]
______________________________________
Plagiarism Is A Crime
Story Written By CN-writes
@Copyright
All Rights Reserved
BINABASA MO ANG
GAY?!
Romance'KAEL MONTEMAYOR' isang dakilang bully... Kinatatakutan, hinahangaan at kinahuhumalingan ng maraming babae. Natorpe sa isang babae?! Sa isang babaeng walang kinatatakutan... At walang inaatrasan. Kael Montemayor style: Umamin agad ❌ Magpanggap na ba...