Gay?! (Part 2)
KAEL'S P. O. V.
"Mom naman, can you please stop calling me baby!" Pagrereklamo ko. Paano ba naman kasi bini-baby pa rin ako tsk!
"Oo nga naman Hon our son is not baby anymore, dumidiskarte na nga yan dun sa babaeng gusto niya eh." Sabi ni daddy sa nang-aasar na tono.
"Ah kahit na Kael is my baby pa din." Sabi ni Mom habang nakapout. Tsk bakit ba ang childish ni mommy. "Hmmm by the way... How's your plan na nga pala baby?" Tanong niya pa.
Yes alam nila, sila pa nga nagtulak sa akin para gawin talaga itong plano kong ito.
"Going well Mom, paniwalang paniwala ko siya." Nakangiting sagot ko. Halos isang linggo na rin ang lumipas nang simulan ko ang plano ko, pero di pa naman siya naghihinala.
Palihim kaming nagkikita-kita ng mga kaibigan ko dahil ang alam ni Shein... Hindi ako tanggap ng mga kaibigan ko.
"Well then that's good..." Dad said.
Tiningnan ko ang relo ko kung anong oras na...
Shit, 6:30 AM na kailangan mauna akong pumasok kay Shein.
"Hmmm Mom, Dad, kailangan ko na pong pumasok..." Pagpapaalam ko.
"Wait, Baby di mo ba muna tatapusin ang breakfast mo?" Pahabol na tanong ni Mommy.
"Hindi na Mom, sa school laging nagbre-breakfast si Shein sasabay na lang ako sa kaniya." Sagot ko. "Hmmm..." Before I leave I kiss Mom muna mahirap na matampuhin pa naman yun.
SHEIN'S P. O. V.
Ang saya saya ng buong Linggo ko dahil lagi ko ng nakikita at nakakasama si crush hehehe.
Dumeretso ako sa May waiting shed, dahil hinihintay ako ng bestfriend ko dun.
.
.
.
.------------FAST FORWARD-----------
.
.
.
."BESTIE!!! Sa wakas pumasok ka na..." Pasigaw na sabi ko sa kaniya, wala akong pake sa mga nagtitinginan. "Alam mo Bes may chika ako... Nakasama at nakausap ko na si crush." Sabi ko habang kinikilig.
"HAHAHAHA." Malakas na tawa niya kaya napakunot ang aking noo.
"Oo na alam ko na yun." Sabi niya pa sa tonong nang-aasar. "Eh kaso lang, yung crush mo namang yun gwapo nga pero gwapo din ang gusto." Pang-aasar niya.
"Well atleast lahat naman sila nagiging friend ko noh duh." Pagtataray ko sa kaniya.
"Ehemm..." Tikhim ng kung si--- Ohmygowlay nandito na pala si Kael...
Buti na lang walang binanggit na pangalan yung bestfriend ko naku naku naku.
"Good morning Kael." Nakangiting bati ko sa kaniya.
"Good morning too sis." Bati niya rin with matching beso pa wow lang ha.
Bigay na bigay ang boses at kilos babae niya huhuhu.
"Oh Sis? Yieee nadagdagan na naman ang mga sisteret mo bestie ah!" Pang-aasar ni Marie, paano bitter lang kasi laging ni-gho-ghost hahaha.
"So sinong crush nga pala ang pinag-uusapan niyo ha?" Tanong ni Kael. Oh my god ano sasabihin ko.
"Kilala mo na naman siguro yung mga gwapong bakla dito, Gurl." Sagot ni Marie kay Kael hilig talaga sumabat sa usapan ng may usapan. "Eh ikaw ba Kael may naging crush ka na ba?" Tanong niya pa.
"Hmmm, yes." Nakangiting sabi niya dahilan para lalong makita ang mga dimple niya.
"Oh really?" Kinikilig na tanong ni Marie. "Sino siya dali... Kwentuhan mo naman kami!" Tsk paka demanding talaga.
"I can't tell you the name but... Kaya ko naman siyang ilarawan." Sagot ni Kael sabay sulyap sa akin gezzz, at ngayon lalaking boses ang gamit niya...
Nakakafall naman talaga yung boses niya eh bakit ba huhuhu.
"Meron siyang malambot at magandang kamay..." Pagsisimula niya... Oh My God bakit kailangan pang hawakan yung kamay ko Huhuhuhu. "Meron din siyang mapupungay na mga mata..." This time tiningnan niya naman ako directly to my eyes... In short ewan nakalimutan ko na tawag dun, "Meron din siyang kissable lips..." Sabi niya pa sabay haplos ng hinlalaki niya sa labi ko, napatulala na lang ako... Nararamdaman ko na ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi na ito normal huhuhu... "Fuck, I remember our first kiss." Bulong niya na lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko, nagtayuan na rin ang mga balahibo ko kasabay ng panlalamig ng kamay ko.
Ngunit ang hindi ko inaasahan hinalikan niya ko sa pisngi na lalo kong ikinatulala....
Kanina ang bilis ng tibok ng puso ko ay triple na... Patakbo siyang umalis at iniwan akong tulala napaupo at napa hawak na lamang ako sa aking dibdib at napapikit....
"PA-FALL SI BAKLA!" Bulong ko sa aking sarili.
[A/N: Thank you sa mga naghintay ng Update ko...]
______________________________________
Plagiarism Is A Crime
Story Written By CN-writes
@Copyright
All Rights Reserved
BINABASA MO ANG
GAY?!
Romance'KAEL MONTEMAYOR' isang dakilang bully... Kinatatakutan, hinahangaan at kinahuhumalingan ng maraming babae. Natorpe sa isang babae?! Sa isang babaeng walang kinatatakutan... At walang inaatrasan. Kael Montemayor style: Umamin agad ❌ Magpanggap na ba...