OSS : The Unfulfilled Promises

12 3 0
                                    

Ang hirap pala kapag yung nakasanayan mo biglang nawala.
Yung mga ipinangako sayo sa iba na tutuparin.
Mga pangakong napako dahil sa mapaglarong tadhana.

Ako nga pala si Jovelle
May ex ako, His name is Alexis
Mag-iisang taon na kaming hiwalay ng ex boyfriend ko bukas at naaalala ko na naman sya. He never fails to make me smile when I'm sad, and with that I still remember his promises to me.

"I want to be there for you even in your darkest moments"
Oo, Andyan siya palagi kapag hindi ko na malaman kung ano pa bang worth ko dito sa mundong ibabaw, kapag nagooverthink ako sa mga bagay bagay hindi niya hinahayaang matulog ako ng naiyak at iniisip kung anong worth ko instead we'll talk about life at handa syang magmukhang tanga para lang mapasaya ako.

"Hinding hindi kita iiwan" sinabi niya sa harap ng mga magulang namin ang mga katagang 'yan pero sa isang iglap wala iniwan niya 'ko.

"Ikaw ang babaeng gusto kong iharap sa altar at sabay tayong mangangako sa panginoon." We talked about our future at ang saya kasi kasama ako lahat sa mga plano niya.

Pero bakit ngayon wala na tayo? Bakit iniwan mo 'ko? Tanong ko sa aking sarili dahil alam kong hinding hindi na siya magiging akin pa. Siguro "Promises are meant to be broken" nga talaga? Ang sabi niya magwo-work kami. Pumunta sya sa America, noon ay okay pa kami pero makalipas ang ilang buwan hindi na nagparamdam sa'kin hanggang sa nakita ko nalang sa instagram post niya na may iba na sya, na ikakasal na sila. Ang hirap palang maiwan ng walang dahilan. Siya 'tong nanghimasok at nanggulo sa buhay ko pero ako 'tong hindi makaahon hanggang ngayon. Wala akong pinagsisihan dahil alam kong minahal kita ng sobra at sana ako rin minahal mo. Mahal kita lagi't lagi ngunit tayo'y nasa maling panahon at hindi sumang-ayon ang pagkakataon.

Hindi talaga pwedeng ipilit no?
Mahirap kalaban ang tadhana eh. May mga pangakong hindi na magagawa dahil ikaw ay lumisan at hindi na ako binalikan. Hanggang sa muli aking paraluman, sapat na akong matitigan ka at sa malayo ika'y suportahan.

One ShotWhere stories live. Discover now