GAY?! (Last Part)
KAEL'S P.O.V.
"FUCK!!!" Sigaw ko, habang sinasabunutan ang sarili... I should've not do that Arghhh.
Nandito ako ngayon sa secret hide out naming magkakaibigan, dito ako dumeretso matapos gumawa ng eksena kanina.
Wala yun sa plano ko!
"Bro, ano na babaliw ka na ba? HAHAHHA." Pang-aasar ni Tyrone, tsk.
"Woah grabe pare ang lakas ng amats sayo ni Shein!" Biglang sulpot ni Shiro. By the way Shiro is Shein's older brother.
Mukhang may hindi siya sinasabi sa akin ah!
"Ikaw ba Shiro may hindi sinasabi sa akin?" Tanong ko sa kaniya at agad naman siyang natigilan.
"Huh? Ako?" Kunot noong tanong niya habang nakaturo pa sa sarili niya, tumango naman ako. "Wala ah... Pero may kailangan kang malaman..." Pabitin niyang sagot, na ikinakunot ng noo ko. I feel something that it's a bad news hmmm.
"Ano yun?" Tanong ko, at ngumisi naman siya. Maging sina Leo at Tyrone ay naghihintay ng sasabihin ni Shiro... Tsk mga chismoso talaga.
"Liam is back..." Sabi niya sabay paikot na dumekwatro ng upo sa sofa. Napaupo na lang din ako sa isang swivel chair.
"Ano namang meron kay Liam at kailangan kong malaman na pabalik na siya?" Takang tanong ko. Na ikinangisi niya lalo.
"Kael, aren't you remember na si Liam ang unang kinabaliwan ng kapatid ko, tsk." Inis na sagot niya. Oo nga pala.
"Bakla din yun diba HAHA..." Sabat ni Leo.
"Hindi, si Liam nga lang daw ang nagustuhan ni Shein na hindi bakla." Kontra naman ni Tyrone.
"Hindi lang naman si Liam eh." Sabat ni Shiro sabay sulyap sa akin, tsaka lumabas.
"So ano ng plano mo pre... Itutuloy mo pa rin ba yang pagpapanggap mo kay Shein?" Tanong ni Leo.
"Yes, bu---
Naputol ang sasabihin ko nang may narinig kaming nabasag sa labas.
Kaya agad naman namin itong sinilip.
"Francine?!" Gulat na sabi ko.
Paano siya napadpad dito?
"Oh hi Kael..." Bati niya sa akin na ikinainis ko. "Sabi ko na nga ba at plano niyo lang ang pag-papanggap bakla."
SHEIN'S P.O.V.
Naglalakad lakad ako dito sa likod ng school.
Nang makita ko sina Kael sa hindi kalayuan.
"Oh hi Kael..." Bati niya kay Kael. "Sabi ko na nga ba at plano niyo lang ang pag-papanggap bakla." Napatakip na lamang ako ng aking bibig, nang marinig ko ang sinabi ni Francine.
"Is that true?" Biglang sulpot ko. Kaya gulat silang tumingin sa akin.
"Sh-Shein..." Nauutal na tawag sa akin ni Kael, sabay tango OMG this can't be true HUHUHU.
"So all this time pinaglalaruan mo lang pala ako!" Naiiyak ko ng sabi. Na ikina-iling niya.
"No... No, Shein mali ka ng iniisip..." Sabi niya.
"Wow ako pa ang mali?" Turo ko sa sarili ko. "At sa tingin mo maniniwala ako sayo ha... Eh parang inuulit mo lang yung ginawa sa akin ni Liam eh... Tapos sa huli ako pa din yung mali... Wow lang ha wow... Naturingan ka pa namang kaibigan ng kuya ko pero paglalaruan mo lang din pala ako... Alam mo mabuti pa magsama na lang kayo ni Liam." Mahabang litanya ko, sabay walk out, narinig ko pa ang pag-tawag nila sa pangalan ko pero di ko na sila pinansin.
BINABASA MO ANG
GAY?!
Romance'KAEL MONTEMAYOR' isang dakilang bully... Kinatatakutan, hinahangaan at kinahuhumalingan ng maraming babae. Natorpe sa isang babae?! Sa isang babaeng walang kinatatakutan... At walang inaatrasan. Kael Montemayor style: Umamin agad ❌ Magpanggap na ba...